PAGLAPAG ng eroplanong sinasakyan ni Thea at Matt sa Airport, agad silang pumunta sa Dubai Hotel. Matt already booked them a room and it scared Thea. Magkasama sila sa iisang kuwarto at sa iisang kama lang sila matutulog. Ano ngayon ang gagawin niya? "Worried?" Tanong sa kanya ni Matt ng makapasok sila sa inuukupa nilang kuwarto. Her breath was caught on her throat. "Ahm ... no, I'm not worried." Tumaas ang dalawang kilay ni Matt, halatang hindi ito naniniwala sa sagot niya. "Really? You're not worried?" Tumango siya. "Oo." "Oh, okay." Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya papasok sa nag-iisang silid ng kuwarto. Lihim siyang napalunok ng makita ang king size bed na nasa gitna ng silid. Kulay beige iyon at parang pang-royalty ang desinyo niyon. "If you're not worried, then wh

