16:

1831 Words
PAWISAN, tiim ang mga bagang, ang bawat mga ugat na nasa katawan ni Arbor ay galit na galit sa mga sandaling iyon habang tila ito nakakulong na naman sa sarili nitong mundo… Madilim na mundo ng pagnanasa. Ang mundong kumulong sa kaniya at patuloy na sumasakal sa pagkatao niya sa tuwing nakakakuha ng pagkakataon. Inabot ng labi niya ang malambot at maliit na bibig ni Hailey. Kung gaano siya katigas sa babae sa tuwing sila ay nagsisiping, siyang suyo naman nito. "Napakasuwerte ko talaga sa 'yo," hindi niya mapigilan na bulong sa kaniyang asawa. Ngumiti ang misis niya. "Suwerte rin naman ako sa 'yo. Ito ang sinumpaan natin sa harap ng altar, Arbor." Right. Kasunduan nila iyon. Isang kasunduan na nagtali kay Hailey sa madilim niyang mundo habang ito ay naniniwalang worth it iyon dahil wala namang ibang malapit na tao sa buhay nito na maaaring magtago rito kundi siya lamang. Pareho sila ni Hailey na ulila na. Nakasundo niya ito magmula nang pakawalan na siya ng lolo niya sa escuela kung saan maaari na siyang makihalubilo sa mga tao. Hindi nangimi ang babae na ipagtanggol si Arbor sa mga taong nagsasabing abnormal siya. Iyon siya, abnormal. Totoo iyon. Magmula nang magka-isip siya ay lubos niya na iyong nauunawaan. Naka-block na sa utak niya ang dahilan kung bakita siya ganoon dahil napagamot na siya sa ibang bansa ng kaniyang abuelo. Magaling ang mga duktor na humawak sa kaniya. Pero mas magaling pa rin ang babaeng kasiping niya ngayon. "Buong buhay ko, magmula nang makilala kita ay iniligtas mo na 'ko, Hailey, maraming salamat." Pagak na natawa ang babaeng pinag-alayan niya ng kaniyang apelido. "May kapalit naman ang lahat ng ito. Nagkasundo tayo, hindi mo kailangang magpasalamat palagi, Arb." "Kakapiraso ang kapalit na sinasabi mo sa pabor na natatanggap ko. Alipin na kita sa kamang 'to—" Pinatahimik siya ng bibig ni Hailey. "Sinabi ng duktor na hindi nakakatulong sa 'yo ang mga ganyang thoughts. Maraming beses na nating napag-usapan ang tungkol dito. Three years na, Arbor, hindi na sana ganito ang mga sinasabi mo dahil subok na natin ang isa't isa sa tatlong taon na nagdaan," anang babae nang bumitiw ito sa kaniyang labi. Mas tumiim ang mga bagang ni Arbor nang maramdaman niyang sinasakal na siya ni Hailey—sa kanilang ibabang parte. "Three years na pero ewan ko ba, iba pa din talaga ang pakiramdam ko ngayong gabi sa lahat ng gabing nakasama kita sa kamang 'to." Hailey caressed his face. Napakasuyo talaga ng pagkakahaplos nito sa kaniyang pisngi sa tuwing may naiisip itong gawin na alam nitong hindi niya magugustuhan… Tila mabangis na hayup na nagwala na si Arbor nang walang salitang pinagpalit ng misis niya ang puwesto nila. "H—Hailey…" "Ngayon ko lang gagawin 'to kahit maraming beses mo nang hiniling, Arb. Alam kong hindi ito kasama sa kasunduan nating dalawa dahil baka makasama ito sa 'yo pero naniniwala akong sapat na ang tatlong taon. Naniniwala akong unti-unti ka nang lalaya sa dilim na nagdala sa 'yo sa sitwasyon na 'yan. Dahan-dahan lang, hindi mo kailangan na biglain. Sana lang ay hindi na masyadong matagalan…" Nang kumilos ito sa ibabaw niya ay daig pa ni Arbor ang nakadroga. Ngunit imbes na masarapan siya ay balewala lamang ang hign na iyon na karaniwan nang nadarama ng mga tulad niya sa ganoong aktibidad. "Para saan 'to, Hailey?" Hindi naman siya tanga. Alam ng misis niyang hindi siya kahit kailan na magagawa nitong tanga. "Para sa pagkikita niyo ng usap-usapan na hotelier, hindi ba?" "No," paungol na sambit ni Arbor. Dama niyang hindi na lang dahil sa pagharap niya sa kilalang maganda at sexy na babae ang trabahong ginagawa ni Hailey ngayon sa katawan niya. Kung may nakakaalam man sa mundo ng mga maliliit na detalye ng sikreto niya pagdating sa kama ay si Hailey iyon at ang kaniyang mga duktor. "Malaki ang tiwala kong ang unang pagharap mo sa isang babae na nasa iisang linya ng negosyo mo ay ang malaki ang magiging dulot na pagbabago sa 'yo, Arb. Magtiwala ka sana sa sarili mo." Nagngalit ang dugo ni Arbor. Malapit na siya sa sukdulan. Nararamdaman na niya ang napipinto niyang pagsabog… "Hailey, kailangan mo nang umayos," warning niya sa kaniyang asawa. "Wala kang dapat pigilan ngayon, Arb, hahayaan kita ngayong gabi…" Kahit tinutupok na siya ng pagnanasa ay nagawa pa rin ni Arbor na dumilat at titigan ang asawa. "B—Bakit? Dahil ba ito na ba ang huli? Tama ba 'ko?" Nang marahan na tumango ang babaeng pinakasalan niya ay mas nagpuyos lang ang init sa kaniyang sistema, at sa tingin ni Arbor ay mas nasindihan pa iyon ng galit na kaniyang nadama. Na-report na sa kaniya ni Leighjan ang muling pagkikita nina Hailey at Baron Mckinley pero hindi siya nakinig. Nagpapetiks-petiks lang siya. O baka naman sadyang ginawa niya rin iyon dahil alam niyang hindi nararapat na makasama niya habambuhay si Hailey sa kulungan na siya lang naman talagang mag-isa ang dapat na nakakulong… "D—DISORDER…" Marahas na napalunok si Sabina, kung kanina ay hindi niya mapaniwalaan na nasa kabilang linya ang asawa ni Arbor na si Hailey at sa pakiusap ni Manang Vida ay sinagot niya ang tawag ng babae, ngayon naman ay hindi niya mapaniwalaan ang rebelasyon ng dating asawa ni Arbor tungkol sa sakit ng huli. "Hyper siya sa kama. Nagkasundo kaming magpakasal dahil sa pansarili naming benepisyo—siya, kailangan niya ng isang babaeng mapagbubuntunan niya sa mga pagkakataon na iri-release niya ang stress na dulot ng disorder niya. Kailangan niya ng asawa at malaki ang maitutulong niyon sa paggaling niya. Hindi man kami nagtagumpay na dalawa sa naging kasunduan namin, sumubok lang naman kami. At sa tingin ko, sa katauhan mo ay nahanap na niya ang tamang tao, Sabina," mahabang wika ni Hailey sa kaniya. Muli siyang napalunok. Parang natuyuan siya ng laway sa mga narinig. Pero umukilkil naman sa kaniyang isipan ang araw na siya mismo ang gumalaw sa ibabaw ni Arbor… Kaya pala kahit pinatahimik siya ni Arbor noon ay parang hesitant ang lalaki. Kaya pala ganoon kaingay ang CEO… "Akala ko ay normal lang 'yon… I—I mean, may gano'n naman kasi talaga, parang fetish na at…" Nakagat niya ang sariling daliri. "Kung dama mong normal ang namagitan sa inyo ni Arbor, 'yun ay dahil ikaw na nga ang tamang babae para sa kaniya. Ikaw ang mas makakatulong sa kaniya. Ang sa amin kasi at pinuwersa lang namin upang kahit paano ay makatulong sa kaniya. Sinamahan ko siya sa laban niya pero hindi ko siya iniwan sa panahon na alam kong wala pa din siyang pinagbago sa noon." "At, itinawag mo 'to sa akin ngayon dahil… mahalaga siya sa 'yo!" "Sabina, sobrang halaga sa 'kin ni Arbor. Isa sa mga araw na ito ay mag-usap tayo ng personal tungkol d'yan. Sa ngayon ay ang tungkol nga sa sakit niya't naging pagsasama namin ang itinawag ko sa 'yo gayundin ang paghingi ko ng tawad dahil wrong timing ang pagbabalik ko sa buhay ni Baron. Nasagasaan kita," sinserong sambit ni Hailey. Umiling siya kahit hindi pa nito iyon nakikita. "Hindi, wala kang nasagasaan sa 'kin—ah, ang ego ko oo! Tama! Ego ko lang ang nasagasaan ni Baron at hindi ikaw ang may gawa niyon. Kung hindi ka kasi niya tinanggap ay hindi naman niya masasaktan ang ego ko. Pero okay na 'yon. I have Arbor, now…" Naks! Gumaganoon pa talaga siya! Samantalang kanina ay may paiyak-iyak pa siya. "Salamat sa 'yo. Mas naging panatag ang loob kong iiwan sa 'yo si Arb, Sabina," madamdamin na saad sa kaniya ng dating misis ng lalaking laman na ng isip at puso niya—oo na, aaminin niya na. Kung hindi pa niya kasi aaminin ay siguradong babaliwin siya ngayon ng mga tanong na umiikot sa utak niya. "Gusto kong itanong kung ano ang naging cause ng gano'ng sakit niya pero ikaw na rin ang nagsabi na na-block na 'yun sa tulong ng mga duktor at 'yon ang nararapat na mangyari sa mga taong may gano'ng karamdaman kaya hindi na lang. Besides ay hindi naman 'yon mahalaga sa 'kin. Hindi ko planong buhayin o banggitin man lang ang tungkol dito sa kaniya kasi no'ng may mangyari naman sa amin, kahit ginawa ko ang pang-ba-blackmail na 'yun ay tanggap ko naman ang kapintasan niya sa aspetong 'yon. Nakatuwaan ko lang talaga na…" Nakagat niya ang sariling pang-ibabang labi, hindi niya maituloy ang sasabihin sana sa kausap dahil kapilyahan nang maituturing na nakatuwaan niya nga ang inakala niyang normal na pagiging abnormal ni Arbor sa kama. Hindi siya ipokrita, aaminin na rin niya sa sarili na masarap naman kasi. "Nauunawaan ko, Sabina." Dinig niya ang tunog ng paggalaw ng labi ni Hailey, "At natutuwa akong marinig ang mga 'yan sa 'yo." "Salamat, Hailey. Pakisabi rin kay Baron na salamat. Maraming salamat sa mga tulong niya pero sisingilin ko siya sa pagkikita namin ulit." Narinig niya ang pagkukulitan ng dalawa sa magkabilang linya. Malawak siyang napangiti. Malinaw kasing sinasabi ni Baron na marami siyang utang dito, baka raw puwedeng quits na sila. "Hoy, walang quits sa 'kin! Malinaw pa sa alaala ko ang ginawa mo sa 'kin no'n sa Titanium Hotel! Pinain mo na pala 'ko kay Arbor, hindi ko pa alam! Pinain mo na nga ako kay Arbor, pinain mo pa 'ko sa babaeng 'yon na ubod ng maldita!" Pagtukoy niya sa owner ng hotel na si Titanium. "Hoy ka rin! Kung hindi kita pinapunta do'n ay naagaw na ni Titanium ang atensyon ni Arbor!" Si Baron na ang nagsalita sa kabilang linya. Umingos siya. "Hindi 'yon mangyayari dahil nagawan na nga ng paraan ni Hailey na hindi mangyari na atakehin si Arbor ng sakit niya kalag nakita ang gano'ng kaganda at sexy na babae!" "Maganda at sexy ka nga rin, may nagawa ba ang ginawa ni Hailey nang araw na 'yon, ha?!" Natigilan siya. Oo nga. Minsan talaga ay may mabuti rin dulot ang hindi pagiging sinungaling ni Baron. Nakakataba naman ng pusong malaman na dinaig niya pala ang ganda at alindog ni Titanium noon. Mas siya kasi ang napansin ni Arbor… Hay, bigla tuloy ay parang gusto niyang yakapin si Arbor… "Ay siya, sige na, sige na, bye na! 'Wag ka nang umiyak d 'yan, Baron Mckinley. Basta sisingilin kita isa sa mga araw na 'to. Ihanda mo ang sarili mo," pabirong banta niya sa lalaking maloko rin talaga ngunit hindi maitatanggi na napakabuti ng puso at naging napakabuti sa kaniya kahit pa nga ba ganoon ang ginawa nito. "Ang atraso ay atraso, Mckinley." "Ang maldita mo talaga! Napakarami na ngang atraso sa 'kin ni Villasanto, hindi naman ako nagtangkang maningil!" Napangisi siya. "Magkaiba naman kami ni Arbor." Kaya nga ba mahal na niya ang dati niyang boss. Wala kasing sinabi ang pagiging mabait ni Baron kay Arbor. Pilya siyang napangiti pagkuwan, sigurado rin kasi siyang kahit walang nangyari sa kanila ni Baron ay wala rin namang binatbat ang huli sa lalaking mahal niya pagdating sa kama.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD