PART 2 :: SPIN THE BOTTLE

1284 Words
Pagkatapos nilang umupo nang paikot ay inilagay na ni Hazen ang bote ng mineral water sa gitna nila. Sakto lang ang ilaw ng kanilang cell phone na nilagay nila sa mga pagitan nila para maging tanglaw nila sa madilim na paligid. "Walang kill joy, ah? Kapag kiss, i-ki-kiss talaga 'yung mapilili niyong i-kiss, ah?" at may pilyang sabi niya. "What?" reklamo nga agad ng ngiwing-ngiwing si Meiko. "Wow, hah? Parang ayaw mo ang kiss namin, ah? Ganda ka," pasarkastikong sabi at ingos tuloy ni Je Em sa dalaga. Kaysa mapikon ay nagtatawang itinulak ito ni Meiko sa balikat. Natawa rin si Hazen. "Don't worry dahil sa pisngi lang naman kapag kiss." "Sige na paikutin na 'yan," excited namang saad ni Harvey. Pinagkiskis nito ang mga palad na animo'y natakam sa masarap na putaheng inilapag sa harapan nila. "Okay!" At ini-spin na nga ni Hazen ang plastic bottle. Tuon na tuon ang tingin nila sa umiikot na bote. At nang tumigil ang bote ay kay Prince tumuro. "Ayos!" Tuwang-tuwa si Je Em para kay Prince. "Makaka-score na si lover boy!" Ang tahimik lang na si Prince ay napamasahe naman sa batok habang nakangiti. "Prince, ito na ang game. Sino ang i-ki-kiss mo? Sino ang imi-marry mo? At sino ang i-ki-kill mo?" katanungan agad ni Hazen sa binata at baka hindi makisama si Prince. Ito pa naman ang mailap sa kanila sa barkada. Matatawag itong ‘a man of few words’. Nababansagan tuloy itong suplado sa kanilang grupo. "Ikaw. Alam mo namang crush na kita noon pa," ang nakakagulat na matapat na sagot ng binata sa kanya. Nakangiti man ay seryoso ito. Nagtawanan sina Je Em, Harvey at Mieko. Kinilig naman si Jane kahit na sa mga sandaling iyon ay nananahimik dahil kinakabahan ito. "Heh! Pero sige na nga, kiss mo na ako," napilitang pagpayag ni Hazen, and she was aware that her cheeks were turning red. Pero para iwala ang tensyon at hindi masira ang kanilang laro ay siya na mismo ang naglapit sa pisngi niya sa binata. Oo, noon pa ay gusto na siyang ligawan ni Prince. Ayaw lang niya dahil baka makasama iyon sa grupo nila. Para kasi sa kanya ay mas maganda kung magkakaibigan na lamang silang lahat o magturingan na magkakapatid. Pagka-kiss ni Prince sa pisngi niya ay napatayo ang binata at nagsasayaw ng budots. Ang tahimik na binata ay naging kenkoy bigla-bigla. Kung hindi pa hinila ito ni Harvey ay hindi na uupo. Tawa sila nang tawa. "Panget mo, Bro," kantyaw rito ni Je Em. Nagtatawa na rin si Prince. Deep inside ay kinilig din naman si Hazen, but as usual hindi niya pinahalata. "Sige na ituloy natin. Sino ang i-mi-marry mo, Prince?” "Si Je Em. Bro, I love you!" nagpapatawang sagot ni Prince. Niyakap at hinalikan pa nito ang likod ng leeg ng katabing si Je Em. "Kadiri ka, Bro!" reklamo naman ng diring-diri na si Je Em. Lumutong ang tawanan nila. Nang tumigil sila ay muling tinanong ni Hazen si Prince. "Ngayon naman, sinong iki-kill mo?" Agad napunta ang tingin ni Prince kay Jane. "Siya," at turo nito sa dalaga. Nagtawanan silang mga lalaki kasama na si Mieko. Si Hazen ang hindi na natawa. Siya ang nahiya sa yukong-yuko na si Jane. "Game ulit," aniya na lamang para magtigil sa pagtawa ang mga kagrupo. Ang sumunod na natapatan ng bote ay si Mieko. "Si Harvey ang iki-kiss ko," kinikilig nitong sabi agad. At mabilis na ngang hinalikan sa pisngi ang binatang katabi. "Woah! Ang sweet!" kantyaw ni Je Em kay Mieko. "But sorry, Meiko, 'di ka type ni Harvey." "Heh!" Binato ni Mieko ng bag si Je Em. Nagtawanan ulit sila. Ang pinili pa rin ni Meiko na imi-marry ay si Harvey pa rin. Palibhasa ay si Harvey naman ang napupusuan nito. "Ikaw madaya ka!" kunwa'y agrabyadong reklamo ni Je Em kay Mieko. Naiiling na lang si Prince. "Eh, sa hindi ko ma-imagine na pakasalan kayong dalawang asungot, eh," nakatawang paliwanag ni Meiko. "Ang ganda mo talaga, ano?" pasarkastikong ingos ni Je Em na naman dito. "Talaga!" pang-aasar pa ni Mieko kay Je Em. Nag-flip ito ng buhok. Nagmaganda na nga. "Eh, sino ang iki-kill mo, Meiko?" singit na tanong ni Hazen para maawat ang bangayan ng dalawa. Kahit kailan ay aso't pusa talaga sina Je Em at Mieko. Pang-asar kasi si Je Em at pikunin naman si Mieko. "Kahit mga asungot naman kayo ay hindi ko naman kayo iki-kill," pambawi na ni Meiko kina Je Em at Prince. "Kaya siya na lang." At tinuro si Jane. Muli ay napayuko si Jane nang magtawanan ang mga magbabarkada. "Jane, game lang 'to," pampalubag-loob ni Hazen sa dalagang napapahiya. "Oo, alam ko." Tipid na ngumiti si Jane sa kanya. Bigla ay nag-ring ang cell phone nito. "Sagutin ko lang." At pasalamat pa yata ng dalaga dahil may palusot ito para makaiwas sa laro. Lumayo ito konti sa kanila. "Kayo kasi!" Sinamaan ni Hazen ng tingin ang apat niyang kaibigan nang nakalayo konti si Jane. At sinundan niya ng tingin si Jane. "Oo, Kuya, okay lang po ako. Wala pong kuryente kaya naglalaro po kami ng Kiss, Marry, Kill. Ang saya po namin." Umabot sa pandinig niya na sabi ni Jane sa kausap nito sa cell phone bago mas nakalayo pa. "Bakit? Eh, sa siya ang gusto naming tudasin," walang pakiramdam na saad ni Je Em. Pasaway talaga. "Oo nga," sang-ayon pa ni Mieko. Isa rin talaga. "Ituloy na natin!" at wika nito sabay paikot sa bote. Si Prince ulit ang naituro ng bote kaya pinaikot ulit ni Mieko. At si Harvey na ang naituro. "I want to kiss Hazen," sabi ni Harvey. Nagpa-kiss naman si Hazen kahit na ang sama ng tingin sa kanya ni Mieko. Dinilaan na lang niya. As if naman may epekto sa kanya ang kiss ni Harvey, eh, parang kuya na nga niya ito kahit na magkakaedad lang silang lahat. Ipinakita ni Meiko ang pagseselos. "Kainis ka!" Inis itong bahagyang suntok sa braso ni Harvey. Inasahan kasi nito na ito rin ang gustong i-kiss ni Harvey. "Why?" Tatawa-tawang iwas ni Harvey. "Bakit si Hazen?! Eh, mas maganda naman ako sa kanya!" "Kasi nga ikaw ang imi-marry ko," pambawi ni Harvey. “Really?” Totoong nag-blush na si Mieko. Sobrang kinilig ang dalaga. Nasapo nito ang mga pisngi. Tinawanan ni Hazen ito at kinilig na itinulak niya sa braso si Mieko. Itinuro niya ang mukha nito na pulang-pula. At dahil do'n ay nawala sa isip niya si Jane. Natuwa na siya sa kakulitan ng mga kaibigan. Napaapir naman ng dalawang kamay sina Je Em at Prince. "Nemen, eh," pabebe pa ni Mieko na kanilang ikinatawa pa ng malutong. "Eh, Bro, sinong iki-kill mo?" Je Em asked Harvey after a while. Hindi nagsalita si Harvey pero nginuso nito si Jane dahilan kaya belly laugh ulit sila. Nakisali na rin si Hazen. Na kanyang pinagsisihan agad dahil nang tingnan niya si Jane ay nakatingin na pala ito sa kanila. Tapos na pala ito sa pakikipag-usap sa cell phone. At kitang-kita ni Hazen ang pagtiim-bagang ng dalaga. Naiinis na si Jane sa kanila. "Jane, halika na dito," gayunman tawag niya rito. Naiintindihan niya si Jane. Sino ba naman ang hindi maiinis sa kalabisang pagti-trip ng mga kabarkada niya tapos nakisali pa siya. Gusto niyang mainis sa sarili. "Sige," ngunit nakapagtatakang masigla pa rin na tugon ni Jane. Patakbo itong bumalik sa kinauupuan. Nakangiti na ulit. Ang bait talaga niya. Hazen sighed deeply. Mukhang hindi magandang ideya ang laro na ginagawa nila. Nasasaktan si Jane. "Stop na 'to. Isip na lang tayo ng ibang game," kaya sabi na niya. Ngunit umalma agad si Je Em. "Anong stop na?! Hindi pa nga ako naka-kiss, eh! Huwag kayong madaya, oy!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD