Chapter 23

2471 Words
Forgiveness "As a conscious, deliberate decision to release feelings of resentment or vengeance toward a person or group who has harmed you, regardless of whether they actually deserve your forgiveness." Masakit ang ulo niyang bumangon kinaumagahan. Babangon na sana siya ng makitang may nakalagay na puting kumot sa katawan niya. Napangiti siya kahit nagalit ako sa kaniya inaalagaan parin niya ako. Napalingon siya sa ibaba ng sofa na kinahihigaan niya ng may makita siyang blanket doon sa sahig. Napagtanto niyang doon din natulog ang binata. Mahimbing pa rin itong natutulog. Nakatagilid ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Huminga siya ng malalim. Ayoko na nagkakaganito kaming dalawa mabigat sa dibdib. Wala siyang makitang orasan sa loob ng kwarto ng binata kaya bumababa na siya sa sofa at nagdahan-dahan na lumabas ng kwarto na iyon para hindi magising ang binata. Gusto niyang magluto ng maaga nakaramdam na kasi siya ng gutom dahil kunti lang nakain niya kagabi. May nakita siyang tirang kanin kagabi kaya iyon na lang ang niluto niya sinangag. Nagprito din siya ng itlog, hotdogs, bacon at longganisa. Pinainit din niya ang natirang ulam kagabi. Natapos na siya sa pagluluto. Naglilinis na siya ng kitchen ng maramdaman niyang may pumasok sa loob ng kusina. Alam niyang si Stephen iyon kaya hinayaan ko lang siya doon. Hindi ko siya kinibo pinapakiramdaman lang niya ang binata. Wala ba itong balak yakapin ako sa likod at batiin ako ng magandang umaga. Naparolled eyes siya sa naisip. Narinig niyang naghila ito ng upuan at alam niyang naupo ito doon. Nagkunwaring hindi niya alam na nandoon ito. Pinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Pero mayat maya lang tumayo ito dahil na din sa pagtunog ng upuan. Nagulat siya ng yakapin siya nito sa likod. "Did I say it loud again or nasense lang ng binata."tanong niya sa isipan niya. "Good morning, Love!"mahina nitong bulong halatang kagigising lang dahil sa pamamaos ng boses niya. "Walang good sa morning!"pagsusungit niya. "Hindi pa tayo bati kaya wag mo akong yakapin!"napakagat labi siya sa sinabi sa binata. Mas lalo naman niya akong niyakap. Dinig din niya itong huminga ito ng malalim. "Please, forgive me, Love! Hindi ako sanay na nagagalit at nagsusungit ka sa akin."pagsusumamo niya at mas lalong hinigpitan ang pagyakap niya kay Elle. Hindi siya kumibo. "Elle, Love! Bati na tayo please?"nagmamakaawa na ang boses nito. Tsk! Hayaan ko muna itong magdrama. Para siyang Bata."Pwede ka nang maupo doon. Gusto ko ng kumain nagugutom na ako!"Iwas niya sa pagmamakaawa nito sa akin. Bumuntong hininga ito ng malalim bago siya nito binitawan sa pagkakayakap sakanya. Nagtimpla muna siya ng kape nilang dalawa bago siya sumunod sa hapagkainan. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya nag iwas siya ng tingin dito. Kahit naman kasi sino maiinis sa ginawa nito kagabi. Hindi man lang nila ako nirespeto. Ang babaeng iyon naman talaga ang may kasalanan pero itong lalaki din kasi hinahayaan lang na landiin siya ng babae. Ang masaklap pa sa harapan ko pa mismo. Masakit sa part ko yun. Napabuntong hininga siya. "Kain na tayo!"pambabasag niya sa tahimik na binata. Tumango lang ito. Habang kumakain sila panaka-naka siya nitong tinitignan. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi-sabi. Kaya nauuwi nalang sa malalalim na paghinga niya. Patapos na silang kumain ng tumunog ang cellphone ni Stephen. Nakita niyang napangiwi ng tignan nito kung sino ang tumatawag. Tumayo ito tumingin muna ito sa kaniya. "Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin mamaya."presinta nito. Napairap nalang siya. "Akala mo naman magaling na yang kamay mo! Kapag nagkainpeksiyon ulit yan dahil nagmamagaling ka nanaman bahala kana sa buhay mo!"pagsusungit niya. Inirapan niya ulit ito bago tinalikuran. Bumuntong hininga ito. "I'm just wanted to help you."mahina nitong sabi. Napamura siya sa isipan niya. Nakakatakot din pala itong magalit. She is like a beast! Ang tatalim ng mga irap niya sa'kin. Pero hindi parin ako titigil na kakasuyo saknya dahil ayoko ng ganito nakakapanghina. Ayokong nakikita na malungkot at nasasaktan ito dahil sa kagagawan ko. "Tsk! Ang tigas ng ulo mo!"simangot niya. "Sagutin mo na yang tumatawag sayo kung sino man yan! Ang ingay!"nagdadabog siyang nagtungo sa lababo para ilagay ang pinagkainan nila. "Si Lola, ang tumatawag!"agad nitong sabi. Hindi nalang siya umimik. Narinig niya itong sinagot na ang tawag ng Lola nito. Gusto niyang makinig sa usapan nilang mag Lola, wala lang curious lang naman ako. Nakita niyang nakatayo sa likuran ng sofa habang nakikipagusap sa Lola niya. Nagtago siya para hindi makita ng binata. "Lola, I know it's my fault! I know I'm stupid! I regret what I said to her. And I'm so freaking frustrating right now because she avoiding me! "frustrated niyang sabi sa kausap niya sa phone. Nakikinig lang siya kita ko ang malalalim nitong paghinga. Ano kaya ang mga sinasabi ng Lola nito sa kaniya. "Anong gagawin ko diyan La? I know you, everytime I did something that you don't like. La, I'm already old para paluin niyo pa ako ng cane mo. You always saying I'm your favorite but I guess peborit mo lang akong paluin. Hindi ka pa rin nagbabago Lola!"Napakamot ito sa batok niya. Umalis na siya sa pakikinig doon at pinagpatuloy na lang ang ginagawa sa kusina. Napapangiti siya sa narinig. Para itong maamong tupa na takot mapalo. Hindi ko alam mga sinabi ng Lola niya na ganoon na lang ito tumutol. Narinig pa niyang isinumbong siya ni Nanay Linda sa Lola nito dahil sa nangyari kagabi. Naiiling na lang siya. Paglabas niya sa kusina nakita niya itong tinatanggal ang benda ng sugat nito baka lilinisan nito at palitan ng bandage. Sa lagay niya nahihirapan itong tanggalin dahil masakit siguro pag masage nito ang sugat. Hindi ko rin naman matiis ang lalaking ito. Kaya nagkusa na ako para tulungan ito. "Tulungan na kita."Sabi niya at umupo sa tabi nito. Naglagay muna siya ng alcohol sa kamay bago niya sinimulan na linisin ang sugat nito. "Thank you, Love." Tumango lang siya dito. Ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya. Habang abala naman ako sa paglilinis sa kamay niyang may sugat. Pinanatili ko ang mukha kong seryoso. "Nakainom kana ba ng gamot mo?"tanong niya. Tumango naman ito. Iniligpit na niya ang mga ginamit. Kinuha niya ang mga maduming benda at tinapon mga iyon sa basurahan na nasa kusina. Lahat ng galaw niya nakasunod lang ang paningin nito sa akin. "Love Elle, papasok ka ba sa trabaho mo?"alanganin nitong tanong saknya ng napadaan siya sa Sala para magtungo sa kwarto ng binata. "Hindi!"pagkasabi niya iyon ay tinalikuran na niya ito. Naantok pa siya kaya matutulog siya ulit. Ayaw kong pumasok sa trabaho na mugto ang mga mata ko. At tinatamad din siyang pumasok ngayon. Nagmessage nalang siya sa manager nila para ipaalam na masama ang pakiramdam niya. Patamad siyang humiga sa kama. Nasa sahig ang mga paa niya habang pahiga siya sa kama. Sinundan pala siya ni Steph sa loob ng kwarto. Hindi ito mapakali kanina pa. Alam kong nababagabag ito sa inaasta ko. Gumaya din ito ng higa sa tabi ko. Maya-maya'y tumagilid ito ng higa. "Love, please pansinin mo naman ako. Ayoko ng ganito yung hindi tayo nagpapansinan. Nahihirapan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin mapatawad mo lang ako."pagsusumamo niya. Yumakap na din ito sa dalaga. "Please?! I know sawa kana sa kaso-sorry ko pero magso-sorry parin ako. Hinding hindi ako magsasawa. Alam ko mali ang ginawa ko. Mali ako ng sinabi. Mali ang ginawa ko na hinayaan ko lang siya na asikasuhin niya ako. Mali ako dahil hindi ko naisip ang nararamdaman mo. Aminado ako doon. I'm such a stupid! A dumb person! I regret what I've said. And I'm so dumb because I made you cry because of me!"madamdamin niyang paliwanag. Nakikinig lang siya at hindi umiimik. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi mo ako papansinin ngayon. If only I can throw away myself para lang maiganti kita sa katangahan ko gagawin ko. Pero hindi ko iyon magagawa dahil ayaw kong malayo sayo, Love!"pagdadrama niya. Lihim siyang napapangiti. Ang drama nito. Nakakaantok ang mahinahon nitong boses. Ang yakap nitong kay sarap damhin. Ang pagsuyo nito at ang lambing ng boses nito. Hindi ko namalayan na iginupo na siya ng antok. Hindi na niya narinig ang iba pa nitong sinasabi. Nagising siya sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell sa labas. Nilingon niya ang binata na nakayakap sa kaniya at mahimbing na natutulog parin. Tumagilid siya at hinaplos ng marahan ang mukha ng binata. Napakagwapo talaga ng lalaking ito. Sa isip-isip niya. "I'm sorry, natulugan ko ang pagdadrama mo."Sabi nito habang hinahaplos parin ang mukha nito. May mga tumutubo ng buhok sa panga at baba nito. Hindi niya alintana ang nagdo-doorbell sa labas ng condo ng binata. Hinalikan niya sa labi ang binata. Naalimpungatan naman ito sa ginawa niyang panghahalik sa labi nito. Nagtama ang mga mata nila. Nginitian niya ito pero sumimangot lang ang binata. Sumimangot ito dahil siguro tinulugan niya ito habang nagdadrama. Natawa siya na wala sa oras. "I forgive you, love."lambing niya dito. "Wait lang kanina pa may nagdo-doorbell sa labas. Titignan ko lang." agad na bumangon at nagtungo na sa pintuan para tignan kung sino ang nasa labas ng condo ng binata. Nagulat siya ng mapag-sino ang nasa labas ng condo ng binata. Ang Lola ni Steph at si Nanay Linda ang nasa labas. Nakasimangot na silang dalawa sa labas kaya agad kung binuksan ang pintuan. "Halla! Hello po magandang tanghali. Pasensiya na po kung hindi agad po kayo nagpagbuksan. Nakatulog po kasi kami."nahihiya niyang paliwanag sa Lola ni Steph. Sumimangot ito."Napuyat ba kayong dalawa sa pag-gawa ng magiging apo ko sa tuhod?"seryoso ang pagkakasabi nito kaya nahiya siya bigla at pinamulahan ng mukha. "P-po? A-ahm...eh.. h-hindi po!"nauutal niyang tanggi. Napapikit pa siya dahil sa sobrang kahihiyan sa sinabi ng matanda. "Bilis bilisan niyo na ang gumawa para maabutan ko pa ang magiging mga apo ko sa tuhod. Nasaan si Stephen?"tanong nito sa'kin. Sasagot na sana siya ng maunahan siya ni Steph."I'm here La! Why are you here?!"Sabi nito sabay lapit sa Lola niya. Hahalik sana ito sa pisngi ng Lola niya ng hampasin siya nito sa braso. "Why? Bakit ka ba ng hahampas Lola? Susumbong kita kay Lolo eh!"nakanguso nitong sabi na parang Bata sabay yakap sa Lola niya. Sumimangot lang ang matanda."Ganyan ka ba bumati sa Lola mo ha?!"sita niya sakanyang apo. "At subukan lang akong awayin ng Lolo mo ng dahil sa'yo hinding hindi na siya makaka-score pa sa akin gabi-gabi."irap niyang sabi kay Stephen. "Sa labas siya matutulog, hmp!"dagdag pa niya. Humalaklak naman ang binata sa tinuran ng Lola niya. Pati na rin ako at si Nanay Linda na papalapit na sa Sala para magbigay ng merienda ay napahalakhak na rin. May one time kasi nagsumbong siya sa Lolo niya dahil pinagpapalo siya ng Lola niya. Nagkaroon ng marka sa katawan niya at iyon ang pinakita niya sa Lolo niya dati. Kaya nag away sila dahil sa'kin. "Lola naman! Hindi kaba naaalibadbaran sa mga pinagsasabi mo. Sayo yata natuto itong si nanay Linda, eh! Tsskk!"natatawa parin sabi ni Steph. Pero batok lang inabot niya sakanyang Lola. "Nakakarami kana Lola!"natatawa parin ito sa kaniyang Lola. "Gusto mo bukulan pa kita eh!"umamba itong babatukan nanaman ng matanda agad naman lumayo ang binata sa tabi ng Lola niya. Ang cute nilang panoorin. Nakakatawa ang bangayan nilang mag Lola. Napapangiti siya namiss niya bigla ang mga Lola at Lolo niya sa Pinas. Makukulit din ang mga iyon. "Ano nga pong meron at napadalaw kayo dito, Lola? First time niyong naligaw dito, ah!"pangungulit nito. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako. Nakita kong ngumiti ang matanda sa pag-akbay ng binata sa akin. "Bagay na bagay talaga kayong dalawa apo!"kinikilig na sabi ng Lola ni Steph. Mayat maya ay nag-seryoso ito ng mukha. "Ano iyong nabalitaan kong naglalandian kayo ng kristel Ong sa harap pa naman daw ng girlfriend mo! Anong pumasok sa kukuti mo at pinapunta mo siya dito?"painis na tanong ng Lola niya. "Tignan mo ang mukha ng girlfriend mo halatang umiyak yan kagabi! Mugto ang kanyang mga mata."inis parin na pinandilatan pa ang apo niya. Napakamot nalang ng batok ang binata. Guilty talaga ang mukha nito. "La, hindi ko siya pinapunta dito. Nagulat din ako na siya ang pumalit sa Papa niya para matignan ang sugat ko sa kamay. I know, what I did was wrong. And I regret what I said and did."sinsero namang sabi ni Steph, sabay yakap sakin at bumulong ng "sorry." "Kung ako si Elle, hindi kita papansinin ng ilang araw para magtanda ka! Pasalamat ka dahil masyadong mabait at mababa ang loob ng girlfriend mo!"irap niya sa binata. "Mabuti nalang Lola, hindi Ikaw si Elle."natatawang sabi ni Steph. "At saka mabuti nalang La, wala kang dalang pamalo. Wag mo na kasi kaming paluin na mga apo mo, La! Masakit parin mapalo kala mo ba!"simangot niya sa Lola niya. "Pasalamat ka diko nadala. Kahit andito si Elle, papaluin talaga kita na bata ka! Katigas ng ulo mo! Pareho kayo ng pinsan mong si Nathan mga pasaway!"kami kasi ni Nathan mostly ang pinaka favorite ng Lolo at Lola namin. Si Lola ganyan lang yan sakin gusto lang niyang magpalambing. Si Nathan ay kapatid ng pinsan niyang si Ashley Isa sa nang-away kay Elle dati. "Nagsusungit ka nanaman Lola, ang tanda mo na nga lalo ka pang tatanda niyan at papangit ka pa lalo!" tumatawang pang aasar niya sa Lola niya. Napangiti siya ng makitang lumaki ang butas ng ilong ng Lola nito. Naasar siguro ito. Napahalakhak ang binata at patakbong lumayo sa Lola niya. Alam kasi nitong mababatukan nanaman siya ng Lola niya. Pero ayaw patalo ang matanda hinabol niya ang binata. "Anong sabi mo pangit ang Lola mo?! Halika dito ng mapingot ko yang tinga mo!"pikon ng sabi ng matanda. "Joke lang iyon Lola, Ikaw naman hiblood masyado."natatawang sabi ni Steph. Habang naghahabulan parin silang mag-lola sa Sala. Napapangiti siya sa kanilang dalawa. Ang kulit kasi ang binata mapang asar sa Lola niya. Masaya ang tanghalian nila dahil madaldal ang Lola ni Steph. Tapos lagi silang nag aasaran ng binata. Natatawa nalang kami ni Nanay Linda sa kakulitan ng mag Lola. May ikwenkwento pa sana si Lola ng pigilan siya ng binata. Kaya tawang tawa nalang ang matanda at mapang asar na tinignan ang apo nito. Napasimangot naman ang binata. Nacurious tuloy siya. Siguro sobrang nakakatawa iyon na ayaw ipakwento dahil siguro nahihiya siya or nakakahiya iyon para sa binata. Kukulitin ko nga siya mamaya. Sa loob-loob ni Elle. ***__*** Tamad ulit mag-edit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD