Nagising ako sa mga ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto. Kahit masakit ang paa ay dali-dali akong lumalabas dahil ilang beses akong nakarinig ng sigawan mula sa sala. Pero napapailing nalang ako ng nasa b****a palang ako ng hagdan ay nakita ko na ang magkakaibigan na nagtatalo at pinagkakaisahan si Dustin. “Baby…” usal ni Dustin ng tingalain niya ako mula dito sa taas. Salamin ang hamba ng hagdan ng bahay ni Dustin kaya kita mo ang lahat. “Hi, Velle. Okay ka na ba?” napangiti ako sa tanong ni Ashton. Siya kasi ang madalas mukhang caring sa kanila palibhasa may anak na. Bakit kaya tanggap na tanggap nila ako kahit ganito ang sitwasyon namin ng kaibigan nila? Bakit sa kabila ng sakit na dulot ko kay Dustin ay nandito pa rin sila. “Ayos ka na ba?” Salubong sa akin ni Dusti

