"Gideon, okay ka lang?" tanong ni Eli sa akin. "Oo, naisip ko lang iyong lalaki kanina. Kilala niya ako Eli, pamilyar din siya sa akin pero hindi ko alam ang pangalan niya." Sagot ko naman. "Baka isa lang sa mga naka-engkuwentro natin, Gideon napapansin mo ba? Hindi pa nagigising si Ramona simula kanina." Pagiiba nito sa usapan. "Oo nga 'no? Tawagin ko lang 'yong doctor," sagot ko naman at dumiretso na sa nurse station. Nandoon ang doctor ni Ramona kaya agad naman siyang pumunta sa silid nito. May mga ginawa siya kay Ramona at inutusan niya iyong nurse na kunan ito ng dugo. "Kakaiba iyong heartbeat niya, once na may result na ang laboratory babalik ako rito." Saad sa amin ni Doc. "Salamat po," pagpapasalamat ko rito. "Baka may ginawa iyong nurse kanina?" tanong ni Eli. "Iba rin ang

