Bookstore Deities Series#1
Unwrite
/Chapter 1/
Nung araw ding ‘yon, nagsimula ang lahat.
Kung kailan akala ng lahat ay tapos na.
Pero hindi pa tapos ang palabas.
“Ha! Natapos din,” aniya matapos tuldukan ang pang-limang chapter ngayong araw. Napasandal siya sa ratan na bangko. Sumakit ang likod niya sa tatlong oras na pagkakaupo’t pagsusulat. What a relief.
She picked up her phone. “May titignan lang ako,” sabi niya sa sarili.
Hanggang sa hindi niya na namalayang isang oras na siyang nakababad kaka-iscroll sa social media. Saka niya lang naalala na ipo-post pala niya dapat ang naisulat na chapter sa w*****d. Nakangiti siya habang pinipindot ang orange na post button. A notification instantly popped.
‘Star_Goddess updated: That day, the rain cried black /Chapter 5/
She stared it with a proud smile and look in her eyes. But the shine faded the moment her eyes saw the read count: zero.
Her feet urged her to go somewhere else. She thinks she deserves to breathe once again. Something’s telling her to have a stroll at the mall at magpalamig. She’s not hungry, but her stomach yearns to drink something sweet and sour. So, she ordered a yakult-flavored milktea drink.
Pauwi na nga dapat siya, pero dinala siya ng mga paa papasok sa bookstore. She’s like walking in a beautiful trap. She is being surrounded by books that tempts her to browse and check out, waiting for her to read them.
Agaw-pansin sa mga librong nakadisplay sa gitna, ang mga best-seller books from local filipino authors. Among them have already made name at the writing apps and sites. Tinignan niya nang may pagkakasuklam ang mga librong: She’s dating the wildflower prince, at Diary ng Single ni Love Mocha. Kaunti na lang ay mauubos na ang stocks. May ibang mga teenagers ang nag-unahan para maka-grab ng kopya. Nasa top spots rin ang dalawa sa mga libro ni Greynii sa mystery genre, gayundin ang isang fantasy at isang mystery book ni Hakuna Makata.
She has read them online, noong hindi pa ito napa-publish as a physical book. Puro kakornihan at kajejehan lang naman ang laman ng mga ‘yon, eh. Ewan ba niya kung bakit pa inaabangan ng mga readers. What’s with their taste? At porke milyon ang reads ay ipa-publish?
“Hmp.” She scoffed. She ignored them and went to the Sci-fi area. She found a book entitled: Galaxy Wars written by an author hiding under the alias of projectdarkballpen.
Pfft. “Parang kinopya lang naman ‘to sa Star Wars. Wala man lang bang originality?” panunuya niya.
Pero binuklat niya pa rin at binasa at katunayan, natapos niya ang isang chapter. She skimmed through the pages. Sa kahuli-hulihang page niya nabasa ang isang imbitasyon na nagsasabing:
“We are looking for Fantasy and Romance Manuscripts! For more information regarding the requirements and inquiries, visit our website, sss. layan.publishing. com. Submit your manuscripts personally at the Editorial Department or e-mail us at layan_publishing@email.com Your story is waiting to be discovered!”
Ilang segundo pa bago niya isinauli ang libro sa shelf. Kinunan niya muna ng litrato ang imbitasyon. Pagkatapos, sa huling pagkakataon, sinulyapan niya ang price tag. Tumataginting na three hundred seventy-five pesos lang. Ngunit naalala niyang gipit ang kanyang pitaka. Paubos na ang kanyang allowance na last week lang pinadala sa kanya.
Binuksan niya ang pitaka at nakumpirmang limang daan na lang ang mayroon siya. Umawang ang kanyang labi. “Nag milktea nga pala ako kanina!” Sa totoo lang, hindi niya alam saan napupunta ang kanyang pera. Basta pagkatapos gumasta, siya’y magkaka ”amnesia” na.
Tatlong minuto na lang ang natitira sa alas-dose, ayon sa kanyang wall clock ngunit bukas pa rin ang ilaw sa kanyang kuwarto. Her eyes strained from the prolonged exposure to cellphone. Itinabi niya muna ito.
Napatulala siya sa ivory white na kisame.
“Manuscript…”
Habang lumilitaw ang mga imahe ng kanyang mga libro at pangalan sa pabalat nito. Nahahawakan, naaamoy, at tinatangkilik ng madla. Balang-araw, aabangan rin ang mga aklat niya, magkakaroon ng maraming reads at sasabog ang kanyang notification. Mailalagay niya rin ang: To Be Published under This Company sa book status. Makikita niya rin ang sariling libro at pangalan sa mga bookstore at bibilhin ng mga kabataan. Tatatak ang kanyang pangalan bilang isang mahusay na manunulat.
Napabangon siya ng upo siya sa kama at binuksan ang kanyang laptop. Dalawang storya pa lang niya ang nai-publish sa site. Una ay ang CyberHome na hanggang chapter thirty pa lang tapos ngunit hindi pa umaabot sa c****x ng kwento. Sunod ay ang pinakabago niyang That day, the rain cried black na on the spot niya lang sinimulan last last month. Mabagal ang usad dahil kanina lang siya ulit nasa mood.
Her tummy roared. Isang Piattos, at dalawang itlog na lang ang natira sa kanyang cupboard. She grimaced. “Ha? Wala na bang iba? Anong klaseng ano naman ‘to. Walang kwenta.” Kunot noong dinakot niya ang chips. Tamad na siyang lumabas pa.
Ting!
Bitbit ang chips ay binuksan niya ang message na mula kay Trisha.
Marian Trisha Salcedo: Oy, may bagong tsaa!
Marian Trisha Salcedo: Bes!
Marian Trisha Salcedo: Grabe huhu! Need mo ‘tong mabasa, dali!!!
Her eyes started feeling like its being pricked by small needles, especially her charcoal iris while her eyeballs want to come out and run away from its owner. She rubbed her eyes before she typed her reply.
Angela Ien Li: Ang ano?
Marian Trisha Salcedo: Owemgii di mo nakita? May tinag ako. Hurry!
Naka nude na two-piece bikini ang babae while smiling candidly sa camera. Ang caption ng headline nito sa f*******: ay: Here’s the reason behind the mukbang couple break up.
She typed her reply right after seeing the tagged post.
Angela Ien Li: Hay na’ko, dami talagang snake! My gosh! Ang kapal din talaga ni ate girl, kung ako ang anak niya, iwi-wish ko na hindi na lang siya nanay ko. Eww.
Marian Trisha Salcedo: Balak siguro ipasalo yung bata kay Daniel. Diba sila may-ari nung ano nga yun. Basta center chuchu
Marian Trisha Salcedo: hay na’ko, dyosa na nga, iniwan pa. Kawawa naman si Anne.
Angela Ien Li: True. Kala mo naman gwapong gwapo tong si Daniel. Kaya pala parang ang close ni girl kay Daniel sa mga t****k vids nila. May something na pala, my gosh!
Angela Ien Li: Basta talaga mga cheater, kapal ng mukha.
Ala-una imedya, hindi na nakapagreply pa si Trisha. She rolled her eyes. Seenzoned by her bestfriend again. “Tinulugan na naman ako. ‘Di man lang nagsabi.”
Bumabagal na ang pagtipa niya sa keyboard. Pasimpleng tinatype na lamang niya ang unang naiisip. Diretso sa c****x ng kwento at tinapos na ito kaagad hanggang sa epilogue. Panay na ang hikab niya ngunit hindi niya ito pinansin.
“Malapit ka na, malapit na,” bulong niya sa garagal na boses.
Itinuloy niya lang hanggang sa dulo ang pagfill-up ng synopsis. Akala niya’y wala nang katapusan ang pagka-copy paste ng story description at characters. Para siyang gulay na lumulutang sa malamig na sabaw. Mabagal din ang takbo ng oras para sa kanya.
Matapos matuldukan ang pinakahuling pangungusap, tuluyan nang bumigay ang kanyang mata at bumagsak ang kanyang ulo sa balikat. Nakatulog siya sa paupong posisyon, ala-singko nang umaga na.