“AYAN ANG GANDA MO NA!” Kinikilig na sabi ni Ara nang matapos siya nito make up-in. Si Kelly ay kakatapos lang sa pag curl ng kanyang buhok. “Bakit kase walang salamin,” aniya. Tila kabado sa kanyang itsura. Baka kase mamaya e, ginawa siyang clown ng babaeng ito. “Para exciting, ano ka ba,” sambit ni Ara. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Naging abala naman si Kelly ayusin ang kanyang gown. Nang matapos ay napatanga na lang ang dalawa sa kanyang harapan at tila ba hindi makapaniwala sa kanyang mukha. “Grabeng makeover ‘yan, Ara. Hindi ko inakala na ganyan ‘yong kakalabasan.” “Ako rin. Mukha talaga ni Gab ‘yong nagdala.” “So kelan niyo ako balak ipaharap sa salamin?” Tanong niya sa mga ito. “Ay, ito na po Madam.” Agad siyang nilapitan ni Ara para alalayan papunta sa malakin

