Nasa may pintuan na siya ng marinig niyang nagsalita ito. "You can't run away from me forever, Thea." Anito sa seryusong boses. "Mapapagod ka rin sa pagtakbo. At kapag nangyari 'yon, nasa tabi mo lang ako para pawiin ang pagod mo." Natigilan siya sa sinabi nito. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin dito. Hindi niya hahayaang maapektuhan ang puso niya sa sinabi nito. Matt' lips are dripping with honey and she knew that somehow, someway, those lips will sting her like a bee. Pinilit niya ang sarili na humakbang palabas ng opisina. Nang makalabas siya, mabilis siyang naglakad patungong elevator. Pagbukas niyon, nagtama ang mga mata nila ng babaeng sakay ng elevator. The woman is elegant and beautiful. She stood-maybe-five foot nine. Magka-height lang sila ng babae pero pakiramdam

