Chapter 4

1742 Words
Pagod at habol hininga akong pabagsak na naupo matapos makabalik sa kwarto ko. Lumipat kasi ng ibang kwarto si Rica para daw hindi niya ako maistorbo. Ngayon gusto ko siyang katokin sa kwarto niya at bulabogin tungkol sa nangyari sa akin sa labas ng café. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Napatingin ako sa kisame ng mahiga ako. “Nababaliw ka na, Vie… Tsk, nababaliw kana talaga!” Bulong ko habang nakahawak sa mga labi ko at inaalala ang nangyari kanina. Hindi parin makapaniwala sa nangyari sa akin. Hindi ko maiwasang maalala ang kagagahan ko kanina talagang tumugon ako sa halik ano?! Ilang minuto ding tumagal ang halik niya kung hindi pa ako muntik mahulog sa hagdan ay baka nacheck in na ako. Masarap ba, Vie? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko tuluyan na yatang kinakain ang kakapirangot na katinuang meron ako. Dahil hanggang ngayon pakiramdam ko ay nararamdaman ko parin ang mga labi niyang dumantay sa labi ko. Kahit saglit lang ito parang ang laking parte sa akin ang iniwanan niya ng marka. Nababaliw na ako! P “Nagkita ulit kayo?” Excited na bungad ni Nina ng sagutin ang tawag ko habang prenteng nakaupo sa gitna ng kama. Alas kwatro palang ng hapon pero bagot na bagot na ako. Palibhasa hindi ako makalabas dahil baka magtapong muli ang landas naming dalawa. Natatakot hindi para sa sarili ko, natatakot ako dahil baka bigla ko siyang talonin at ulitin muli ang halik na pinasalohan namin. “I think its fate,” kunot noo ko siyang nilingon. Kung ano-ano naiisipan ng babaeng ito. Pati ang mga ganoong bagay ay nakukunekta niya pa. Sabagay minsan mas masarap ang maging simple lang ang kaligayahan. Mas masarap ang wala kang iisiping problema kasi simple lang naman ang mga bagay na gusto mo. Madaling makuha at madaling hanapin. “Fate?” ngiting-ngiti siyang tumango. “I think its nightmare, Nina. I kept on crossing his path, and its making me nervous.” Its making me nervous coz the next time will meet again i might wont walk away from him. I might choose the wrong one than the better one. Pero sa totoo lang wala akong ideya kung ano ang dapat at kung ano ang tama. Sa ngayon ang alam ko ay pinapapintig niya ang puso ko ng higit sa kaya nito. “Elle, you kissed him. Sabi mo siya rin ang lalaking bigla mo nalang hinalikan at sinabihan kang magnanakaw ng halik. You’ve already said that you kissed him back the third time… God! Vie, there’s no such thing as coincedence! Maybe its fate or…maybe its destiny.” Hindi ako mapaniwalang napatingin sa kanya. Maybe it is but i wont rely on that, dahil hindi lahat ng itinadhana para sa isa´t isa. Hindi ko mapigilang umikot ang mata ko sa naririnig ko mula dito. Para bang isang kwento sa fairytale o kung anomang drama ang iniimagine dahil kinikilig pa siya. Wala naman ‘tong love life pero kung kiligin wagas. Sabagay halos lumuwa ang puso nito sa mga Oppa niya at sa mga lalaking nasa w*****d story na binabasa niya. Pero ako? Sinira na ng mga ganoong kwento ang totoong buhay na meron ako. “Huh! There’s no such thing as destiny or fate, Nin’s. Ang tanging salita lang na alam ko ay “utang na loob kung hindi mo alam ‘yon ipapakita ko sa’yo.” I hissed on her. She tsked. “Wag ka ngang bitter. You deserve to be happy, Elle—everybody deserve that at isa ka dun alam ko.” Pagpapalakas niya ng loob sa akin. Lagi silang ganoon kapag madalas kung idown ang sarili ko. “Hindi ako bitter. Sinasanay ko lang ang sarili ko sa reyalidad, Nina.” I smiled. At least even the world give me this kind of life, im still thankful that he gave me two people that I can rely on. Two people who can understand whatever decision i do. Pagkatapos kung makipag-usap kay Nina ay nagpasya akong muling lumabas. Gusto kung mapanood ang pagbaba ng araw. Gusto kung maramdaman ang mabuhay ng malaya. Kalayaang matagal ko na din inaasam pero napakahirap abutin at nakakatakot. Dahil kailangan kung isugal ang lalat para dito. Nakakatakot na baka isang araw ang pagsugal nalang sa lahat ng ito ang tanging pagpipilian ko. Wala ng masyadong tao sa tabing-dagat. Meron man ay sa mga kainan lang di kalayoan, siguro ay balak din panoorin ang sunset. Sa di kalayoan ng aplaya ang isang grupo ng mga kabataang nagsasayawan. Gustong-gusto ko talaga kapag nasa dagat ako, nakakalimutan ko ang lahat. Nakakalimutan ko ang sitwasyon ko at kung ano pang naghihintay sa akin kinabukasan. Pakiramdam ko ay lahat magiging ayos lang kapag nandito ako sa tabi niya. Nagbibigay ito ng kakaibang kapayapaan sa utak kung walag tigil sa pagtatanong at pag-iisip. Napayakap ako sa sarili ng biglang umihip ang hangin at napangiti sa dagat na parang kumakaway ang mga alon. Habang nakatayo doon ay parang tinatangay nito ang lahat ng gumgulo sa isip ko. Nilingon ko ang mga kabataang nagsisigawan na… mabuti pa sila walang problema, isip-isip ko. Habang pinapanood sila ay unti-unting napawi ang ngiti ko ng makita silang nagtatakbohan papunta sa direksyon ko. Sa sobrang dami nila at bilis ay hindi na ako nakaalis sa kinatatayoan ko, napapikit nalang ako habang yakap ang sarili. “Sana’y naman na ako, kaya sasalohin ko nalang lahat” kumbinsi ko sa sarili ko habang naakapikit na nakatayo doon at dinadama ang ihip ng hanging tumatama sa balat ko. “Kahit sana’y kana, hindi rason ‘yon para hayaan mong masaktan ka.” Eleven words, one sentence… and it makes my heart flutter. Unti-unti akong dumilat at ang nakangiti niyang mukha ang bumungad sa akin. Nakatayo pa rin ako pero wala na sa pwestong kinatatayoan ko kanina. Hindi ko namalayang nahila niya na pala ako palayo doon. Para akong nabato-balani habang nakatingin sa kanya na nagsasalita pero walang naririnig kasabay ng pagalaw ng buhok niya sa ihip ng hangin. Jusko, sinasapian na yata ako! Para lang akong nasa commercial na natulala na sa gwapong lalaking nasa harap ko. “Alam kung gwapo ako, pero hindi ko akalain na tatatak ako sa’yo at mahuhumaling ka ng ganito,” mayabang niyang saad bago ngumisi. Ilang beses akong kumurap-kurap para gisingin ang sarili ko. Ngumiti ulit siya… tang’nang mga mata ‘yan! Naitulak ko siya bigla at inayos ang sarili ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga reaksyon ko. Pakiramdam ko ay naharass ako ng isip ko sa sobrang pagkalutang. Kung anu-ano na kasi ang pumapasok sa isip ko sa sandaling oras na nakatayo ako doon at nakatitig sa mgaabuhan niyang mata. “Miss Snatcher, wala man lang “thank you” sigaw niya ng mag-umpisa akong humakbang palayo. Huminto ako at nakakunot na lumingon, tinuro ang sarili ko. Nakangiti siyang tumango habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin. Ang dalawang kamay ay nakalagay sa bulsa ng shorts niya habang nililipad ng hangin ang polo niyang pinatungan ang suot niyang sando. Hindi ko maiwasang mapanganga habang pinapanood siyang maglakad palapit sa akin. “Oh my god!” I whispered. Napapiling ang ulo ko dahil nadadala na ako ng mga kilos niya. Para akong sirang manghang-mangha siyang pinapanood maglakad habang ako mismo ay isa namang modelo. “Kailangan ko na talaga ng pahinga. Mababaliw na talaga ako!” “Ako rin naman binabaliw mo,” gulat akong napahawak sa bibig ko ng marinig ang sinabi niya. Gusto ko na talaga ilunod ang sarili ko sa dagat kanina pa ‘to. “Alam mo kahit kailan wala pa akong ninanakawang tao.” Pagdadahilan ko na kahit kailan ay wala naman akong nakalimutan na tungkol sa kanya. “So, nakalimutan mo na ako? Ang bilis naman yata… parang ilang linggo palang ang lumipas mula ng nakawan mo ako ng halik.” Nanlalaking mata akong napaatras sa narinig mula sa kanya. Hindi nga ako nakalimutan ng walang’ya. “Humingi naman ako sa’yo ng pasensya ah! Tsaka halik lang ‘yon, what’s the big deal? Virgin ka?” huli na ng marealize ko ang sinabi ko. Napasinghap nalang ako ng kinabig niya ako palapit sa kanya at sinibasib ng halik. Halik na una palang ay mararamdaman mo ng mapaghanap at mapagparusa. Gusto ko siyang itulak palayo at pigilan. Pero ang nanlalaki kung mata ay kusang pumikit at ang nagpupumiglas kung mga kamay ay unti-unting nanlambot at namahinga sa dibdib niya. Gaya ng unang mga halik niya ay nakakalimot at muling tumutugon. Dahil mismong katawan ko na ang kusang sumusuway sa pagtanggi na gustong gawin ng utak ko. Kasabay ng pag-baba ng araw, pag-ihip ng hangin at pag-hampas ng alon… pinagsalohan namin ang isang halik na hinding-hindi ko na makakalimutan. Mga halik na madalas kung hanapin sa labi ni Dalton. Mga halik na ni minsan ay naibigay sa akin. Halik na kakaiba sa madalas kung matikman. Banayad, nakakapagpalimot at nakakapagbigay sa akin ng kakaibang t***k ng puso. Mga dampi palang pero para na akong nililipad ng hangin. Isang daing ang kumawala sa akin ng mas lalo niya akong hapitin palapit sa kanya. “Ummm” bawat galaw ng labi niya ay napakabanayad at para bang ingat na ingat itong masaktan ako. Napakapit ako sa batok niya ng maramdaman ko ang dila niyang nag-uumpisa ng maging pamilyar doon. Hindi ko alam pero habang tumutugon sa mga halik niya at pinapadama sa akin ang masarap na pakiramdam na iyon… ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Mga luhang hindi ko alam kung para saan at kung bakit… Ganito ba ang pakiramdam nila? Ganito ba ang halik na hindi na inuobligang tumugon? Ganito ba talaga siya humalik? O masyado lang akong inosente kaya nakakalimot ako? Pero kung ganito siguro ang bawat halik na ibibigay sa akin… baka isang araw kusa nalang akong bumigay. Wala akong pagkukumparahan ng mga halik niya dahil simula noon si Dalton lang ang nagmay-ari sa akin. Isang tao lang ang umangkin ng kainosentehan ko. Isang tao lang ang alam kung iniikotan ng mundo ko. Pero ngayon habang nasa bisig ng estrangherong ito nagbabago ang nararamdaman ko. Habang tumutugon sa mga halik niya ay nililipad ako sa lugar na ni sa hinagap ay hindi ko pa napuntahan. Mga lugar na hindi ko alam na ganoon kaganda sa paningin ng isang dayuhan. At unti-unti akong napapahiling na huwag ng umalis pa. Pakiramdam na kahit gaano ako kasaya sa piling niya ay hindi maramdaman. “Can I claim what you stole from me?” he whispered in my ears while giving me small kisses. Dizzy and light headed I silently nod on him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD