Makulay at maingay na paligid ang bumungad sa amin pagkababa namin ng sasakyan. Naunang bumaba sa akin si Dalton dahil hindi kami pwedeng makuhaan sa camera ng magkasama. Nakakatawa na kapag kaming dalawa lamang ang tao ay halos itali niya ako sa katawan niya, huwag lang mawala sa paningin niya. Pero kapag may ibang tao ay para itong napapasa at takot akong lapitan. Ilang mga kakilala ang sumalubong sa akin mula sa fashion world. I already make my own name on this industry. May ilang nakakakilala kay Dalton pero hindi ganoon kalalim. Madalas kaming magkasama kapag kakain lang sa labas or mga private gathering that people don’t know him personally. “Vie, fancy seeing you here.” I awkwardly smiled on, Andy one of the photographer that closed to me. He kissed me on the cheek and same as f

