KAHIT NA ANTOK pa ay ramdam na ramdam niya ang paghaplos sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mata. Malabo man pero kilalang-kilala niya ito. Napangiti sita at dinama ang haplos ng kamay nito sa kanyang mukha. She feels safe. Bigla na lamang siya inantok. Gusto niya mang imulat ang kanyang mata para malinaw niya itong makita, subalit kahit anong gawin niya ay kusa itong pumipikit. Ralph. . . NAMULAT siya na nakatingin sa kisame. Bumungad din ang pagmumukha ni Ara na malaki ang mata at tila tuwang-tuwa nong makita siya nitong magising. “Si Gab! Si Gab!” Malakas nitong sigaw. “Anong nangyari kay Gab?!” Rinig niyang sabay na tanong nina Cherry, Kelly, at kanyang kapatid. Tumingin ang mga ito sa kanyang gawi. Nawala amg mga gulat nito nang makita siyang nakamulat

