Napailing na lang ako nang makitang nasundan kami ni Conrad, what would I expect? Kan'ya itong isla kaya gamay na gamay niya na ang mga daan at pasikot-sikot nito. "Ang tigas talaga ninyong dalawa 'no? Para lang, Romeo and Juliet ang drama niyo. Mabait sana ako e, pero pinipilit niyo talaga akong gawing demonyo." Saad nito habang nakangisi. Pareho kaming humihingal ni Ramona at tagaktak na ang pawis, malapit na sana kami sa bangka e. Sobrang lapit na pero naabutan kami ng lalaking 'to. "Conrad, ano ba? Tigilan mo na 'tong kahibangan mo! Ilang beses ko ba kailangan ulit-ulitin na hindi kita mahal at hinding-hindi kita mamahalin?" saad ni Ramona na para bang nagmamakaawa na lubayan na siya nito. "Alam mo ba Ramona? Ang dami ng dumaan sa akin na mga babae, lahat sila inaayawan din ako kay

