Nagmamasid lang ako sa buong canteen. Kaunti lang ang tao ngayon dito, siguro ngayon lang sila natapos magtrabaho at ngayon lang makakakain. I wonder if Zaimon ate his lunch? Well, hindi ko na dapat 'yon problema.
Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na siya kung nasaan ako habang hawak ang isang tray na may lamang pagkain ko. Tumaas ang kilay ko nang makita ang pinakbet at fried chicken doon. Isa isa niya 'yong nilapag sa harapan ko at nang matapos ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Nagtaas siya ng kilay, "what?" He asked dryly.
"Really? I don't eat that." Tinuro ko ang pinakbet na ibinaba niya.
Kumubot ang noo niya kasabay nang pagbuntong hininga, "don't tell me sa edad mong 'yan hindi ka pa rin kumakain ng gulay." Napapantastikuhan niya akong tiningnan.
"That's not it. Hindi lang talaga ako kumakain ng pinakbet. Kumakain ako ng gulay, pero hindi sa ganiyang pagkakaluto." Maarte ko iyong inusog sa direksyon niya.
Inilagay niya ang dila niya sa gilid ng kaniyang pisngi. Halatang nagpipigil ng iritasyon sa akin.
"Sabi mo kasi 'anything' ngayong binigyan kita niyan, hindi mo naman pala kakainin." Umirap ako sa sinabi niya.
"Malay ko ba na 'yan pala ang pagkakaintindi mo sa anything. At malay ko rin ba na iyan ang kukunin mo. Tss." Marahas siyang bumuntong hininga at kinuha ang isang mangkok ng pinakbet bago bumalik sa counter at ibinalik ang kinuhang ulam.
Maya maya pa ay bumalik na siya at may dalang adobo at apple na hiniwa na. Nagtaas ako ng kilay nang ilapag niya 'yon sa harapan ko.
Nagkibit ako ng balikat at nagsimula nang kumain. Narinig ko na naman ang marahas niyang pagbuntong hininga. Napatingin ako sa kaniya at nagtaas ng isang kilay. May pagtatanong sa mga mata.
"Thank you, huh." He said sarcastically that made me frown.
Iyon lang ba ang problema niya? "You're welcome." Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw at ibinalik ang atensyon sa pagkain.
Napailing nalang siya sa ginawa ko at hindi na nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita pa dahil parang ngayon ko lang naramdaman ang gutom.
Malapit na akong matapos nang mapatingin akong muli sa kaniya. May gusto na naman akong sabihin pero pinigilan ko nalang ang sarili kong magsalita dahil baka magkasagutan na naman kaming dalawa.
"Tapos ka na?" Tanong niya sa hindi mapakaling boses. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi pa." Binagalan ko ang pagkain ng apple habang pinagmamasdan ang iritado niyang mukha.
Napataas ang kilay ko dahil halatang may gusto siyang gawin o sabihin pero pinipigilan lang niya. Kanina pa pati siya nakakagat sa pang-ibabang labi ng mariin habang naghihintay sa akin.
"Hindi ka pa ba tapos?" Mariin niyang tanong habang nakatingin sa akin at nakataas ang dalawang kilay. Hinihintay ang sagot ko.
Napanguso ako at uminom na ng tubig, "tapos na." Napabuntong hininga siya na parang nawalan siya nang mabigat na pinapasan.
"Sa wakas." Bulong niya at mabilis na niligpit ang pinagkainan ko.
"What's your problem?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang tinitingnan siyang mabilis na nililigpit ang pinagkainan ko. Napataas ang kilay ko dahil kunot noo niya 'yong nililigpit at nagmamadali.
Ganyan na ba talaga niya kaayaw na kasama ako? At sobrang madaling madali siya na ligpitin ang pinagkainan ko?
"Ihahatid ko lang 'to sa loob tapos magre-restroom lang ako. Kanina pa 'ko naiihi. Ang bagal mo kumain. Hintayin mo 'ko dito." Napatanga ako sa sinabi niya kahit na umalis na siya sa harapan ko para ihatid 'yung mga plato.
What the hell?! Hinintay niyang matapos ako bago siya magsabi ng naiihi na siya. What if magkasakit siya sa bato dahil sa pagipigil niya ng ihi?! Kasalanan ko pa 'yon?! s**t siya!
Hindi ako nakinig sa kaniya na hintayin ko siya. Dahil sino ba siya para sundin ko? Bakit ko siya hihintayin? Pa-importante siya kung gano'n. I won't wait for someone I don't know. Well, sort of.
Bumalik ako sa kung nasaan ako kanina nang matagpuan niya ako. Pero nang maboring doon ay naghanap ako ng ibang lugar sa planta. Doon ako pumunta sa kung nasaan ang mga hindi ko kilalang bulaklak. Hinuha ko'y mga galing sa ibang bansa ang mga bulaklak na 'to dahil hindi ko sila kilala.
I took a pictures of some foreign flowers I saw and posted it on my i********:. I smiled when I saw tons of comments and likes on my photos. They're complimenting my photograph, and I feel so fluttered.
"Bakit hindi mo 'ko hinintay?" Mabilis akong napabaling sa nagsalita.
Napataas ang isang kilay ko nang makita ang humahangos niyang hitsura. Nagulo ang kaninang medyo maayos na buhok, pinagpapawisan ang kaniyang noo at leeg, hinihingal dahil siguro sa pagtakbo o kanina pang paglalakad sa buong planta para hanapin ako.
Kumunot ang noo ko, "bakit naman kita hihintayin?" I asked in a monotone.
"I told you to wait for me but you didn't listen. You didn't wait. Simpleng pakiusap lang sa 'yo, hindi mo pa magawa." Umiling siya, tila dismayado sa ginawa ko.
What?! Who the f-ck is he to say those words to me?! He's just a mere farmer! Nothing more!
"Bakit ba kasi kita kailangang hintayin?!" Inis kong tanong sa kaniya at humalukipkip sa harapan niya.
He's just looking at me indifferently, "sinabi sa akin ni Madame Donilla na samahan ka habang nandito ka sa planta." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
I know mom's just worried about me, but she don't have to ask Zaimon to be my chaperone all the damn time that I am here!
"You don't have to. I'm fine hanging around alone. You don't have to tail me wherever I go because I'm not a child anymore." Mataray kong sambit sa kaniya.
"You still are a child. You're still not in a legal age so technically, you're still a child. You're still a little girl." He raked a ridiculous gaze throughout my body. Checking that I am still young.
Agad na nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Halos gusto ko siyang sapakin dahil sa insultong sinabi niya.
"I'm not! Months from now, I'll be in my legal age! You'll see! I may still look like a young girl, but when I turn eighteen, my body will grow like a woman!" Hindi ko na napigilang sabihin 'yon kahit wala namang point ang pinagsasasabi ko.
He sighed heavily at shook his head in disbelief, "I know. I know. You don't have to enumerate those things when you turn eighteen." Aniya sa isang baritong boses. "You'll freakin' seduce men without you knowing it." Bulong niya na hindi ko na naintindihan dahil sa sobrang hina.
"May sinasabi ka?" Asik ko na inilingan lang niya.
"Nothing. Sasabihin ko lang sa 'yo na sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan kita dito sa planta. Wala na 'kong gagawin kaya malaya na ako sa pagsama sa 'yo." Kahit na nanlilisik na ang tingin ko sa kaniya ay hindi niya 'yon pinansin, bagkus ay inilahad niya ang kamay niya sa daan, sinasabing maglakad na ako sa kung saan ko gustong pumunta.
Umirap ako sa kaniya at nagdadabog na nagmartsa papunta sa hilera ng mga orchids.
"Hindi na daw bata pero nagdadabog," rinig kong bulong niya kaya mabilis akong tumigil at marahas na lumingon sa kaniya.
"Anong sinabi mo?!" Sigaw ko sa kaniya na ikinagulat niya, dahilan nang pagkakatigil niya sa paglalakad.
He bit his lower lip as if stifling a smile, "ano ba'ng narinig mo?" Pilit niyang sineryoso ang boses kahit na nahahalinhinan 'yon ng tawa.
I groan in frustration, "I f-cking hate you! You're such a vile!" Sigaw ko sa kaniya sa sobrang inis.
Anong tingin niya sa akin? Isip bata?! Ano?! Bata na hindi nakakaintindi ng ibig sabihin ng mga sinasabi niya?! F-ck him to the depths of hell! I may not smart, I may still young now, but I know what he was saying!
"Magdahan dahan ka, baka madulas ka! Kakadilig lang ng mga halaman dito!" Sigaw niya dahil mabilis akong naglalakad na parang wala nang pakialam sa paligid.
Hindi ko na tuloy na-enjoy ang tanawin dahil sa pang-iinis niya. Buwiset siya!
"Para kang kabayo, ang bilis mo maglakad." Tumawa pa siya dahil sa tinuran.
Doon na talaga napigtas ang iniingatan kong galit kaya naman nang marahas akong humarap sa kaniya ay mabilis kong tinanggal ang flat shoes na suot ko at ibinato sa kaniya. Hindi agad siya nakaiwas kaya tinamaan siya sa dibdib.
Malakas siyang dumaing nang tumama 'yon sa dibdib niya. Hinimas niya 'yon at kunot noong tumingin sa akin.
"Anong problema mo?" Iritadong tanong niya.
I made face when he asked that, "at talagang tinatanong mo pa?! Buwiset ka!" Kinuha ko pa ang isang flat shoes ko bago binato ulit sa kaniya.
Sa pagkakataong 'yon ay nakailag siya. Gusto ko siyang sampalin dahil sa sinabi niya sa akin kanina. Sa ganda kong ito, kabayo lang ang tingin niya sa akin?! s**t siya! s**t talaga siya!
Natawa siya habang nakatingin sa inis kong mukha, "ang bayolente mo namang babae." Tumatawang sambit niya habang pinupulot ang sapatos kong ibinato ko sa kaniya.
"Wala kang paki! G*go!" Sumama bigla ang timpla niya at madilim ang mukhang bumaling sa akin.
"Kanina ka pa nagmumura, ah. Ayoko sa babaeng nagmumura." I scoffed.
"Bakit? Gusto ka ba ng mga babaeng nagmumura? Huh?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Umiling siya, "pinagkakaguluhan pa 'ko." He smirked devilishly at me.
Umirap ako sa sinabi niya, "kadiri. Hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo? Mahiya ka nga." Inis akong tumalikod sa kaniya at nagsimula nang maglakad kahit walang sapatos na suot.
"Magsuot ka ng sapatos! Baka masugatan 'yang paa mo." Mabilis siyang gumabol sa akin nang hindi ko siya pinakinggan.
Napatili ako nang bigla akong mapaangat sa lupa kasabay nang naramdaman kong matigas na braso niyang nasa likod ng tuhod ko at sa balikat ko.
"Ano ba! Ibaba mo nga ako! Kaya ko namang maglakad!" Sigaw ko sa kaniya at hinampas hampas ang kaniyang dibdib dahil sa inis.
"Tumigil ka sa kakapiglas baka madulas ako at maibagsak kita diyan," banta niya nang patuloy ako sa paghampas sa dibdib niya.
"Kaya ko naman kasing maglakad mag-isa!" Sigaw ko sa kaniya pero para siyang bingi na walang pinakikinggan.
"Sinabi ko kasing magsapatos ka, hindi mo pa rin ako pinakinggan. Tuwang tuwa ka talagang inisin ako, 'no?" Seryosong sambit niya na halos ikatiklop ko.
"E, ano kung naiinis ka? Wala akong pakialam."
"Wala ka naman talagang pakialam. Ang pakialam mo lang ay kapag may bagong labas na branded na mga bag o mga damit. 'Yun lang ang alam mo. Doon ka lang may pakialam." Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya.
What the f-ck?! Who the hell is he to say those word to me?!
"And who the hell are you to say that to me?!" Inis kong hinampas ang dibdib niya na animo'y bato sa tigas.
"H'wag ka ngang malikot, ilaglag kita diyan, e." Banta niya na mas lalo kong ikinairita.
Pero naiirita man ay hinayaan ko siya buhatin ako papunta sa kung saan niya 'ko dadalhin. Nagulat nalang ako nang ibaba niya 'ko sa isang mahabang upuang gawa sa kahoy. Pumunta siya sa gilid at binuksan ang gripo na may hose. Dumiretso siya sa akin nang mabuksan 'yon at maya maya'y lumuhod.
Nabigla ako nang hawakan niya ang paa kong nasa sementong sahig na may mga putik. Marahan niya 'yong hinugasan. Sa sobrang rahan ay hindi ko namalayang napigilan ko na ang paghinga ko dahil sa ginagawa niyang paghuhugas dito. Napakurap kurap ako nang matapos siya at dahan dahang pinakawalan ang pinipigilang hininga.
Inilapag niya ang mga paa kong nilinis niya sa tuhod na nakaluhod ngunit hindi nakatama sa semento. Napakagat labi ako dahil sa ginagawa niya. He's now being a gentleman by doing this gestures to me. Napaiwas ako ng tingin dahil malapitan ko siyang napagmamasdan.
Bakit kahit na mahirap siya... ang guwapo niya? I know his father has a foreign blood, spanish I think. But I didn't expect him to be this too good looking! He's too much. That's why some girls were flocking on him because he's downright gorgeous. But he's annoying! I don't like that attitude of him because it pisses me off. His smirk, his smile, his ridiculous gaze, damn it! I can't stand with him without being pissed by him.
"Tapos na, mahal na prinsesa." He said sarcastically. See? He's so annoying!
Can't he be nice to me? Hindi niya ba kayang hindi mang-asar sa akin kahit isang oras lang? Ngayon lang naman ako nandito dahil wala na akong mapuntahan.
"Can't you talk nice to me? I'm after all a daughter of the owner of this plantation, in short I'm your employer's daughter." Napailing siya sa sinabi ko.
Hindi ko napansing nakahawak pa rin siya sa binti ko ng bahagya kahit tapos na niyang isuot sa akin ang sapatos ko. Kung hindi siya gumalaw, hindi ko mararamdaman 'yon at hindi mapapansin.
"Ikaw, hindi mo rin ba kayang makipag-usap sa akin nang hindi nang-iinsulto o naiinis?" He fired back at me.
Tumikhim ako, "sinasabi ko lang naman 'yon dahil naiinis ako sa 'yo kapag bigla kang magsasalita ng pabalang." Depensa ko.
"Hindi pa rin 'yon sapat na rason para mang-insulto ka ng ibang tao. Lalo na't hindi mo pa naman kilala ng lubusan. You should bit back your frustration because it might hurt someone's feelings if you take it too much." Pangaral niya na nagpatutop sa bibig ko.
Napayuko ako at hindi namalayang napatango sa sinabi niya.
"I'm sorry," I said a but guilty for my insults.
"Yeah, yeah. Mayaman ka kasing lumaki kaya hindi mo alam ang hirap namin sa pagtatrabaho. Yes, we're just a farmer, but we have feelings too. You can't talk to us like that whenever and wherever you want. You can't insult us whenever you want. You can't laugh at us until your heart's content. Tandaan mo, kung wala kaming trabahador ninyo, wala kayong kikitain. Wala kayong yaman. Wala kayong pambili ng mga kapritso niyo kung hindi kami nagtatrabaho, kung hindi din namin kailangan ng pera, hindi kami magtatrabaho. At hindi kami nagtatrabaho para insultuhin ng kahit sino dahil alam namin sa sarili naming marangal ang trabahong ginagawa namin. Wala kaming inaapakang iba, bukod sa putik."
Halos manliit ako sa sinabi niya. He's talking like a father. He's talking like an elder brother to me. Pinagsasabihan ako na h'wag mang-insulto at h'wag maliitin ang mga kagaya niya. I know I'm at fault.
"I said I'm sorry. Hindi ko na uulitin." Ilang beses na akong napagsabihan ni ate tungkol dito, pero hindi pa rin ako nagtitino.
Umiling siya, "ilang beses ko nang naririnig ang mga sinasabi mo. Kahit noong bago ka palang dito. Lalo na noong una mong punta dito sa planta, alam kong bata ka pa noon pero alam kong may isip ka na at dapat alam mo na ang tama at mali. At hindi tama ang mangmaliit ng mga taong nagtatrabaho ng marangal." Tumango ako, parang basang sisiw na naiwan ng nanay at ngayo'y kinakahulan ng aso.
Napanguso ako, "I'm sorry. I promise I will let myself be mature enough in this matter." Tumango siya at tumayo.
"Aasahan ko 'yan. Kasi hindi lang naman ako ang trabahador dito. Marami kami. Kaya hindi lang ako ang nasasaktan, kung hindi lahat kami." hinawakan niya ako sa siko at inalalayang tumayo.
Nanghihina na ako sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko ay mas nanliit ako kaysa sa mga insultong sinabi ko sa kaniya. Mas nakakapangliit kapag siya 'yung nangangaral, kaysa kapag si ate ang nagsasabi sa akin.
Hindi na ako nagsalita nang igiya niya ako paalis doon. Tahimik nalang tuloy akong nagmamasid at nakatingin sa mga bulaklak doon.
Kailangan kong mag-mature para sa susunod... wala nang ibang mangangaral sa akin ng ganito.
"Anong oras na ba?" Tanong ko nang halos mag-iisang oras na ata niya akong nililibot sa buong planta.
Habang naglilibot kami ay ipinapaliwanag niya sa akin ang mga bulaklak na nakikita ko. Bawat bulaklak may sariling depinisyon, at halos kabisado niya lahat. Pati kung kailan yayabong o kung kailan iha-harvest ang mga ito. Parang dito na siya lumaki na halos kabisado na niya ang lahat ng mga bulaklak dito.
"Wala akong relo, wala din akong dalang cellphone. Nasa bag ko dahil hindi naman puwedeng mag-cellphone habang nagtatrabaho." Tumango ako sa sinabi niya.
Ako pala ang may dalang cellphone. Tiningnan ko 'yon at nakitang 5:12pm na. Kaya pala nag-aagaw na ang dilim at liwanag, alas singko na pala.
"Magpapasundo ka na ba?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang kulay kahel na langit.
"Oo." Tumango siya at hindi nagsalita.
I look at him and saw him looking passionately at the sunset. His adams apple is moving as he swallow hard. Hips lips were protruding as he keep silent. His disheveled hair suited him very well. Looks like, he's the most handsome farmer I ever see in my entire life. Halos hindi nangingitim at nanatiling mainam ang kulay. Mas bumagay pa sa pangangatawan niya na talabang... pagkakaguluhan ng mga babae.
"H'wag mo 'ko titigan ng ganiyan. O iisipin ko na bang may gusto ka sakin." Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at natawa ng alanganin sa sinabi niya.
"A-anong oras pala ang out mo sa trabaho?" Kanina pa niya kasi ako kasama kaya naisip ko kung anong oras ba ang tapos ng trabaho niya.
"Alas kwatro y mediya," aniya na ikinakunot ng noo ko.
It's already 5:20pm! He's out at this time yet he's here with me. Accompanying me because he was asked by my mother.
"Out ka na pala dapat ng ganitong oras, uuwi na 'ko." Tumango siya sa sinabi ko.
Nagsimula na akong maglakad palabas habang tine-text si Kuya Lester na sunduin ako sa planta. I wonder why ate is still not calling or texting me for not being home at this hour?
Palabas na ako ng gate nang pigilan ako bigla ni Zaimon sa braso kaya napatingin ako sa kaniya, kasunod sa kamay niyang nasa braso ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Can you wait for me? Kukunin ko lang gamit ko. H'wag kang lalabas ng gate hangga't wala pa ako." Aniya sa isang mababang boses.
Pero hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko kung hindi ang mga mata niya. It's pleading me to listen to him this time. His eyes were telling me to wait for him for me to be safe. I nodded obediently at him. A ghost of a smile crept in his lips that made me frown.
"Sandali lang ako." Bumaling siya sa guard na nasa gate at nakamasid. "Kuya, h'wag mong palalabasin 'to hangga't hindi ako dumadating ah. Baka mawala. Lagot tayo kay Madame!" Aniya sa guardiya.
"Sige, Zaimon!" Anito at tumango ng isang beses kay Zaimon.
Mabilis namang umalis doon si Zaimon at tumakbo papunta sa kung saan. Paniguradong sa quarter nila kung saan nandoon ang mga gamit. I sighed and wait patiently at him.
Maya maya lang ay nandiyan na siya at tumatakbo palapit sa akin. Bakit kahit pawisan at tumatakbo siya, hindi siya pumapangit. Napaka-unfair niya.
Nang tumigil siya sa harapan ko ay huminga siya ng malalim habang nakapameywang. He pushed back his disheveled hair using his fingers, making him more attractive.
Nakakailang puna na ba ako sa kaniya ngayong araw? Kahit sabihin mong iniinsulto ko siya, hindi mawal wala sa akin ang pagpuri sa kaniya. And I hate it because I can't lie towards that attraction. Kairita siya!
"Tara na?" Aniya na ikinataas ng kilay ko.
Hindi naman siya sasabay sa sasakyan namin hindi ba?
Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kaniya palabas sa gate. Sumaludo siya sa guwardiya habang naglakad palabas. Hindi ko maiwasang mapairap dahil napakahangin ng galawan niya. Kapag talaga guwapo, mahangin. At kasama na doon si Zaimon. Baka nga nangunguna pa.
"Nai-text mo na ba 'yung driver mo?" Tanong niya habang nakapamulsang nakatayo kasama ko.
Nakahalukipkip naman ako at malayo ang tingin habang nakanguso, "oo. Kaso hindi pa nagre-reply. Kanina pa 'yon." Mas lalo akong napanguso dahil hindi pa talaga nagre-reply si Kuya Lester hanggang ngayon.
"Kapag wala pa ng alas sais, ihahatid nalang kita. Hindi kita puwedeng iwan dito, baka mapa'no ka." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon pero hindi siya nakatingin sa akin at nakaiwas lang ng tingin.
Napabuntong hininga ako at piping humiling na sana dumating na si Kuya Lester. Hindi ako sanay sumakay ng tricycle or worse ng jeep! Well, nasa highway pa naman ang jeep at hindi naman kami sasakay ng jeep paniguro pauwi sa bahay.
Ilang minuto pa ang lumipas at nangangalay na ako kakatayo. Wala pa ring sign ng kotse namin. O ng van namin na paparating. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Zaimon na nakatitig sa akin habang naghihintay rin.
Napataas ang kilay ko, "what?" I asked innocently.
"Na-check mo na ba ang cellphone mo kung may reply 'yung driver niyo?" Nagkibit balikat ako at tiningnan ang cellphone na hawak.
Nag-text na nga si Kuya Lester! s**t! Bakit hindi ko napansin kanina? Sabagay, naka-silent pala ito.
Mabilis ko 'yong tiningnan para basahin.
From: Kuya Lester
Ma'am, hindi po ako makakasundo sa 'yo. Kasama po ako ni Madame sa kabilang bayan dahil may mga bibilhin daw siya para anibersaryo nila ni sir bukas.
What the hell? Bakit ngayon pa? Bumaling ako kay Zaimon na nakataas ang kilay at naghihintay sa sasabihin ko nang makita ang ekspresyon ko.
"Uh... hindi daw ako masusundo ni kuya Lester. He's with my mom buying some stuffs for my parent's anniversary tomorrow." Alanganing saad ko.
Tumango siya, "tara. Tricycle tayo." Aniya.
Marahas akong napalunok sa sinabi niya. This is it. I'm going to have a ride in a tricycle for the freakin' first time. And this first time is with Zaimon!