MULA sa park, sinamahan sila ni Matt patungo sa Hotel kung saan sila pansamantalang tumutuloy para kunin ang mga gamit nila. Bakas sa mukha ni Matt at ng mga anak niya ang kasiyahan. Looking at them, hindi siya nagsisisi na umuwi siya ng Pilipinas para makilala ni Matt ang mga anak nila. Ang kinaiinisan lang niya ay nakangiti itong humaharap sa mga anak nila pero kapag siya na ang kaharap, hindi maipinta ang mukha nito. From Hotel, they went to his house. Ipinakilala sila ng binata sa mga katulong nito at nangako ito na bukas, iimbitahan nitong mag-dinner ang mga magulang nito para makilala sila. Inatake ng kaba si Thea. Hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung ano ang mangyayari kapag nakita siya ni Sir Francis at ang asawa nito. She just hoped that the dinner tomorrow will go w

