Zelina "Grasa to Princesa"

1555 Words
ChapterOne Nakaupo si Zelina sa siwang ng maliit na pintuan ng bahay nila pero hind naman iyon matatawag na bahay dahil sako lang ang dingding nito at bubong.Pinagmamasdan niya ang kanyang mga kalaro sa tambakan ng basura.May nag aagawan at nagsisigawan. Kinse anyos na siya at nagdadalaga kaya pinatigil na siya ng kanyan ina na mamalimos dahil natatakot itong baka mapano siya sa labas kapag napag-tripan siya ng mga addik at lasenggo sa kanilang lugar. Hindi rin pangkaraniwan ang taglay niyang ganda habang lumalaki ito ay tumitingkad ang kanyang ganda at taglay niya ang makinis na kutis,matangos na ilong at chinitang mata at ang bilugang mukha na bumagay sa kanya. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay panalangin ni Zelina na sana magbago ang kanyang kapalaran.Hindi rin man lang niya nasubukang pumasok sa eskuwelahan para makapag-aral. Dahil walang pambayad sa kanyang pang matrikula.Kokonti lang ang alam niyang basahin at isulat. Kahit nais niyang maghanap ng trabaho ay sino naman ang tatanggap sa kanya na "no read-no write" kaya minsan sinasamahan nalang niya ang kanyang Nanay sa pagsasad-line nito bilang labandera.Tinutulungan niya itong magbanlaw at magsampay habang naglalaba ito ng sarkaterbang labahin. "Zelina anak,halika ka na, kain na tayo," tawag ng kanyang ina na katatapos lang magprito.Na kahit hindi niya iyon tanungin sa kanyang Nanay kung anong ulam ay sigurado siyang tuyo iyon. "Nay,ang bango ng ulam natin,"biro niya sa kanyang ina para hindi ito panghinaan ng loob.Na tuyo na naman ang ulam nila. "Anak,pasensiya ka na ha?Heto lang ang nakayanan ni Nanay.Hayaan mo sa susunod, pagnakaraos si nanay bibilhan kita ng fried chicken mo," nakangiti nitong sabi sabay haplos sa magaspang niyang buhok na hindi man lang nakakatikim ng shampoo. "Okay lang po ako nay.Isa pa dalaga na ako tulad ng sabi mo.Mag-ulam man tayo ng asin at tuyo basta walang iwanan," saka sumalampak na ito sa sako para saluhan ang kanyang ina sa inihain nitong grasya. Nais umiyak ni Zelina sa kapalaran ng buhay nila ng kanyang ina.Halos hindi niya malunok-lunok ang kanin na nasa loob ng bunganga niya.Naalala na naman niya ang kanyang ama na nang iwan sakanila sa ganitong sitwasyon. Isang ama na sana ay responsibiladad nitong bigyan sila ng magandang buhay. Pero hindi dahil iniwan sila ng kanyang ama noong limang taon palang siya kaya sinolo na ng kanyang ina ang pagpapalaki sa kanya.Lagi noon umiiyak ang kanyang ina sa kadahilanang iniwan sila ng walang kuwentang ama niya at hirap na hirap na itinaguyod siyang mag-isa.Umulan man o umaraw naglalakad sila sa kalsada makalimos lamang. Mapalad na ang matatawag sa kanila kapag nakaraos ng gutom at nakakain ng eksakto lang sa pantawid gutom.Nais niyang sisihin ang kanyang mga magulang sa binigay sa kanya na buhay.Pero ito talaga ang nakatakda para sa kanya. " Nay,wala na po ba akong lolo at lola?Nasaan na po ang mga magulang mo Nay?" naitanong niya sa kanyang ina.Hindi niya alam kung bakit naitanong niya iyon pero bigla nalang lumabas ang mga katanungan sa bibig niya. Natigil ang ina niya sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa kanya. "Patay na sila," maiksi at mariin na sagot ng kanyang ina. "Ano pong kinamatay nila?"  "Zelina,huwag ka ngang matanong!Sinabi ko na ngang patay na sila.Sa susunod huwag mo na silang ipaalala sa akin," galit na sabi ng kanyang ina. Ngayon lang siya sinigawan ng kanyang ina.May galit ba ito sa mga magulang niya o totoo bang patay na ang mga ito?Pagkatapos nilang kumain ay siya na ang nag bolontaryomg nagligpit doon. Hindi na rin niya tinanong sa kanyang Nanay ang tungkol sa mga magulang nito.Dahil hindi naman yata nito balak ikuwento sa kanya kung bakit humantong ito sa ganung buhay. Nagtungo si Zelina sa malaking puno kung saan siya laging nagpapalipas ng oras.Humiga siya sa malaking gulong doon at tiningala ang langit na punong-puno ng nagkikislapang mga bituwin. Napangiti siya sa sarili niyang pangarap ang maging isang prinsesa sa malaking mansion.Na kahit hanggang pangarap lang iyon at walang kasiguruhan ay ipinagpatuloy niya sa kanyang isipan."Balang araw......" "Anak," yugyog sakanya ng kanyang Nanay nakahiga pa rin pala siya gulong at doon naka-idlip. "Pumasok ka na sa loob anak.Baka hamugin ka dito," yaya ng kanyang ina na pumasok na sa maliit nilang tirahan. "Nay,naman eh!" reklamo ni Zelina dahil ginising siya ng kanyang ina."Ang ganda na ng panaginip ko,Nay.Nasa malaking bahay raw ako," sabi niya sa nanay niya habang nakasimangot dito. "Yan na naman yang drama mo,Anak.Kapag nakapulot si Nanay ng pera sa basura baka sakaling makatira tayo sa mansion na pangarap mo." ani Nanay niya. Paano nga kaya kapag nakapulot sila ng pera ng maraming-maraming pera o kaya manalo nalang sa lotto?Di biglang yaman na sila.Makakabili na sila ng mansion gaya ng pangarap niya at magiging prinsesa na siya. Napag-alaman ni Zelina na nag hahanap si Aling Maria ng katulong nito sa pag-iigib ng tubig kinabukasan.Nagtungo siya roon at nagsabi sa matanda na siya na lang ang kunin nito. Noong una ay ayaw siya nitong payagan dahil baka mahirapan daw siya sa pabalik-balik sa may igiban.Pero nang magmaka-awa siya dito ay hindi rin nagtagal at pumayag na rin ito dahil naawa siguro ito sa hitsura niya. Binigyan rin siya nito ng makakain at meryenda.Habang nag-iigib siya ng tubig at nakikipila roon ay narinig niya ang mga tsismosang tambay na nagkukuwentuhan na meron daw babaeng dating mayaman na nakitara sa kanilang lugar. Bakit naman gugustuhin ng isang mayaman na tumira sa mabahong lugar nila? Hindi na niya pinakinggan ang kasunod dahil lagi namang may mga tsismis araw-araw ang mga tao sa lugar nila.Kahit hindi nila kakilala ang mga ito ay pinag-uusapan nila na kung bakit kailangan nilang bigyan ng anumang issue ang mga nakikita. "Naaaay," tawag ni Zelina sa ina. "Oh,anak,saan ka galing?Bakit basang-basa ka?" "Pinag-igib po ako ni Aling Maria,Nay.Heto nga po,oh may kita ako one hundred fifty pesos," sabi niya sa nanay niya habang inaabot ang pera. "Itago mo nalang yan,anak.May pera pa naman akong naitago sa paglalaba," sabi ng nanay niya. Tuwang-tuwa rin siyang ipinakit sa nanay niya ang mga pinamigay ni aling Maria sa kanya na mga lumang damit na pinag-lumaan ng dalaga nitong anak meron din para sa kanyang ina.May tsenelas rin na pinamigay sa kanya na sumakto naman sa paa niya at sa Nanay niya. Habang pinapakita niya sa nanay niya ang mga damit ay may isang dress siyang napili at isinukat iyon.Tuwang-tuwa siyang isinuot ito at nagpaikot-ikot sa harapan ng nanay niya. "Nay,bagay ko ba?Kulang lang ako sa paligo Nay," nakangisi niyang sabi sa ina. "Ang ganda mo,Nak.Sobrang ganda mo.Hindi ka nababagay rito," sabi ng nanay niya habang yakap siya nito. "Patawarin mo ako anak.Kasalanan ko ang lahat ng ito.Ako ang dahilan kung bakit nagdurusa ka ngayon sa piling ko," iyak na sabi ng Nanay niya habang nakayakap parin ito sa kanya. "Nay,okay ka lang po?May sakit po ba kayo Nay?" nalilito niyang sabi sa nanay niya. Minsan hindi rin niya maintindihan ang nanay niya.Magulo itong kausap.Lagi siya nitong pinag-sasabihan na mag ingat siya o kaya huwag magpapa-gabi sa daan. Bawal na rin siyang mamalimos dahil dalaga na raw siya.Bawal na rin siyang magpakalat-kalat sa mga kanto-kanto.At ang malala pang kinakatakutan ng nanay niya ay baka kung mapano siya sa daan kapag mag-isa lang siya. Pero sino naman kaya ang puwedeng magtri-trip sa kanya na kung maligo nga lang ay isang beses sa isang linggo at halos tatlong araw bago magpalit ng damit.Puro wasik-wasik nga lang ang pagligo nito. Madalas rin ay hindi rin siya nagtotoothbrush kaya may badbreath din ito na pati langaw ay takot na mahingaan niya dahil puwede itong malason o kaya mamatay. Pero kahit papano ay hindi naman ganun kalala ang crisis ng katawan niya. Paalala rin ng nanay niya na walang pinipili ang mga addik na lulong sa droga kaya pinag-iingatan lang raw siya nito.Nag-iingat naman siya isa pa ay kilala naman na sila ng mga tao sa lugar nila.Ang tawag sakanay ay "Elina" for short. Masyado raw mahaba at unique ang ipinangalan sakanya ng nanay niya.Her name is Zelina Lissa Magno.Pero isinama ng nanay niya ang pangalan nito.Her mother name is Lissandra Magno.Na halos pinagbali-baliktad lang at nabuong Zelina. Minsan tanong ng karamihan ay bakit kakaiba ang pinangalan sa kanya ng nanay niya.Hindi rin niya alam pero natutuwa siya dahil ang ganda ng pangalan niya at kakaiba ito sa lahat. "Nay mabuti pa po kumain nalang tayo.May binigay po si aling Maria na pansit at saka po magpahinga po kayo ng maayos kasi parang nag-iiba kayo Nay," ani Zelina sa nanay niya. Napatigil naman ang nanay niya sa anumang drama nito. "Sana anak mapatawad mo ako balang araw at kapag dumating ang araw na iyon lagi mong tandaan kung saan ang iyong pinagmulan," tapik ng nanay niya sa kanyang pisngi. Napakamot sa ulo si Zelina.Hinayaan na lang niya ang kanyang ina sa mga pinagsasabi nito.Isa pa ang labo nito mas malabo pa sa balakubak niya sa ulo at sa badbreath niyang pang-patay langaw. "Nay,kahit anong mangyari hindi ako magbabago.Pangako," pagsang ayon ni Zelina sa ina kahit na hindi naman niya maintindihan ang gusto nitong iparating sa kanya. Dati ay may negosyo ang nanay niya pero bumagsak ang negosyo ng ina pagkatapos hiwalayan ng kanyang ama at sumama sa ibang babae. Sa pagdaan ng panahon ay unti-unting bumagsak ang negosyo nito para pantustos sa ama nito sa pagkalulong sa sugal at iba nitong mga bisyo. Ang ang natitirang ipon ng kanyang ina ay unti-unti ring nauubos dahil pinambayad nito sa mga utang ng kanyang ama hanggang sa pinaalis sila ng may ari ng bahay na inuupuhan nila dahil wala na silang pambayad sa upa. Hanggang humantong sila sa kalsada at naging palaboy.Natatandaan rin niya na may isang lugar na pinagdadalhan sa kanya ng kanyang ina.Pero hindi niya alam kung bakit siya dinadala roon.Hanggang sa huminto na ang kanyang ina sa pagpunta sa lugar na iyon.Napagud na siguro ito. Next...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD