Grey's POV.... "Kukunin kitang bestman bud" Napatigil ako sa pagtitipa sa laptop ko sa sinabi ni Andrew. Umangat ang tingin ko sa kaniya. "She will be there right?" medyo mahina ang aking pagkakabigkas. He nodded. "Ofcourse, she's Hannah's bridesmaid." Sandali akong napatahimik. May malakas na kabog ang aking puso. Kapag umattend ako sa kasal ni Andrew, makikita ko siya ulit. I was about to say yes but my mind stop me from doing it. "Just give it to John. I'm busy" pagtanggi ko. "You sure?" paninigurado pa ni Andrew. Tanging pagtango lang ang aking naisagot. Hindi ko kayang magpakita sa kaniya. Hindi kakayanin ng guilt ko. Hindi ko kayang kapalan ang mukha ko. Wala akong karapatan para magpakita sa kaniya muli sa dami ng nagawa ko. Anim na taon na noong huli ko siyang mak

