CNY-(bad experience)
"Are also known as the lunar new year, is the festival that celebrates the beginning a new year on the traditional lunisolar and solar Chinese calendar."
"Steph!"tawag niya sa binata ng nakalabas na siya sa department store na pinagtrabahuan niya. Nakita niya kasi itong may kausap na dalawang babae sa gilid. Napasimangot siya ng hindi narinig ng binata ang pagtawag niya dito.
Tinatawagan pa niya ito pero hindi nito pinapansin ang tawag ko. Hindi ba nito nararamdaman yung vibration ng cellphone niya. Nag message din siya. Tumayo nalang siya sa di kalayuan sa kanila at hintayin hanggang matapos silang magkwentuhan. Mukhang magkakilala ang mga ito.
Lagi siyang nakatingin sa orasan. Nababagot na siya. Nagugutom na rin siya. Tinatawagan niya ulit ito with in 20mis. Hindi parin niya ito sinasagot. Naiinis na siya. Saktong pag lingon niya ng napalingon naman sa gawi niya ang binata. Bahagyan pa itong nagulat pagkakita nito saknya na nakatayo sa di kalayuan sa kanila. Sumimangot siya ng magtama ang mga mata nila.
Agad naman itong nagpaalam sa mga kausap nito at agad lumapit sa akin. He looks guilty. Kaya inirapan ko siya. Niyakap niya ako pagkalapit nito. Napatingin ako sa dalawang babae na kausap kanina ni Steph. Nagtataka at nakakunot ang mga noo nilang nakatingin sa'min ni Steph. Baka iniisip nila kung sino kayakap ni Steph.
Kapag nalaman nilang saleslady lang ang trabaho ko baka maliitin lang nila ako. Knowing Steph, he's billionaire tapos sa Isang katulad ko lang ito bumagsak. Napabuntong hininga siya.
"I'm sorry. Kanina ka pa ba?"tanong niya sa dalaga. Tumango lang siya at nauna ng naglakad. Agad namang sumunod si Steph at inakbayan niya ang dalaga. Tahimik silang naglalakad patungong parking lot.
Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse nito ng makarating na sila sa sasakyan ng binata. Hindi niya muna pinaandar ang sasakyan nito. Hinarap niya ang dalagang tahimik parin hanggang ngayon.
"Elle, my Love. Don't ignore me please! I'm sorry okay!"malambing niyang sabi sa dalaga
Tinignan niya ito ng masama. "Hindi mo din ako pinansin kaninang tinatawag kita. You didn't even bother to check your phone, kung may tawag ba ako o wala. Nag message din ako sa'yo. It seems like you enjoying talking to them. And totally forget me! Kaya hinayaan nalang kita na kausapin sila. Kung hindi ka pa lumingon sigurado na hanggang ngayon masaya ka parin na nakikipag-usap sa kanila."sumimangot siya at humalikipkip. Ibinaling ko sa ibang direction ang tingin ko. Narinig ko itong malalim na bumuntong hininga.
"Okay! I'm guilty. They are my friend. I saw them noong hinihintay kita sa labas. So, I approached them when they passing by In front of me. I'm sorry kung hindi ko narinig ang pagtawag mo sa'kin. I'm sorry kung hindi ko napansin ang message at tawag mo. Hindi ko naman intensiyon na hindi ka pansinin. I'm sorry, okay?"malumanay niyang paliwanag sa dalaga. Feeling guilty talaga ito. Kinuha nito ang mga kamay niya at Hinalikhalikan ang mga ito. Lihim siyang napangiti. Ang cute kasi niya pag malungkot ang mukha nito.
"Nagugutom na ako! Hindi pa ako nag-almusal at lunch. Hindi pa ba tayo aalis. Almost 30mins. din kaya kitang hinintay sa pakikipagkwentuhan mo."inis niyang sabi sa kasintahan niya.
Gusto pa sana nitong magsalita ng inirapan ko siya. Kaya bumuntong hininga nalang ito ulit.
"Okay. Saan mo gusto kumain?"tanong pa nito.
"Kahit saan! Basta may pagkain."Sabi nalang niya kahit gusto niyang kumain ng pizza, burger at fries. Wala na siya sa mood kumain at makipag usap. Ganito siya kapag naiinis at nagtatampo.
"Mag takeout nalang tayo? Okay lang sa'yo?"tanong pa nito. Tumango lang siya. Pagkatapos wala na silang imikan habang nasa biyahe sila. Kaya ipinikit nalang niya ang mga mata.
Sumaya ang pakiramdam niya ng marinig niyang sa McDo ito nag order ng pagkain nila. Nag order pa ng Hawaiian pizza at pepperoni pizza. Ito ang favorite nilang dalawa ni Steph na flavor. Nagkunwari siyang natutulog. Pero hindi niya namalayan na nakaidlip siya.
"Love, wake up where here."panggigising sa kanya ng binata.
Naalimpungatan siya sa pagtapik ni Steph sa pisngi niya. "Pasensiya na nakaidlip ako."mahina niyang sabi. Ngumiti lang ito sa kaniya.
Habang naglalakad sila'y tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong tinignan kung sino ang tumatawag. Ang bestfriend niyang si Serenity pala.
"Wild Se, Napatawag ka?!"pagsusungit niyang tanong.
" Hello, Wilder Be. Ganyan kana ba bumati sa maganda mong kaibigan!"pagsusungit din nitong sabi kay Elle.
"Kelan ka pa naging maganda! Anong meron? Nakaalala kang tawagan ako!"
"Ang sungit mo ngayon wilder Be. Alam ko ang dahilan either gutom ka or masama ang loob mo? Alin diyan?" tanong pa ng kaibigan niya.
"Both! Nagugutom ako at masama ang loob ko! So, wala ka ng pakialam doon!"pagtataray niya sa kaibigan niya. Malakas na tumawa ang kaibigan niya na nasa kabilang linya.
"Relax ka lang, uyyy! Ito naman masyadong high blood."natatawa parin niyang sabi sa kaibigan. "Seryoso na! Kailangan ko ulit ng souvenirs kasi may nag order ng madami kailangan ko na iyon with in two months pang souvenir sa kasal nila. Maaga kung sinabi sa'yo para maaga din ang dating dito. Kailangan ko pang idesign mga 'yon. Pasuyo kapag hindi ka busy ha! Mas maaga na yung maremind kita. Para mabigyan mo ng oras ang pamimili. Alam ko naman kasi na busy ka at busy ka din sa jowa mo!"hagikhik niyang sabi.
"Okay! Baka hindi ako busy bukas magtingin ako. Message mo nalang sa akin ang mga style or kung ano mga bibilhin ko."Sabi naman niya. Wala siyang pasok ng tatlong araw kaya may oras siya para mamili sa Chinatown.
"Sabihin ko na lang."
"Ichat mo na sa'kin mas mabuti."
"Tamad ako magchat. Sabihin ko na lang kasi."reklamo nito.
"Tamad din akong mag-memorize!"pagsusungit niya. Narinig niyang mahinang natawa ang binata sa tabi ko.
"Hayst!"maktol nito.
"Ayaw mo?! Bahala ka! Hanap ka nalang ng ibang mauutusan mo. K bye!"mataray niyang sabi sa kaibigan. Inaasar lang naman niya ito.
"WILDER BE!!!"Malakas na sigaw nito sa kabilang linya. Nailayo naman niya ang cellphone sa tinga niya.
"Don't shout! Ang arte mo kasi! Para ichat lang, eh. Paano kung makalimutan ko. Mabuti na 'yong ichat mo para mabasa ko at hindi ko makalimutan. Ang arte mo! Akala mo gold ka!" pang aasar niya sa kaibigan.
"Okay! Okay! Nakakainis ka!"
"Ikaw din nakakainis! Sige na iMessage mo na ako. K bye. Missyou wild Se."
"Miss you too wilder Be. Ba-bye!"naiiling niyang pinatay na ang tawag. Saktong nasa tapat naman na sila sa elevator.
"What wild Se mean?"curious na tanong ni Steph. Napakagat labi siya. Paano ba niya ipapaliwanag sa kasintahan, na kaya wild ang tawag naming magkakaibigan kasi wild kaming magkwentuhan ng malalaswang bagay. Pasimuno kasi si Sahela. Kaya madami kaming natutunan sa kabastusan ng bunganga ng kaibigan naming si Sahela.
"Ahmm.. It's a endearment na kaming tatlo lang na magkakaibigan ang nakakaalam ang meaning. Hindi pweding ishare sa iba."Hindi siya makatingin ng maayos sa binata.
"And what she called you then?"kulit niyang tanong ulit.
"It's w-wilder Be."Kimi niyang sagot.
"I guess the other one is the wildest?" natatawa niyang sabi. "Well, that really cool. It's unique endearment!"dagdag pa niya.
"Yeah, wildest Sa. Kinuha namin sa pangalan namin. Serenity-Se, Sahela-Sa and me Berry-Be. And we called it wildest Sesabe."hagikhik niya. "It's weird d'ba?"
"Not at all. It's unique! I just wondering why is wild? Wild in what way?"tanong pa nito.
"Ang tsismoso mo, Love! Huwag muna alamin pa! Pwede?!"pagsusungit niya para malihis na ang topic.
"Tsk! Nagsusungit ka na naman!"sabay hapit nito sa bewang niya at kinintalan ng halik sa noo.
Pagpasok nila sa condo ng binata nagulat pa siya ng may biglang kumahol. Bahagyan pa siyang napatalon sa gulat. Bahagyan naman natawa ang binata.
"Sorry, nakalimutan kung sabihin na may dinala akong aso dito. He's Alaskan malamute puppy. He's name is Sarge. This is my favorite dog."paliwanag niya sa dalaga.
"Come on, Sarge. Meet my lovely girlfriend."agad naman lumapit ang aso sa kanila. Excited magpakarga at kakawag kawag pa. "Wala ka ba allergies sa mga hayop or phobia, takot gano'n?"nag aalalang tanong ng binata. Umiling lang siya.
"Hindi ba siya mangangagat?"alanganin niyang tanong.
"No! This dog is very gentle."binaba na niya ang alagang aso. "Halika kumain na muna tayo. I know, gutom kana."Hila niya sa dalaga patungong dining table.
Pinatawad na niya ang binata ng humingi ulit ito ng pasensiya sa kaniya dahil sa hindi pagpansin sa akin. Ayaw ko din naman na magtanim ako ng sama ng loob sa kaniya ng matagal.
*****
Alas sais palang nakabihis na sila ni Steph. Si Steph na rin ang pumili at bumili ng isusuot niya sa CNY(ChineseNewYear) party sa mansion ng grandparents niya ngayon. Bukas naman ang party para sa lahat ng empleyado nila. Sa malawak na venue malapit lang din sa mansion ng grandparents niya gaganapin ito. Pero hindi na siya aattend pa.
"Love kinakabahan ako. Hindi na lang kaya ako sasama sa'yo."nag-aalala niyang sabi. Hindi siya comfortable makisalamuha sa mga mayayamang tao. Pero dahil sa Lola ni Steph, ang nag invite sa'kin hindi ko mahindian. She sighed.
"Shhhh.. I'm here. Hindi kita pababayaan doon. Don't worry, walang mananakit saiyo dun. Please relax okay."lambing niya sa dalaga. At hinalikhalikan ang buhok nito.
Kahit gaano pa siya magrelax hindi pa rin niya maiwasan na kabahan na hindi niya mawari.
"Maganda ba sa'kin ang suot ko? Bagay ba sakin?"tanong pa niya ng paulit-ulit. Nakasuot kasi siya ng sleeveless vintage floral bodycon dress na kulay puti. Lagpas tuhod lang ang haba nito. Si Stephen ang nagpili sa susuutin ko. Even the white sandals.
"You are beautiful, Love, keep that in your mind. Lage ko yan sinasabi sa'yo d'ba?" masuyo niya itong niyakap at marahan na hinahaplos ang likod nito.
****
Nasa biyahe na sila ni Steph patungo sa mansion ng grandparents nito. Nakakakaba. Nakakatense. Naramdaman yata ni Steph ang pagkabalisa ko kaya kinuha niya ang isang kamay ko at dinala niya iyon sa labi niya at hinalikan ito. Hindi na niya binitawan ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa bahay ng grandparents niya.
Mas lumakas ang kabog ng dibdib niya ng nakapasok na sila sa bakuran ng bahay nila. Sakto lang ang dating nila. Nakilala na niya ang iba sa mga ito nung bagong taon. Dito din kami nagcelebrate noon. Pero saglit lang kami noon ni Steph.
Nahihiya ako kaya kimi lang akong ngumiti at bumati sa mga naroroon. Ramdam ko na ayaw ako ng kapatid ni Steph, na babae pero pinakikitunguhan ko parin para kay Steph. Nakikita ko kasing nakataas kilay niya pag nakatingin sa'kin. Minsan masamang nakatitig sa'kin at iirapan ako. Plastik lang niya ako nginitian kapag nakaharap ang kuya nito. Pareho sila ng mga kasamahan niya sa table. Hindi ko alam kung kaibigan niya mga 'yon o relatives nila.
Hindi siya comfortable sa mga tingin at titig nila. Kaya yumuko nalang siya. Pakiramdam niya hindi siya welcome doon. Ang Lola at Lolo lang naman ni Steph ang masayang bumati sa'kin. Niyakap pa nila ako. Ang mommy ng kasintahan ko hindi niya ako pinansin. Hindi nalang ako umimik. Civil naman na bumati sa'kin ang daddy nito. Ganun din ang iba pa ng ipakilala ako ni Steph sa mga ito.
Mga Tita at Tito pala ni Steph ang mga ito. Apat ang anak ng Lola nito. Dalawang lalake at dalawang babae. Pangalawa sa bunso ang mommy ni Steph. Ang kuya ni Steph lang ang wala dito. At ako lang din ang outsider na nailahok dito. Si Steph lang din ang nagdala ng kasintahan dito.
Ang awkward kumain. Parang lahat ng kilos ko nakabantay sila. Palihim pa akong iniismiran ng mommy ni Steph. Nakikita ko iyon dahil hindi ko din maiwasan na tignan ito. Pinipilit niyang maging pino kumilos. Dahan-dahan din siyang kumakain. Kahit masarap ang pagkain na nakahain sa harapan nila. Hindi ko malasahan at maappreciate ang mga ito dahil sa mapanoring tingin nila sa akin.
Nagulat siya ng biglang hawakan ni Steph ang kamay ko na nasa may kandungan ko. Napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata nito. Kaya ngumiti na lang din ako.
Ang grandparents lang din ni Steph ang kumakausap sa'kin paminsan minsan. Na siyang ipinag-papasalamat niya sa mga ito.
"Your grandma and I used to be like that when we were young couples. But of course, until now we're still sweet to each other."natatawang sabi ng Lolo ni Steph. Nang makitang nagngingitian silang dalawa ni Steph. He even reminiscing about their past. Natawa naman siya sa mga kwento ng Lolo ni Steph. Natawa na lang din ang Lola ni Steph sa mga kwento ng kanyang asawa.
Magaan Ang loob niya kapag ang grandparents ni Steph ang kausap niya. Very attentive akong sumagot at masayang nakikinig sa mga kwento nila.
Pagkatapos kumain hinila ako ni Steph papasok sa loob ng kusina nila. Napakalawak at napakaganda din ito. Pinaupo niya ako sa may counter island. Nakita niya itong nagbukas sa refrigerator, may kinuha siyang cake at iba't ibang dessert. Masaya silang kumakain ng may tumawag kay Steph. Ang mayordoma nilang si manang Linda ang tumatawag sa binata. Pilipino din ito at mabait.
"Love, Ewan muna kita dito, okay. Kakausapin lang ako ako ni Dad."Sabi nito sabay halik sa labi ko.
"Okay, sige. Ayos lang ako dito."ngiti niya sa binata.
Niyakap muna niya ako bago umalis. Iniwan naman ako ng mayordoma dito dahil may ginagawa pa daw ito. Tumango at ngumiti na lang ako saknya.
Busy siya sa pagmuni-muni sa kusina ng may tumikhim sa likuran niya. Agad siyang napalingon ng mapagsino ang nasa likuran niya. Kinabahan siya bigla.
"A-ahmm. H-hello po."kinakabahan utang niyang bati sa ginang. Tinaasan lang siya ng kilay at lumapit sa kanya. Nagulat siya bigla ng walang sabi-sabing itinapon nito ang cake na kinakain niya sa damit ko.
"Ang kapal ng pagmumukha mong dumalo sa okasiyon na ito! Hindi ka naman parte ng pamilyang ito!"nagulat siya dahil marunong din itong magtagalog. Pero mas nagulat siya dahil sa inasal niya sa'kin. Ganito ba kasama ang ugali ng Ina ni Steph.
"P-po?"natameme siya. Wala siyang masabi. Pakiramdam niya subrang napahiya siya.
"Huwag kang umastang mabait at umastang Mahal ang anak ko! Dahil sa itsura mo palang alam ko ng pera lang din ang habol mo sa anak ko!"mataray niyang sabi sa akin.
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita dahil kinaladkad niya akong patungong lababo na madaming hugasan. Nakita ko sa gilid ng mga mata kong nakatingin sa'kin ang mga katulong nila na nag-aalala sa'kin. May nagtangka pang magsalita ng sigawan lang siya ng Ina ni Steph. Kaya wala silang nagawa.
Masakit ang pagkakahawak nito sa braso ko dahil nakabaon ang mga kuko ng daliri nito sa kanyang balat sa higpit ng pagkakahawak nito pero hindi ko ininda ang sakit. Wala siyang lakas na suwayin ito dahil hindi ko naman expected na ganito niya ako itrato. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. I don't deserve this. Subrang napapahiya na ako. Sobrang nasasaktan ako sa mga paratang nito sa'kin.
"Diyan! Diyan ka nababagay! Isa ka din naman hampaslupa na kagaya ng mga katulong dito. Mga patay gutom!"pang iinsultong sigaw pa nito sa akin at sa mga katulong na nakatayo sa di kalayuan sa akin. Alam kong naiinis ang mga ito sa inasta ng ginang.
"Ano pa tinatanga tanga mo diyan! Maghugas ka na! Para naman may silbi ang pagpunta mo dito. Hindi ka amo dito at hindi ka welcome na bisita dito!"pang uuyam pa nitong sabi sa'kin.
Wala na siyang nagawa kundi sundin nalang ang ginang para wala ng masabi pang masasakit na salita pa sa akin.
"Nako! Ma'am Elle, anong ginagawa mo? Bitawan mo yan. Pagagalitan kami ni Sir Stephen pag nakita ka niyang naghuhugas at hinayaan ka lang namin. Huwag mong gawin yan ma'am Elle."pigil at nag-aalalang sambit ng mayordoma.
"Hayaan mo siya diyan Manang! Diyan nababagay ang ambisyosang babae na iyan!"pang-iinsulto pa nitong sabi na tinaasan pa ako ng kilay at humalikipkip pa na nakatingin sa'kin.
Nagsimula na siyang naghuhugas ng may humablot sa mga kamay niya. Nagulat siya ng makitang si Stephen ang humablot sa mga kamay niya. Nakakatakot itong tignan dahil sa talim ng tingin nito sa mga taong nandito. Kulang nalang mananakal at lapain nito ang mga taong naririto.
"Anong ginagawa mo?! Sinong may sabing paghugasin niyo siya dito?!"sigaw niya sa mga katulong na nandito.
Walang umimik at lahat sila napayuko dahil sa takot. Taas kilay lang din ang Ina nito na natayo sa tabi.
"Ako ang may utos! May problema ba, ha, anak?! Diyan siya nababagay dahil hindi naman siya invited sa okasiyon na ito!"galit naman na sabi ng ginang sa anak niya.
"What! Kayo ang nag-utos? Tapos tatanungin mo ako Mom, kung anong problema? Huh! Alam mong girlfriend ko siya at ito ang gagawin mo saknya?! Mom naman! Bakit hindi mo man lang siya irespeto. Bisita siya dito! Kung ayaw mo saknya, fine! Pero sana kung hindi mo kayang irespeto bilang girlfriend ko. Irespeto mo naman sana siya bilang isang tao!"sigaw nito sa kanyang Ina.
"Girlfriend ko siya Mom! Girlfriend ko siya, para itrato mo siya ng ganito!"walang sabi-sabing pinagtatapon ang mga plato, mangkok, kutsara, baso, at chopsticks sa sahig. Bahagyan pa siyang napasigaw sa gulat sa ginawa ng binata.
"Ang Lola at Lolo ang nag invite sakanya dito! Sana man lang kahit katiting nagpakita ka ng kagandahan asal saknya!sigaw niya ulit! Lahat ng makita niyang nasa lababo ibinabato niya sa sahig. Nagkanda basag-basag ang mga ibinabato nito.
"Alam kong ayaw niyo sa kanya! Ano bang ginawa niyang kasalanan sainyo para itrato mo siya ng ganito?! Hindi ka naman niya binastos Mom, ah! Tapos ganito ang gagawin mo saknya!"
"Hindi mo ba alam Mom, kung gaano kasakit sa'kin ang ginagawa mo sa girlfriend ko!"galit na galit nitong sigaw.
Pinapatigil ko siya pero ayaw paawat. Sobrang nagwawala talaga ito. Nakakatakot pala itong magalit. Pinapatigil niya dahil nakita na niya kasing nagsipasukan sa kusina ang mga relatives nito.
"Hindi niyo man lang nirespeto ang bisita nila Lolo. Nakakadisappointed kayo! Alam kong ayaw niyo sa kanya. Pero itrato niyo naman sana siya kahit hindi na bilang girlfriend ko kundi bilang isang tao! Akala niyo ba hindi ko napapansin ang mga mapanoring tingin niyo saknya. Ang mga irap at masamang titig niyo na parang ginawan niya kayo ng masama! You guys are so irritating and I'm so very disappointed. I'm hurt!"masamang loob na sabi ni Steph sa mga taong nandun. Balak nanaman sana nitong magbato ng hinawakan ko na ang mga kamay niya at niyakap ito.
"What's happening in here?!"malakas na boses na nagpatigil kay Steph. Pero andun parin ang galit sa mukha niya.
"I'm sorry, grandpa! I just can't accept what my mom did to my girlfriend. Hindi ko siya isinama dito para lang gawin niyang taga hugas ng mga pinagkainan natin. I'd rather throw it all away this things than saw my girlfriend washing the dishes."galit niyang sabi sa kanyang Lolo.
"My God Selva! Where's your manners? Bisita ko siya! Ako ang nag-invite sa kaniya na pumunta dito. Kaya wala kang karapatan na bastosin ang bisita ko!"galit na sita ng Lola ni Steph sa Mommy nito.
"Pinagtatanggol niyo pa siya, Mama, kesa sa akin na anak niyo? Tama lang naman ang ginawa ko, ah! Wala naman siyang pinagkaiba sa dating girlfriend ng anak ko! Pera lang din ang habol ng babaeng iyan!"galit na sabi ng ginang sakin at dinuro pa ako. Na mas nagpagalit kay Steph.
"Hindi ko kayo pinalaking bastos! Hindi ko kayo tinuruan na mambastos ng ibang tao! Naturingan pa naman kayong may pinag-aralan. Nagiging asal kalye na kayo! Wala akong mga anak na ganyan ang mga pag-uugali!"galit na sabi naman ng matanda sa anak nito.
"Huwag mo siyang ikumpara sa ex-girlfriend ng anak mo. Pareho lang silang babae pero magkaiba ang ugali nila. Masyado kang judgemental. Lahat nalang pinapakialaman mo! Ang tanda mo na pero isip Bata ka parin. Mahiya ka naman sa asawa mong lagi kang iniintindi!"dagdag pa ng Lola nito.
"I'm so disappointed!!"iiling din sabi ng Lolo nito.
Sobra siyang nasaktan sa mga binitiwang masasakit na salita sa kanya ng Ina ng nobyo niya. Pero nagpapasalamat parin siya dahil ipinagtanggol siya ni Steph at ang grandparents nito. Gustong gusto na niyang umiyak. Pero kinakaya niya ayaw niyang kaawaan siya ng mga taong nandito.
Lo, La, where leaving!"paalam naman ni Steph. Agad na hinila ang dalaga palabas ng mansion. Ni hindi niya tinapunan ng pansin ang mga taong naroon.
Sumunod naman sa kanila ang Lola at Lolo nito. Bago pa man sila sumakay kinausap muna kaming dalawa ni Steph.
"Hija!"bumuntong hininga muna ang matanda. "I'm deeply sorry for what happened. Sana hindi ito ang dahilan para hiwalayan mo ang apo ko."nag-aalalang sambit ng Lola ni Steph.
Umiling- iling naman siya. "Hindi ko po iyon gagawin Lola, Mahal ko po si Stephen. Hindi ko siya kayang hiwalayan. Wala naman po siyang kasalanan."nahihiya niyang sabi dito sabay yakap sa matanda.
"Maraming salamat hija."
"Maraming salamat din po sa pag-invite niyo po sa'kin dito. Nag-enjoy po akong kakwentuhan kayo."ngiti niyang sabi.
"Lo, La, I'm sorry sa kinalat ko. Nabasag ko yata lahat."Napakamot pa siya ng batok dahil nahihiya siya sa grandparents niya. "Sorry din sa inasal ko kay Mommy kanina. Nagalit lang talaga ako sa ginawa niya."hinging paumanhin naman ng binata. Natawa naman ang kanyang Lolo.
"Ganyan din ang gagawin ko apo kapag nakita kong paghugasin nila ang Mahal kong asawa."nakakaintinding sabi naman ng Lolo nito. Napangiti naman ang binata sa tinuran ng Lolo nito.
****
Tahimik silang nasa loob ng sasakyan ng binata. Mga malalalim na buntong hininga lang ng binata ang maririnig sa loob. Mabilis lang silang nakarating sa condo ng binata. Pagka-pasok nila sa condo agad siyang nagtungo sa banyo. Pagkapasok niya'y agad tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Ayaw niyang ipakita sa binata na sobrang naapektuhan siya sa nangyari kanina. Tahimik siyang umiiyak. Hindi na din niya alam kung gaano siya katagal sa loob ng banyo, kung hindi pa siya katukin ng binata.
Pagkalabas niya sa banyo ay nagulat pa siya ng bahagyan dahil sinalubong siya agad ni Steph ng mahigpit na yakap. Paulit-ulit itong humihingi ng sorry dahil sa nangyari. Mas lalong naiyak siya sa pag comfort sakanya ng kasintahan. Kahit sa pagtulog nila nilalambing at hindi nagsasawang humingi ito ng paumanhin. Na sinasabi ko naman sa kaniya na wala itong kasalanan.
Alam kong affected din ito sa nangyari. Baka mas double pa Ang sakit na nararamdaman nito kisa sa akin. Dahil kita ko sa mga mata nito ang sakit, galit at lungkot.
Mahal na Mahal ko ang lalaking ito. Hindi ko siya kayang hiwalayan kahit pa anomang pagsubok ang darating. Susuko lang ako pag sinabi na nitong ayaw na niya sakin. Kaya pang hahawakan ko ang pagmamahalan naming dalawa...