AYAH Napatingin ako kay Kuya Aliandre habang hawak ng mahigpit ng aking nanginginig na mga kamay ang ilang pirasong papel. Bumuka ang mga labi ko, pero kahit marami akong gustong sabihin sa kaniya, hindi ko naman nagawang magsalita. “Sign that, nang matapos na tayo dito, Katelyn,” utos ni Kuya Aliandre sa akin. Napalunok ako at nangilid ang mga luha sa aking mga mata, pero mabilis akong yumuko at pinirmahan ang ilang pirasong papel na hawak ko. “Simula ngayon, magtatrabaho ka sa kumpanya ko, at susundin mo ang nasa kontrata na ‘yan, Katelyn,” narinig kong sabi niya matapos kong ilapag sa mesa ang hawak kong folder. Nakalagay sa kontrata na pinirmahan ko na hindi ako tatanggap ng pera mula kay Kuya Aliandre, bagay na pabor sa akin para hindi na dumami ang utang na babayaran ko sa kani

