Chapter 2

1169 Words
Stalking ? "is the act of following someone or something very closely and watching its every move." Isang linggo na ang nakakaraan hindi parin mawaglit sa isipan niya ang Isang saleslady sa Mall kung saan sila namasyal na magpipinsan. Hindi siya mapakali gusto niya ulit ito makita. He sigh. Nadismaya ka ng malaman mong Isa siyang filipina tapos ngayon para kang pusa diyan na hindi makaanak dahil hindi mo siya makita at mapuntahan. Ano yan love at first sight ganurn!.buska niya sa kanyang sarili. Napasabunot nalang siya sa sariling buhok dahil hindi talaga siya maka pokus sa trabaho niya. Sa bandang huli nanalo parin ang puso niya kesa sa isip niya. Nagpasya parin siyang puntahan ang dalaga. "Ms.Gonseles i'll go out for awhile. Do I have a meetings or visitors to come here?" "You have a meeting at 3:30 this afternoon sir. And your mother inform me just now that she coming here to visit you later with Ms. Krystle Ong, Sir?"sabi Ng secretary niya napayuko pa ito ng makita niyang nakakunot noo siya. "Cancel it. Tell my mom that I am not around. I'll be back later for the meeting. I'll go ahead!" hindi na niya pinakinggan pa ang sasabihin ng secretary niya at agad nagtungo s elevator. Ano nanaman ang gagawin nila dito. Ipinipilit nanaman siguro ng kaniyang Ina na idate niya ang anak ng kaniyang matalik na kaibigan. Ilang beses ko ng tinanggihan. Ang kulit lang ng Mama niya hindi daw ito titigil na magreto ng mga babae sakanya hanggat wala itong ipinapakilalang nobya niya. Soon Mom,may ipapakilala din ako someday. At yun nga nasa imahe na naman niya ang kinahuhumalingan babae. Someday you'll be mine. Bulong niya sa sarili. Excited siyang nagtungo sa parking lot para sumakay sa kotse niya. Agad niyang pinaandar ito at tinungo ang Mall kung saan nagtatrabaho ang babaeng gusto niyang makita. Agad siyang nagtungo sa pwesto kung saan niya nakita dati ang dalaga. And there busy ito sa pag aayos ng mga magulong mga damit at nilagay sa mga tamang pwesto ang mga ito. Pinagmamasdan lang niya ito. Hindi niya alam kung bakit parang may sariling mundo Ang mga paa niya at kusang lumapit sa kinaroroonan ng dalaga. Nagulat ang dalaga sa pagkabunggo sa kaniya dahil pipihit sana ang dalaga pero nakaharang siya. Naout balance ito, maagap naman ang binata at nasalo niya ang dalaga hawak ng dalawa niyang kamay ang bewang nito habang ang dalaga naman napahawak sa magkabilang balikat niya. Napatitig siya sa binata. Ang lakas din Ng t***k ng puso niya sa pagtatama ng kanilang mga mata. Agad itong bumitaw "I-im sorry sir." nautal pa niyang sabi at nag yuko ng ulo. malakas na malakas parin ang t***k ng puso niya. "It's okay, it's my fault"nakangiting nakatitig sa kaniya. "Nakakailang tumitig"bulong niya sa sarili. "No sir, it's my fault, I'm being careless here. I didn't see you that's why i banged to you."nahihiya niyang sabi nakagat pa niya ang pang ibaba niyang labi. Napangiti siya sa dalaga."Nah,,it's nothing serious. Don't worry too much." "Okay sir thank you. Excuse me!" magalang niyang sabi dito at umalis sa harapan ng binata na may pagmamadali. "Hoyyy bruha ano yun ha?! May payakap yakap pa kayong dalawa sa oras ng trabaho."nanunudyong tanong pa ng katrabaho niyang filipina din. Isa ito sa kaclose niya doon. "Gaga! nabangga ko ng hindi sinasadya malay ko bang may tao sa likod ko."simangot niya dito. "Awwws talaga lang huh! Ang gwapo ng fafang yun nako pag ako nakabangga sa kaniya baka niyakap ko pa ng mahigpit.!" kinikilig na hagikhik nito. "Tumigil ka nga diyan. Layas na baka makita pa tayo ng manager at masisante ng wala sa oras. Dahil nakikichismis ka na naman sa'kin!" sita niya sa kaibigan. "KJ mo lang kasi hindi mo alam ang mag appreciate ng mga kagwapuhan sa mundo!" irap niya dito "Ang drama mo sa kagwapuhan nila. Nakakarindi!" pang aasar niya sa kaibigan niya. "Tseee! Manhid ka lang kasi. Sige na libre mo ako mamaya sa dinner.! "Kaya naman pala lumapit ka magpapalibre ka lang pala." natatawa niyang sabi. "Oo na mamaya see you later!" "Maka see you later ka, kala mo hindi iisang department pinagtatrabahuan natin!"natatawa na ding sabi ni Laiza. Nagkatawanan silang dalawa at agad na bumalik sa kani-kanilang pwesto. Akala lang ng kaibigan niya hindi siya kinikilig. Subrang lakas nga ng t***k ng puso ko na muntik ko ng ikabingi naiiling nalang siya. Ito yung lalaking makatingin sa kaniya noong una ay parang hinuhubaran ang kaluluwa niya sa way ng titig niya. Ito lang din ang lalaking pumukaw sa manhid niyang pakiramdam. Nagkibit balikat siya baka mawawala din ito at baka hindi ko na din naman makikita pa ang lalaking yun. Sa dami ba naman niyang nainkwentro nagpalipad hangin sa nararamdaman nila at mga nagpapacute pa. Nawawala din naman agad mga yun at diko na nakita ulit. Pero ang lalaking ito may kakaiba siyang nararamdaman lalo na kanina nagkadikit ang mga katawan nila. Yung titig niya kanina sa akin. Nakakalusaw at nakakapanghina. Ano ba ang ginawa nalang lalaking yun para magulo niya ang natutulog kong diwa. hayyy.. "Magtrabaho kana lang Elle guniguni mo lang yan"sita niya sa sarili. Nangingiti siya habang nakaupo sa kotse niya kanina pa siya dun at hindi pa pinapaandar ang kotse niya. Masaya siya dahil sa wakas nakita na niya ang dalaga nahawakan at nayakap pa. s**t! Ang bango niya. Ang lambot pa ng katawan niya ka'y sarap yakapin. Kinikilig siya na parang teenager lang. Wala siyang pakialam Wala naman makakakita sakin dito sa kotse ko. Mga titig niya kanina. Baka nahalikan ko siya kung hindi agad bumitiw sa kaniya ang dalaga. Okay lang may next time pa naman bulong niya sa sarili. napangisi pa siya. Sigurado na aasarin at pagkaisahan nanaman siya Ng mga pinsan kong malaman nila ang Kabaliwan ko na ito. After how many years ngayon lang ulit tumibok ng ganito ang puso ko. Yung kakaibang kuryente sa katawan ko noong magdikit kami kanina my spark. Sana lang single pa ito. Naisip niyang paimbestigahan ang dalaga para makakuha siya ng information about her. Kabaliwan man iisipin pero this is the only way to know her whereabouts. I know for sure if i personally ask her maybe I scared her at isipin pang scam ako. Tskkk. Ang bilis ng pangyayari na isang iglap lang natamaan ako agad sa kaniya. I want to know her more. Everything about her. I want to know her address here in Singapore and also in the Philippines. Heck baliw na yata ako. Kinagabihan hindi siya makatulog sa kaiisip sa lalaking yun. Panalangin niya na sana bumalik ulit ang lalaki na yun sa pinagtratrabahuan niya. Kahit dadaan lang makita ko lang ulit siya Lord please. bulong pa niya. Napapaisip pa siya kung ano ang trabaho ng lalaki na yun. Kasi naka todo porma siya ng pang opisina, empleyado kaya siya or baka siya ang boss. Hindi malayong mangyari yun dahil sa tindig palang niya para na siyang boss. Mukhang foreigner din ito. Hayyyyy bahala na sakin si Destiny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD