PANAY ang tingin ni Matt kay Thea habang nasa hapagkainan sila at nag-aagahan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. He wanted to be with her but his mind won't let her. And there's a fear in his heart that she might leave him again. Pero hindi naman niya gagawin yon diba? May mga anak na sila at sigurado siyang hindi ito gagawa ng bagay na ikalulungkot ng mga anak nila. "Dad, why do you keep on looking at mom?" Bahagyan siyang napaigtad ng marinig ang boses ng anak niya. Nakita niyang napatingin sa kanya si Thea na parang may sinusupil na ngiti sa mga labi. Palihim siyang nag-iwas ng tingin. Binalingan niya si Maitte. "Kumain ka na. May mga new toys na binili si Daddy para sa inyo." Pag-iiba niya ng usapan. "Want to play with them?" "We have new toys?" Maitte's round eyes

