Chapter 2

1830 Words
CHAPTER II Pagod akong naupo sa lounge ng vip ni Fin. May usapan kaming magkikita dito dahil bumalik na siya galing sa probinsya nila. Ang loko ilaang araw palang ay namimiss na kami kaya nagpatawag agad ng session. Napapailing kung tiningnan ang babaeng sumasayaw sa gitna, mukhang lasing na lasing na ito habang umiindayog sa gitna. “Tsk! I doubt it, kung hindi ‘to mabastos.” “Hoy! Sino kausap mo?” Tapik ni Ashton sa akin ng alak. “Bilisan natin isang oras lang ako dito, wala akong susi.” Hindi ko mapigilang hindi mapapalatak sa narinig. “Tang’na ka! Ang yabang mo, understanding ka naman.” Binato niya ako ng kinakaing cracker bago binuksan ang alak na dala. “Gago! Darating ka din diyan.” Napailing ako sa sinabi niya. I doubt that, sa dami ng babaeng nakilala ko wala namang nagpabago sa pananaw ko. “f**k you ka bente! Wag ako Dustin. Kahit isa wala? Eh ano ‘yong humalik sa’yo sa Davao?” sabat ni Fin na naupo sa tabi ko. Saglit ko pang inisip ang sinasabi niya bago pumasok sa isip ko ang babaeng nakasweater na puti at nakasumbrero ng itim na natatakpan ang mukha. “Oo nga. Wag mo kaming tino-talkshit gago! Pare-pareho ang likaw ng bituka natin kaya wala kang maitatago.” Bida-bida na namang singit ni Ashton. Sumbong kita kay Aya sabihin mong talkshit ako. “Woi, Benjamin baka naman—baka naman gusto mo akong damayan.” Siko ko kay Benj na nagkibit balikat at tumawa lang din. Lugi talaga pag usapang pag-ibig dito ‘e. Kung hindi ka bubulihin, ikaw ang mambubully. Kakalungkot! “Ba’t parang problemado ka, Ton?” tanong ni Fin kay Ashton na parang pagod na pagod na nakalugmok sa isang gilid. “Nag-iisip ako kung ano pa ba ang kinakain ng mga buntis ng hindi ako stress sa gabi. Maaga palang bibilhin ko na.” “Luh! Makaarte ka naman kay Aya akala mo naman sobra kung pahirapan ka.” Saad ko na parang hindi makapaniwala. Ang bait kaya ni Aya wag lang ginagalit at naghahalo ang balat sa tinalopan. “Why? Does Aya have a problem?” usisa na din ni Benj na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Siya ang unang nag-asawa sa amin kaya kampante na siya sa buhay na meron siya. Sabagay sa dami ng pinagdaanan nilang mag-asawa ewan ko nalang talaga. Samantalang si Ashton ay problemado sa pangalawang pagbubuntis ni Aya. Si Fin ewan ko kung anong meron sa probinsiya at laging doon lumilipad ang isip niya. “Bud, halos hindi na ako makatulog sa kanya dahil ang daming gusto. Tapos pag binili ko na ayaw naman kainin. Daig ko pa may grocery sa labas ng bahay namin kasi nakastock ang mga pagkain na baka gusto niya.” Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Benj ng halos sabunotan na nito ang sarili niya. Kami naman ni Fin ay nagtataka kung bakit ganoon? Na posible pala talagang maging ganoon kaarte ang mga babae. Akala ko noon ay sa tv lang ‘yon para masabing maselan magbuntis ang babae. Ngayong nakikita ko si Ashton ay magdadalawang isip ka nalang talaga sa mga desisyon mo sa buhay. “Gago! Wag mong takutin ‘yong mga takot ng mag-asawa. Isusumbong kita kay, Aya.” Benj said. “I’m not! Friends tayo so nagsishare lang ako ng experiences with, Aya. Tsaka matagal ng takot ‘yang mga yan hindi lang sa kasal kundi pati sa relasyon.” Ashton hissed. Napapailing nalang akong tumayo at nagbanyo. Hindi na ako makarelate sa mga asawang usapan. Pagpasok ko palang sa pasilyo papuntang banyo ay narirrinig ko na ang mga mumunting tinig ng pagpoprotesta. Akma kung lalapit ako ng marinig ko ang tawag ni Fin. “Anong tinitingnan mo diyan?” “Parang may nag-aaway doon. Patingnan mo nga.” “Sige… iraradyo ko nalang. Tara na.” Muli niyang aya sa akin. Pinauna ko na siya bago ako pumasok sa cr. Pero saktong paglabas ko ay ang pagragasa ng isang babae palabas ng hallway. Kaya hindi ko na napigilan ng mabangga niya ako. Bumangga siya sa akin kasabay noon ay ang muntik niyang pag bagsak pero nahawakan ko ang kamay niya at kinabig siya palapit sa akin. Sumabog ang buhok niya kaya natakpan ang mukha niya. Agad siyang lumingon sa likod niya ng marinig ang sunod-sunod na yabag. Bago pa ako makapagsalita ay nagmamadali na siyang tumakbo paalis. Napapailing nalang akong sinundan siya ng tingin habang unti-unting nawawala sa dilim. “Ba’t antagal mo? Paalis na kami.” Paliwanag ni Ashton ng makita kung nagsusuot na siya ng jacket. Ganoon din si Benj na mukhang nagmamadali na at panay ang tingin sa oras. “Gusto kung matuwa sa mga asawa niyo pero madalas nakakainis lang din.” Napapailing kung upo bago tinungga ang alak na naiwan ko. “Bud, may mga asawa na kami kaya wag kang bakla.” Benj hissed as he throw me s piece of tissue. Napapailing nalang kaming natawa sa sinabi nito. Naiwan kami doon ni Fin na anumang oras ay paalis na din dahil uuwi pa daw siya ng hacienda. Sila na… sila na ang nahahanap na ang sarili. Kahit madalas na akong maiwang mag-isa ay masaya akong nahahanap na nila ang mga bahagi ng buhay nilang ilang taon ng nawala. Masyadong maraming pinagdaanan ang mga asawa nila para lang hindi maging masaya. Except kay Fin dahil on process pa sila na mukhang matatagalan pa. Wala yatang love life nila ang madali at ayoko din namang danasin iyon. Ang sakit kaya sa ulo maghandle ng relationship na sobrang gulo. “Hindi mo pa rin siya nahahanap?” “Namo! Kailangan mo pang ipamukha na hindi ako makamove on?” Pumalatak siya. “Sa dami ng babaeng nahalikan mo doon pa sa walang mukha at halik pambata ka lang mahuhulog? Gago! Ano ka virgin?” Saglit akong natigilan sa tanong na ‘yon dahil totoo, na kahit ako nagtataka kung anong meron at hindi ako makausad ng araw na ‘yon. Para akong nabato balani ng mga labing ‘yon, saglit lang pero iba ang iniwang marka. Di ako pinatulog ng ilang linggo. It was just a peck for heaven’s sake. Gulat akong napatingin kay Fin ng bigla itong napatayo. “Nakulam ka siguro!” Muntik ko ng mabuga ang alak na iniinom ko dahil sa sinabi niya. “Gago!” “Maghanap ka doon sa gitna ng babaeng mauuwi mo ngayon ng makalimot ka sa babaeng walang mukha na ‘yon.” Turo ni Fin sa mga babaeng nasa kabilang lounge na mukhang nagkakasiyahan na dahil nagsisigawan at nagsasayawan na sila doon. “Tsk!” Saglit akong pumikit at isinandal ang ulo sa upoan. Sobrang pagod ako ngayon dahil maraming customer kanina sa La Promesse. Napadilat ako ng marinig ko ang sunod-sunod na hiyawan at halakhak sa lamesa ng grupo ng mga babae di kalayoan. Isang itim na itim na alon-along buhok ang sumasabay sa indayog ng bewang niya. Kahit nakatalikod ay hindi mo maiiwasang maging interesado kung anong itsura nito. Masaya siyang sumasayaw sa gitna habang may hawak na kopita. May kung ano sa loob ko na parang binubuhay niya kahit pinapanood ko lang siya. Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako palapit sa kanila. “Opppss.. Sorry.” Napatingin ako sa babaeng bumunggo sa akin. Dahan-dahan niyang pinunasan ang alak na natapon sa dibdib ko. Para bang dinadama na akala mo ay may hinahanap doon. Napakamot nalang ako sa ulo ng nakakapang-akit itong ngumiti sa akin. “Wanna clean you up?” “Uuwi ka na agad? Hindi pa nga tayo nakakapag-enjoy.” Nilingon ko ang babaeng nagreklamo noon. Isa sa mga babaeng nasa lamesang ‘yon. Nang tiningnan ko ang kinakausap niya ay likod nalang ang nakikita ko dito. Inilayo ko siya sa akin pero ng lingonin ko ang vip lounge ay wala na doon ang babaeng ‘yon. Dali-dali akong naglakad palapit doon at saglit na inikot ang mata sa buong paligid pero hindi na mahanap ng mata ko. “Excuse me! Saan nagpunta ‘yong babaeng kausap mo?” kunot noo pa siyang nilingon ako at saglit na pinasadahan ng tingin. Nananantiya kung ako’y kakampi o isang kaaway. “Oh! She’s gone. She’s married so forget it.” Maarte niyang saad habang pimipilantik pa ang kamay. Dali-dali na akong lumabas ng exit at hinanap siya pero wala akong nakita kaya umikot ako sa entrance. Nakasalubong ko pa nga si Art na mukhang may umaaway na babae. Ilang beses ko pang inikot ang parking at ang entrance pero mukhang nakaalis na yata siya. Bigla akong napatakbo ng isang pamilyar na likod ang nahagip ng mata ko pero agad ding nawala. “Hay, tang’na nababaliw na yata ako. Kailangan ko na talaga magpahinga.” Pagod kung bulong ng sumandal ako sa kotse ko. Napapailing nalang akong binuksan ang kotse ko uuwi nalang ako baka luminaw ang pag-iisip ko. “Wtf” asik ko ng isang kamay ang humila ng kamay ko mula sa pinto ng kotse ko at isang babae ang pumasok mula doon. “Sorry but I need to hide.” Kunot noo kung pinagmasdan ang babaeng nakabucket cap at nakayuko habang hawak sa isang kamay ang backpack na nasa likod. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakayuko na ito ay mas lalo niya pang binababa ito. “Sorry Miss but I don’t entertain strangers.” I hissed and pulled her out from my car. Malalakas na yabag ang narinig kung papalapit sa parking area. Nilingon ko ang mga lalaking nakaitim na tumatakbo sa paligid ng parking at mukhang may hinahanap. Napatanga ako ng maramdaman ko ang isang kamay na mahigpit na pumisil sa kamay ko. “Hanapin niyo ‘yon hindi siya pwedeng mawala sa paningin natin. Tang’na malilintikan tayo.” Dinig kung sabi noong lalaking mukhang leader nila. Narinig ko ang pagsinghap ng babaeng nasa harap ko ng bigla itong humakbang papunta sa direksiyon namin. Mukhang may pinagtatagoan siya at kasali ang mga lalaking ito.  “Im sorry.” Bulong nito bago tumingkayad at inabot ang mukha ko. Bago pa ako makaprotesta ay lumapat na ang labi niya sa labi ko. Sa paglapat palang ng mga labing iyon ay parang bigla ng tumigil ang mundo ko at kusang pumikit ang mga mata ko. Sumabay ang oras sa paghinto para namnamin ko ang bawat sigundong binibigay niya. Dahil ang babaeng ilang linggong hindi nagpatulog sa akin ay nandito na naman at pinaparusahan ako. Parusang hindi mawala sa isip ko at paulit-ulit na pinapa-alala ang pakiramdam ng mga labing nakalapat dito. It’s her. “Gomez, tara na istorbo ka pa diyan!” dinig kung sigaw noong isang kasama nito. Dinig ko ang mga yabag na papalayo na at unti-unti ng nawawala. Napadilat ako ng lumayo ang labing ‘yon. “Nawala na sila—” Hindi ko na pinatapos ang kung ano mang sasabihin niya. Kusa na siyang hinila ng kamay ko papalapit sa katawan ko. At siniil ng halik na hinding hindi niya makakalimutan. Halik na alam kung hindi rin siya papatulogin ng ilang linggo. Halik na magpapaalala na ako lang ang kayang bumaliw sa kanya. Halik na hahanap-hanapin niya. Isang ungol ang kumawala sa kanya ng mas lalo ko siyang hapitin palapit sa akin. Hindi ko na nga namalayang naisandal ko na siya sa pinto ng kotse ko. Basta ang alam ko lang ay gusto kung iparamdam sa kanya ang presensiya ko. Iparamdam sa kanya kung paano niya ako binaliw noong mga nakaraang linggo. Tang’na wala akong pakialam kung kasal ka pa…. Gagawin kitang akin kahit pa maging kasalanan kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD