Ito ang pangalawang araw ko dito sa ospital. Ngunit hanggang ngayon ay walang Dustin na nagparamdam sa akin. Sabagay inaasahan ko na ito ng oras palang na nalaman kung nasa ospital akong muli at wala na ang batang nasa sinapupunan ko ay hindi na ako umaasa. Dahil alam kung iyon lang naman ang dahilan kung bakit ito nananatili. Dahil kung tutuosin ay walang dahilan para manatili siya sa isang babaeng maraming bagaheng dala. At magiging sanhi pa ng pagkakagulo ng kanyang pamilya. Matagal ko ng tanggap yon. Simula ng araw na mahalin ko siya. Pero ngayon mas naliliwanagan lang ako dahil noong magkasama kami ay patuloy akong pinapaasa ng mga mabulaklak niyang dila. “Elle, lalabas lang ako saglit okay? Huwag kang lalabas at magpapaulan. Naku magagalit na talaga kami sayo ni Nina. Hintayin

