Ibinigay niya ang appointment na pinermahan niya. "Heto na po, Sir." "Thank you." Tinanggap nito ang appointment at may kinuhang susi mula sa maliit na cabinet na nasa tabi nito. "Here's the key to your apartment." He gave her another set of key. "And this is the key of your new Toyota, owned by the company, don't worry. Gusto ni Sir P na may sarili kang sasakyan dahil kahit saan ka man niya utusan wala kang reklamo pagdating sa transportasyon. Gusto rin ni Sir P na malapit lang sa kanya ang sekretarya niya para madali niya itong ma-contact kapag may mga importanting ipapagawa sayo, kaya naman ang apartment mo ay ilang block lang ang layo sa bahay ni Sir P. Istrikto siya pagdating sa pagta-trabaho. Ayaw niya sa sinungaling at hindi mapagkakatiwalaan. Kung ayaw mong makulong, advice ko

