Chapter 2 : Her temper
Winter's POV
Natutulog ako ng mahimbing ng may pumatak na malambot sa aking noo.
Tangina! Napadilat ako ng mabilis at hinawakan ang aking noo. f**k! Sa dami ng pag iiputan ng pesteng ibon bakit sa noo kopa?! Wenya naman oh!
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko! Baka mamaya magwala lang ako rito at magmukha pakong baliw.
Kinuha ko ang panyong puti sa bulsa at pinunasan ito, s**t! Another s**t! Kailangan ko pang pumunta sa CR para maghilamos.
Tinalon ko ang almost eight feet na puno. I land flawless. Ang kaliwang paa ko ay nakaluhod habang ang isa naman ay nakatayo para magsilbing alalay.
Mabilis akong pumunta sa palikuran at naghilamos. s**t! Wala nakong panyo! Ano ipupunas ko?! Tangina naman bat ba ang malas ko?!
Dahil sa walang panyo ay kamay ko nalang ang ipinunas ko sa aking mukha, may tumutulo pang tubig sa aking noo.
Mabilis akong lumabas para kumain sa cafeteria. Siguro naman nag la lunch na ang iba. Pag dating ko sa cafeteria ay sinipa ko ng malakas ang pinto.
Badtrip ako. Tangina, ang malas ng araw ko!
Pumila ako sa pagkahaba haba ng pila. Langya! Nagugutom nako!
Inilibot ko ang paningin ko para makahanap ng solusyon. Sa paglibot ko ng tingin ay sakin pala nakatingin ang mga ito. Tinaasan ko sila ng kilay. Aba.
Siguro ang ilan ay nakikilala ako. Sino ba namang hindi? I'm the famous Grade 12 kicked out for ten times. Tss.
Nahagip ng paningin ko ang switch ng fire alarm. A smirk form to my lips sa aking naiisip. Perfect!
Hinugot ko ang tinidor sa dala dalang tray ng babae na dadaan sa kaliwang parte ko at walang lingon na hinagis sa direksyon ng switch ng fire alarm.
Bull's eye. Sumakto ito sa switch dahilan para tumunog ito ng pagka lakas lakas.
Sa naging tunog ay nataranta ang iba at tumakbo palabas. Sa wakas! Wala ng nakapila!
Pumunta ako sa counter at umorder.
"One Fries, one cold choco milk, large burger, and two slice of pizza and cho colate cake. One ice cream and spicy chicken."
"R-right away m-ma'am"
Utal utal nyang pagkakasabi. Tsk. Marahil nakita nya ang ginawa ko kanina. Well i hate wasting my time and ayokong pinag aantay ako!
Tanging mga nakakita lang sa ginawa ko kanina ang nanatili. Tsk i don't care about them! Nagugutom nako!
Nilantakan ko ang pagkain na inorder ko. Ng biglang tumunog muli ang bell. Tsk.
Nagsidagsaan pa ang maraming estudyante. I guess na lunch time na ng ibang section. Tss wala akong paki.
"You slut! How dare you make tapon tapon on my dress! Don't you know who i am?! Don't you know how much this cost?!"
"I-im S-sorry Q-queen! H-hindi k-ko S-sinasadya."
"Tss tanga! Do you think na maibabalik ng sorry mo ang dress na minansyahan mo!eww!it's gross! Amoy basura like you!"
"Queen ano gagawin naten dyan?"
"Hold her! I will make sampal her to know where ba dapat ilugar ang mga
like nyang waste"
Fuck! Am i seeing shits right now? Nakakawalang gana kumain ng ganito. Nakikita ko mula rito na sinasampal nya yung babaeng nerd. Tss hindi ba sya lalaban?hahayaan nya bang pagtripan sya ng mga yan?
Kawawa na yung babae. s**t winter! Stop looking and ignore them! Ayaw mo namang ma kick out ka hindi ba?Don't interfere and lahat ay magiging ayos ang lahat.
"T-tama na P-please!"
Rinig kong iyak ng babae, fine!just this once tutulong ako! I may act bad and b***h but i'm not tolerating this kind of scene. Akma ng sasampalin ulit ng isang babae ang nerd ng ihagis ko ang kutsarang hawak ko! Beng! Sapul ma beybeh! Sapul sa noo ng babae!
"What the f**k?! Who the hell make tapon this kutsara to me?!"
Dumagundong ang sigaw nya sa apat na sulok ng cafeteria. Nagsilingunan naman ang mga estudyanteng nakakita sa pagbato ko sa kanya.
Nanlilisik ang matang tumingin sya sakin. Ha! Pakielam ko sa kanya?! Hindi ko sya pinansin at kumain nalang.
"You! How dare you! Why did you bato me ba ha?! Don't you know me?! I'm the daughter of one of the share holders of this school! Kami ang may pinaka malaking share dito! I will make report you in the principal! You b***h! Why are you hindi tingin tingin sa akin ha?! You're a bastos!Hin--
Napatigil sya sa pag hikab ko ng malakas. Tsk what a waste of time. She's not worth it of my time.
"Y-YOU HOW DARE YOU MAKE HIKAB IN FRONT OF ME! Y-YOU F'--
"Are you done with your useless speech?"
"W-what?!"
"Are you deaf? "
"W-what?!"
"Stupid b***h"
Akmang magsasalita pa sya ng unahan ko sya.
"Wala akong paki sayo, at wala akong paki sa sinasabi mo. Kulang kaba sa atensyon kaya ka nang bubully sa harap ng maraming tao? Nag sorry sayo yung babae ng maayos pero di ka nakuntento at sinaktan pa sya? E ano kung anak ka ng kung sino jan? Hindi kaba tinuruan ng magulang mo ng mabuting asal? Ah. Like parents like daughter. "
"Y-you! How dare you Talk back to me! Girls! You know what to do!"
Sabi nya sa mga alipores nyang kamukha nya. Mga clown na sobrang kapal ng make up.
Akma nang hahawak ako ng isa nyang alipores ng hilahin ko ang kamay at pinipilit ito.
"O-ouch! you b***h!"
"Oh? Masakit ba?"
Sumugod ang tatlo pa, kaya naman bago pa makarating sakin ay sinampal ko ng pagka lakas lakas ang isa at nadapa sa sahig! Ha! Serves her right! Tinulak ko naman sa dalawang paparating ang babaeng hawak ko.
"Pano ba yan? Wala ka ng alipores, sino na magtatanggol sayo nyan?"
Mapang asar kopang wika. Hindi naka ligtas sa paningin ko ang dumaang takot sa kanyang mata. I smirk. Dapat lang. Matakot sya. Hindi nya kilala ang kinakalaban nya. Mess with me and i mess your f*****g face!
" H-how did you manage to make tumba them? You! Mark my salita!i will make your buh--
Hindi nako nakapag timpi at Sinuntok ko sya sa mukha ng pagkalakas lakas! Tangina! Naiirita ako sa pagiging conyo nya! Bwisit! Ang malas na nga ng araw ko dumadagdag pa sya!
"D-did you just P-punch my fa-- oh my god! I-its i-its Bloo--
Hindi na nya natuloy ang sinasabi ng mahimatay sya sa dugo ng retokada nyang ilong. Tskk what a waste!damn it! Mag ta time na at may klase pa ako sa accouting!
Hindi ko na pinansin ang mga nagbubulong bulungan at tinahak ang daan palabas. Nadaanan kopa yung babaeng binubully kanina. Akma pa syang magsasalita ng unahan ko sya.
" sa susunod matuto kang lumaban kung alam mong tama ka, wag mong hayaan tapak tapakan ang pagkatao mo,tsk"
Sabi ko at inirapan kopa sya. May sasabihin pa sana sya ng lampasan kona sya. Mag i start na ang klase ko at kailangan ko ng pumasok at baka magalit na naman si uncle sakin.