Nagising akong masakit ang katawan at nangangalay. Nilingon ko ang lalaking halos isampay na ang katawan sa akin. Di ko maiwasang mapangiti ng makitang mahimbing itong natutulog sa tabi ko habang ang braso niya ay nasa ilalim ng ulo ko. Hindi ko nga namalayan kung anong oras na kami natapos dalawa. Tiningala ko ang orasang nakasabit sa dingding, alas tres na ng madaling araw. Maaga yata kaming nag-umpisa kagabi kaya nakarami ang mokong. Mataman ko siyang pinagmasdan na parang isang paslit sa pagod. “Kung sana ay kasing payapa mo rin ako matulog sa piling ng iba,” mapait akong napangiti sa naisip bago dahan-dahang bumangon para magbihis. Kailangan kung umuwi dahil baka hanapin ako ng dalawa. “Asan na ba kasi ‘yon….” Napapakamot nalang ako sa ulo ko dahil nanakit na ang tuhod ko kakaluho

