I hate you
"Expression of hatred or intense disdain or dislike directed at someone."
Nakita niyang tumatawag si Steph sa phone niya kaya agad niya itong sinagot ang tawag nito.
"Hello Love."sagot niya sa tawag ng kasintahan niya.
"I miss you Love!"lambing niya agad sa akin.
"I miss you too always. Isang linggo na lang naman magkikita na tayo."
"Yeah,but it's like a year for me! I want you now."parang batang sabi nito. Alam niyang naka nguso na naman ito. Kaya napangiti na lang siya.
"Grabe ka! Asikasuhin mo na lahat ng dapat mong asikasuhin diyan. Para wala ka ng problemahin kapag wala ka sa trabaho."
"Yes Love! May meeting ako mamaya sunod-sunod ang meetings na dadaluhan ko. At sa sabado may dadaluhan ako Malaysia na conference meeting kaya Friday palang luluwas na ako. Hindi kita makakasama Love!"malungkot nitong sabi.
May na-sense siyang kakaiba sa binata pero baka guni-guni lang niya yun.
"Okay lang Love, naiintindihan ko!"sabi na lang niya pero hindi niya maiwasan na magtanong dahil pakiramdam niya may problema ito. Na parang may tinatago. Ah ewan! Napaparanoid lang siguro ako.
"May problema ba Love?"mahinahon niyang tanong.
"Wala naman Love. Don't worry I'm okay!"bumuntong hininga ito.
"Maybe I can help? Do you want me to go there in your office?"tanong niya.
First time niyang magboluntaryo na pupunta sa opisina nito.
"No! I mean, may mga meetings ako at baka maboring ka lang din kakahintay sakin."sh!t mura niya sa sarili.
Ayokong magtagpo sila ng ex ko. Kung wala lang dito ang babaeng iyon. Baka masasayahan pa ako sa alok ng kasintahan niya. Mabuti sana kung hindi pasulpot sulpot ang babaeng iyon dito sa office ko. Heto na naman ako God nagsisinungaling na naman ako sa girlfriend ko! Kailangan ko pang magdahilan na may dadaluhan akong conference meeting sa Malaysia makaiwas lang na hindi magtagpo ang dalawa.
"Okay! Mag iingat ka ha! Nga pala maaga akong magpaalam sa manager ko para makahingi ng one week leave ko. Para sure na iyon. I'm so excited Love!"masaya niyang sabi sa nobyo niya. Natawa naman ang binata.
"Halata nga. Ilang beses mo ng sinabi na excited ka!"natatawa nitong biro sa dalaga.
"Syempre first time kung makapasyal sa Malaysia if ever na matuloy tayo. Magtatampo ako kapag hindi mo yan tinupad!"nakanguso niyang sabi kahit hindi naman nakikita ng binata.
"Why should I forget that very important day for us. It's our first anniversary Love! Kaya sobrang busy ko na ngayon. Gusto ko pa naman sana na sunduin ka mamaya pero hindi na kaya ng schedules ko. Kailangan kong iclear lahat para maluwag na ang trabaho ko kapag bumalik ulit sa trabaho."dahilan nalang niya para hindi siya pumunta dito sa opisina niya.
Pero totoong busy siya. Kailangan lang talaga niyang magdahilan para hindi sila magtagpo ng dating kasintahan niya. Alam kasi niyang masasaktan niya ang nobya niya pag nagkataon. Tama na ang mga sakit na naiparamdam ko saknya noon ng dahil kay Krystle. I saw how hurt she was before because of my action. Ayoko ng dagdagan pa ang mga kasalanan ko saknya.
"Naiintindihan ko Love. Basta kumain ka sa tamang oras at wag masyadong late umuwi ng condo mo ha."paalala pa niya sa kasintahan.
"I will Love. Thanks!"
"Okay bye na! I miss you!"malambing niyang sabi.
"I miss you too Love. Mag-iingat ka sa pag-uwi mamaya ha."bilin pa ng binata.
"Okay love."
"I love you, always remember that!"lambing din ng binata sa kaniya.
Kahit lagi niyang naririnig sa nobyo ang katagang "I love you"hindi parin nag sasawa ang katawan niya na kiligin sa binata.
"I know, I love you more!"pagka sabi niya yun nagpaalam na sila sa isa't isa.
***
Kinahapunan parang hindi siya sanay na walang sasalubong sa kanya at agad yayakapin at hahalikan ang noo niya. Nanibago siya. Namiss niya bigla ang binata. Pero choices ko naman ito kaya magtiis siya.
Naglalakad na siya patungong lalabasan ng mahagip ng paningin niya ang babaeng mag-isa na naglalakad. Hindi niya ako napansin kaya siya na ang lumapit dito.
"Brigitta!"sabay hila sa braso niya.
Napatalon naman ito sa gulat at bahagyan na tumili. Natawa siya sa reaksyon nito.
"Bruha ka! Ginulat mo ng bongga ang kagandahan ko!"hampas nito sa braso niya. Nagkatawanan silang dalawa.
"Kumusta ka na?"masaya niyang tanong dito sabay yakap at halik sa pisngi nito. Gumanti din ito sa kaniya.
"Ito mediyo stress parin sa buhay. Nag day-off ako ngayon para maka-relax naman ng kaunti ang utak ko sa daming problema na pinapabuhat sakin ni Jesus Christ!"ngiwi niyang sabi.
"Malalagpasan mo din ang lahat ng yan. Huwag ka lang susuko. Manalangin lang tayo palagi sa panginoon. Magiging maayos din ang lahat. Laban lang sa agos ng buhay."pagpapalakas niya ng loob sa kaibigan.
"Magsabi ka lang sa akin if need mo ng financial support. Wag ka ng mahiya sakin. Magkaibigan naman na tayo since the day na ipinakilala ka sakin ni Leila."ngiti niya dito.
"Salamat pero nakakahiya naman sa'yo. Lahat tayo may pangangailangan din sa buhay kaya tayo nandito para magtrabaho dahil sa mataas na sahod. At saka nahihiya talaga ako sa'yo. Ayoko naman na pati ikaw madadamay sa problema ko. Kaya ko pa naman."bahagyan siyang ngumiti sa akin. Napansin niya ang nababakas ang kalungkutan sa mukha nito.
"Ano ka ba! Timang ka talaga. Kami na nga lang ni Leila ang kaibigan mo dito. Mahihiya ka pa ba? Wala naman ibang magtutulungan kundi tayong tatlo lang. I have a lot of friends here na nakilala ko. Pero Isa ka sa trusted friend ko na nakilala dito sa Singapore. Kaya alisin mo na yang hiya na yan sa katawan mo. Pakibulsa muna yang hiya na yan. Hindi nakakatulong sayo!"Ingos niya dito sabay irap pa! Natawa naman ito ng bahagyan sa inasta niya.
Isang taon mahigit pa lang ito dito. Siya din nagrecommend kung gusto niya ng part time job. Nag-oo naman agad ito. Umalis na din kasi yung isang nag part time job na pumalit sa kaniya noon. Kaya ito ang nirekomenda niya. Laking pasasalamat niya sakin.
"Tara kain muna tayo para mahaba haba din ang kwentuhan natin. Wala ka bang pupuntahan na iba?"tanong niya sa kaibigan.
"Wala naman. Nag window shopping lang ako pang alis stress."kibit balikat niyang sabi.
"Good! Doon tayo sa somerset may free wifi doon pwede mong kausapin ang family mo dun makatipid ka pa sa internet."Yaya niya.
Tumalima naman agad ito at mukhang nasiyahan pa sa sinabi niya.
Masaya silang dalawa na kumakain madami silang napagkwentuhan mga experience nila dito sa Singapore. Tawa siya ng tawa sa kainosentihan nito. The good thing is madali itong matuto. Madami itong experience na nakakatawa. Kaya wala silang tigil sa kakatawa. Hindi na nila alintana ang ibang tao na nakatingin sa kanila.
Gabi na ng maghiwalay sila. Dahil parehong may pasok sila sa trabaho bukas. Narinig pa niya kanina habang kausap ang nanay nito na kailangan nila ng malaking pera para sa pagpapagamot sa pamangkin nito. Kaya nag-insist siyang ibigay ang pera na meron sa kanya. Ayaw pa sana nitong tanggapin pero ipinilit lang niya.
Mahilig siya sa mga bata. Ayaw niyang mahirapan ang kawawa nitong pamangkin dahil sa sakit nito. Kaya nagkusa na siya. Sinabi na lang niya na hulog hulugan niya kapag nakaluwag na ito para hindi na siya mahiya na kunin yung pera.
"Maraming salamat talaga elleng. Malaking tulong na ito para sa pamankin ko."mangiyak-iyak nitong sabi.
"Walang anuman britang. I'm happy to help."ngiti niya dito. Nagyakapan muna sila bago nagpaalam na sa isa't isa.
***
Nasa apartment na siya ng maalalang tawagan ang kasintahan. Nakailang tawag siya bago nito sinagot ang tawag niya.
"Hello! I'm busy! I can't talk to you right now!"masungit nitong sabi.
Napanganga siya sa inasta ng nobyo. Nanibago siya. "O-okay! I'm just checking on you kung kumain ka ba ng dinner mo?"mahinahon niyang sabi.
"Later! So please stop disturbing me!"painis nitong sagot.
"Bakit ang sungit mo ngayon Love! May problema ba?!"nagtatakang tanong niya.
"Can not you hear me? I said don't disturbing me Odessa! Nakakainis kana kanina ka pa tawag ng tawag!!"galit nitong sigaw na sabi sa kabilang linya.
"Who's Odessa?! May iba ka pa bang katawag na babae maliban sakin ha?! Nagawa mo na rin akong sigawan!"garalgal nitong sabi sa kasintahan.
"L-love?"utal na patanong nitong sabi.
"Pati ba naman boses ko hindi mo na din matandaan? Magkaboses ba kami ng babae mong yan ha, Steph?!"inis na niyang tanong.
"I'm sorry akala ko kasi siya yung tumatawag. Hindi ko tinignan ang tumatawag. Love, I'm sorry!"mahinahon na ang boses nito at bumuntong hininga pa.
Dahil naiinis siya bigla sa pangalang binanggit nito hindi niya pinansin ang paghingi nito ng sorry. Mas lalong nainis ako sa kaniya at hindi ko na mapigilan ang sarili kong awayin siya.
"Pati ang boses ko hindi mo na matandaan? Ganyan ka ba ka-busy na pati boses ko nakalimutan mo na din?! Kanina lang nag-uusap pa naman tayo ah. Wow ha! Unavailable! Sa Isang iglap lang hindi muna maalala ang boses ko! Yang babae na yan siguro ang madalas mo ng kausap kisa sa'kin! Kaya naman pala sobrang busy mo na. Sa iba ka na naman pala nagpapaka-busy ngayon!"inis niyang sabi sa binata. Gigil na gigil ang pakiramdam niya.
Mas lalong umusbong ang inis sa binata ng p*****n siya nito ng tawag. Huh! Ngayon pinapatayan mo narin ako ng tawag. Bwesit ka!
Kaya gigil siyang nag type sa cellphone niya ng "I hate you!"ng ilang beses. At ilang beses niyang send sa binata dahil sa sobrang inis niya. Bahala siya sa buhay niya! Pinatay niya ang cellphone niya bago humiga sa kama.
Hindi na rin niya mapigilan na maiyak dahil sa kaalamang may ibang babae nanaman siyang kahati at kaagaw sa binata. Hindi niya alam kung nagkikita din ba sila ng babaeng binanggit niya kanina. "Odessa?" bulong niya sa sarili niya. Parang pamilyar sa kanya ang pangalan pero dahil ayaw niyang mastress at mapuyat mas pinili na lang niyang matulog.
I hate him!!