"Why do you ask? Perhaps you find her attractive or something ?" mapanukso ang mga titig ni Mr . Renante sa kaniyang anak . Hindi kasi lingid sa kaniya ang pagiging playboy noon ni Adrian . Bagama't nitong huli , naninibago siya sa ipinakita nitong pag lie low sa mga babae . Pagkatapos nitong makipaghiwalay Kay Brenda ay hindi na ito mapipigil sa pagiging marahas sa mga babae . Para itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng karelasyon . Walang seneseryoso ang kaniyang anak , maliban Kay Brenda . Pero ng malaman nito ang kataksilan ay nagbago na ang kaniyang pananaw sa babae . Lalo pa at ang kaniyang kalaguyo ay ang sarili nitong pinsan , si Ken Addison . Galit na galit din silang lahat sa ginawa ni Ken . Lumabas pa nga ito ng bansa , sa Amerika at doon ay nanirahan kasama si B

