"Hi Jennifer,,"
"Hello Michael." ganti naman ng dalaga. Nagpapasukan na noon ang mga estudyante. "oh hindi ka pa ba papasok?" tanong ni Jennifer. Nagpasukan na ang mga estudyante at bukod tanging si Michael ay hindi pumasok. Nakaupo na noon si Jennifer ng mapansin nyang nasa pinto pa rin ng room ang binata kaya nilapitan nya na. Mula noong hindi na sya sumasama kina Desiree ay nagkaroon sya ng friends na lalaki at babae. Masayahin na rin sya at positibo.
"hinihintay ko kz si David eh. knina kasunod ko lang yon tapos paglingon ko wala na sya sa aking likuran."
"Sinong David ba yon?"
"Bago nating classmate. Hindi ko alam kung napansin mo unang araw nya kahapon"
"naku halika na wag mo na syang hintayin. Sus, hindi na tayo mga bata noh para maligaw."
"sige na nga halika na sa loob. ang inaalala ko kasi malapit ng dumating ang teacher natin tapos wala pa sya. Baka mamarkahan syang absent. Alam mo naman si Ms.Delos Santos istrikta pagdating sa attendance. Hayaan na nga natin yon.Tama ka malaki na sya." yon lang at sabay na silang pumasok ng room.
"hay ano ba tong buhok na to! Hindi ko maayos. Pag hindi pa kita naayos,,hahayaan kitang ganyan." Nasa restroom pala si Cassy ng mga oras na yon pinuproblema nya kung anong ayos ng buhok. Para sa kanya mas maganda kapag iba iba ang ayos ng buhok araw araw. Nagtataka sya bakit ng mga oras na iyon ay hindi nya maayos kaya ang ending,, yong ayos nya a day before ang ginawa nya. Nagustuhan naman nya kaya't nagmamadali na syang lumabas at baka mahuli sya sa klase ni Ms. Dels Santos kabisado nya na rin ito mahigpit sa attendance.
"ano ba to maghapon na lang ba akong may makakabanggang nagmamadali! Reklamo ng lalaking nabangga ni Cassy sa labas ng restroom dahil sa kanyang pagmamadali.
"ahhhh sorry,," sambit ni Cassy habang pinupulot ang mga gamit na nalaglag.
"mga libro mo,,sa susunod mag iingat ka at iwasang magmadali baka sa susunod bigla ka na lang masubsob kung saan o di kaya naman ay mabagok,,"
"sige salamat."
"hhhmmm yon lang" nakangiting sabi ng lalaki.
"B-bakit?ano bang gusto mong sukli sa tinulong mo?"
"don't get me wrong. Gusto sana kitang makilala. Ako si David." at iniabot ang kanang kamay. " at ikaw naman?"
"Cassandra Imperial. Pero Cassy nalang. Sige ah mauna na ako at late na ako kay Ms.Delos Santos." akmang tatakbo na sya ng biglang hinawakan ni David ang kamay nya.Syempre wala syang choice kundi ang huminto. Paglingon nya sinimangutan nya ang binata. Ipinahalata nyang iretable sya.Sinabi na nyang nagmamadali sya tapos pipigilan sya.
"gusto ko lang sabihin na don din ang classroom ko.Ako na ang magdadala ng mga gamit mo para mabilis tayong makatakbo."
Walang sabi sabi ibinigay nga ni Cassy ang mga gamit. Naniniwala sya sa kasabihan na masamang tumanggi sa grasya. Napangiti tuloy sya ng maisip na anong konek non sa ginawa ni David. Hehehe ang tawag pala don eh pagiging gentleman ng binata.Sa kabilang banda eh tama sya. Laking pasasalamat nila at wala pa si Ms.Delos Santos.
Umupo si Cassy sa tabi ni Jennifer at si David naman sa tabi ni Michael.
" oyyyy ang friend ko mukang may crush na, Magaling kang pumili ah,,at mukang bagay kayo. Gwapo sya at maganda ka naman,ayiiiieeehhhh." sakto kasing napalingon si Jennifer sa pinto ng room nila ng mkita nitong papasok ang dalawa pangi ngiti lang naman ang inaasar. Ganyan talaga yang si Jennifer nauuna pang kiligin. Pero sa loob loob nya ay tama naman ang kaibigan.Gwapo naman si David at mukhang mabait at maginoo.
Sa kabilang banda ay inaasar din ni Michael si David.
" oy pre baka gusto mo nang isoli yang libro ng classmate natin? o ihahatid mo na lang sa kanila?"
"ay oo nga,,ikaw na lang kaya ang magbigay nito para hindi sya asarin ng classmates natin. Baka kasi hindi na ako kausapin kapag napahiya pa sya."
"sige ako na." at lumapit nga si Michael malapit sa inuupuan nina Cassy at Jennifer.
" Cassy pinabibigay ni David."
"salamat" senyas ni Cassy sa nakatingin namang si David mula sa kinauupuan nito. Kumaway naman ito sa dalaga bilang pag ganti sa pasasalamat nya.
"