SEVEN
Warning:
This chapter is not suitable for young readers. Please be advised.
Mabibingi na si Gab sa sobrang katahimikan. Nandito siya ngayon sa gitna ng traffic kasama si Ralph. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng binatang ito dahil iba ang ruta nila ngayon kumpara sa daan papunta sa kanyang condo at rutang papuntang bahay nito. Gusto niyang magtanong pero sa tuwing magsasalita siya ay palagi siya nitong pinipigilan.
Tiningnan niya ito. Naka-focus lang ito sa pagmamaneho. At siya naman? Heto at hindi siya mapakali. Nakakatakot naman kase talaga iyong taong tahimik dahil sa hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip.
Halos mamatay siya sa gulat nang padabog nitong pinindot ang pituhan ng sasakyan. “f**k!” reklamo nito sa nakasingit na sasakyan sa kanilang harap.
Tiningnan niya ulit ang binata at base sa expression na kanyang nakita ay iritado ito. Iyong hindi mo alam ang pwede nitong gawin. Iyong tipong pwede ka nitong isako at itapon sa dagat.
“Tigil-tigilan mo iyang pag-iisip ng ganyan,” anito.
Napakunot na lamang siya. Ano kaya ang sinasabi ng lalaking ito? Nanlaki ang kanyang mata nang mapagtanto ang sinabi nito. Nababasa ba nito ang kanyang isip?
Nagtulog-tulugan na lamang siya. Kung gayong nababasa pala nito ang kanyang iniisip. Kaya pala magaling na abogado ang isang ito dahil ’yon ang sikreto.
***
Nagising na lamang siya nang may tumunog. Telepono iyon ni Ralph. Natuluyan pala siyang makatulog at kahit papaano ay nakalimutan niya ang nangyari kanina. Sinilip niya ang paligid. Nasa garahe sila. Pero nasaan sila?
“Nasa villa tayo, villa ko rito sa Pampanga. Lumabas ka na ng sasakyan,” walang ekspresiyon nitong sabi na unang lumabas.
“Nagsalita ba ako?” tanong niya sa sarili bago binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas.
Bumalik na naman siya sa pag-iisip na baka nababasa nga ng binata ang kanyang isip. Masisiraan na yata siya ng bait.
Pagpasok nila sa villa ay napahanga siya sa ganda ng disenyo nito. Kung gaano ka-unique ang style ng bahay nito ay siyang elegante naman ng villa nito. Puno rin ito ng paintings sa wall at mga disenyong crystal. Sa bandang kitchen ay nahagip niya ang malawak na swimming pool na napapaligiran ng mga ilaw dahilan para mas lalong makita ang mala-bughaw na kulay.
Umupo ito sa dining table na agad niya rin namang sinundad. May isang ale na hindi katangkaran ang naglalapag ng pagkain sa hapag-kainan. Panay ang tingin nito sa kanyang gawi. Nang masalisihan niya ng tingin ay binigyan siya nito ng matamis na ngiti. Ganoon din siya.
“Aling Pasita, sumabay na rin po kayo sa amin,” aya ni Ralph dito.
Hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Ralph kung kaya’t matagal itong naestatwa’t napatingin sa kanya. “Ano ka ba naman, hijo. Nakakahiya naman sa—sa . . .”
“Kaibigan po,” aniya
“Girlfriend . . .” sambit ni Ralph
Sabay sila subalit magkaiba ang kanilang sagot. Nalito si Aling Pasita sa kanilang dalawa. Nagkatitigan sila nito. Walang emosyon siya nitong tinapunan ng tingin. Ano ba ang problema ng lalaking ito?
Napahalakhak na lamang si Aling Pasita. “Kayo talaga. O siya, maiwan ko muna kayo at ako’y hindi pa naman nagugutom.”
Nang makaalis ito ay tumahimik ang kanilang paligid. Pareho silang nakatutok sa pagkain. But she hate this kind of silence. She’s not comfortable. Tinapunan niya ng tingin ang binata na talaga namang seryoso sa pagkain. Bakit ba napaka-cold-hearted ng lalaking ito? Hindi ba nito alam na mas lalo itong gumagwapo? Ang labi nitong mapula na pareho lang sa kanyang labi—akalain mo nga namang ikukumpara niya pa sa labi niya ang labi ng binata. Heck? Pinagnanasahan na niya ang labi ng isang Ralph Molina.
Napalingon ang binata sa kanyang gawi kaya’t agad naman siyang nataranta’t nagsubo ng maraming pagkain sa kanyang bunganga. Nagising siya sa kanyang pantasya’t napalitan ng kahihiyan. Biglang nag-init ang kanyang pisngi. Naabutan siya nitong nakatitig sa labi nito!
Kahit na nag-iwas siya at nakatutok na sa kanyang pagkain ay ramdam niyang sa kanya parin nakatuon ang binata. Hindi na siya mapakali. Narinig niya ang magkakasunod na marahas na pagbuntonghininga nito.
Pabulong itong napamura at pagkatapos ay tumayo ito at tuluyan na siyang iniwan.
Dahan-dahan siyang luminga-linga sa paligid. Nang makumpirming wala na nga ito ay saka lamang siya naghabol ng paghinga. Ano bang problema ng lalaking iyon? Wala naman siyang ginagawang masama. Kung sa tingin nitong masama ang tumitig, e di sana kinompronta na lang siya nito para sa susunod ay alam niya na.
Hindi na nga talaga ito bumalik. Hanggang sa tinulungan niya na lamang si Aling Pasita sa pagliligpit ng mga plato. Si Aling Pasita na rin ang naghatid sa kanyang magiging kwarto rito sa Villa ng binata.
Pagpasok niya ay may mga damit na ring nakalapag sa higaan para sa kanya at tila ba kabibili lang ng mga ito dahil nakalagay pa sa paper bag ang ilan. Nagbihis na rin siya para makapagpahinga na.
Nakapwesto na siya sa malambot na higaan. Hindi niya akalaing makahihiga siya ulit sa ganito. Napapikit siya’t napangiti nang damahin niya ang makapal na comforter. Heaven! Oo! Pakiramdam niya ay nasa langit na siya. Malaking kwarto, malambot na higaan na akala mo ay ulap at malamig dahil sa high-end na aircon. Napabuga na lamang siya’t napatingin sa taas. Kailan kaya siya magkakaroon ng ganito?
“Tanong lang naman.” Napa-pout pa siya. “Hindi ko naman pinangarap na yumaman nang ganito. Kung tutuusin kuntento na ako sa kung anong buhay ang iniwan nila Mama’t Papa sa amin ni Kuya.” Para ba siyang baliw na kinakausap ang sarili.
Napaupo siya sa higaan sabay niyakap ang malambot na unan.
“Nangangarap lang naman ako. Para ’pag nanalo ako sa lotto, alam ko kung anong gagawin ko sa milyones ko!” dipensa niya sa sarili.
Napaanas na lamang si Gab at itinapon ang unang yakap-yakap niya. “Paano ka mananalo? Eh hindi ka naman tumataya ng lotto.”
Naputol ang pakikipagtalo niya sa sarili nang tumunog ang kanyang phone na nakalatag lang sa side table. Agad niya rin namang sinagot ang tawag.
“Gab, what happened?! Kumusta ka na? Saan ka na? Ayos ka lang? Pinuntahan kita sa condo pero wala ka ro’n!”
Si Ara ito.
“Hinay-hinay lang naman. Heto, okay lang naman ako at ayos na ayos.” Napabuga na lamang siya ng hangin. “Buti na lang tumawag ka. Nagulat ako sa ginawa ni John. Para bang . . . Para bang ibang tao siya kanina. Medyo natakot ako pero buti na lang at dumating si Attorney Molina,” kwento niya rito.
“Attorney Molina? Iyong na-meet mo sa dating app? Ah, oo! Mabuti naman kung gano’n, dahil kung hindi, baka sinugod ko na ang abnormal na doktor na ’yon. Baka maulit iyan ulit. Baka kung ano na ang mangyari sa ’yo, Gab. Please for you safety, lumipat ka na ng ibang hospital na matatrabahuan. Hindi na healthy ang araw-araw mo sa trabaho kung nakapaligid pa rin ang gagong ’yon,” anito.
Hindi naman siya masyadong naapektuhan sa ginawa ng lalaking iyon dahil sapat na iyong ginawa ni Ralph na pinagsusuntok ito hanggang sa dumugo ang ilong at kasuhan. Doon pa lang, pakiramdam niya ay nakaganti na siya sa John na iyon. At kung paglipat ng trabaho rin lang ang pag-uusapan? Mukhang mahirap yata iyon.
St. Fabian Hospital lang ang pinakamataas magpasahod sa Pilipinas. Depende na lang kung sa ibang bansa. Marami ang nangangarap na makapasok sa hospital na ito. Ngayong nandoon na siya, papakawalan niya pa ba?
***
Naalimpungatan si Gab nang marinig niyang tumunog ang kanyang telepono. Papikit-pikit pa siya nang silipin ito. May natanggap siyang message at ang kapatid niya ito na tila nabalitaan na ang nangyari sa kanya. Paniguradong pupunta iyon bukas sa condo dahil sa pag-aalala. Siya na lang ang natatanging pamilya nito at ganoon din naman siya. Mula noong mamatay ang kanilang mga magulang ay siyang pagkawala na parang bula ng mga kamag-anak nila. Pinatunayan lang ng mga ito na kaya lang sila nakadikit noon sa kanilang pamilya ay dahil sa pera. It’s pretty sucks. Napabuntonghininga na lamang siya. Susubukan niya na sanang pumikit pero hindi niya na magawa pa.
Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone. Alas-tres na ng madaling-araw. Naramdaman niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan kaya’t napagdesisyunan niyang lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha siya sa refrigerator ng pitsel na naglalaman ng malamig na tubig at isinalin sa baso. Mabilis niya itong ininom kadahilanan na rin ng uhaw. Isa na sa kanyang habit ang magdala ng isang basong tubig sa kwarto kapag siya ay matutulog na. Gumaan naman ang kanyang pakiramdam nang maibsan ang kanyang uhaw. Ibinalik niya muli ang pitsel sa ref.
Mula sa glass wall ng kusina ay natanaw niya ang swimming pool at ang rebulto ni Ralph na nakatayo at sumisimsim ng alak. Babalik na sana siya sa kanyang kwarto pero hindi niya alam kung bakit lumabas pa siya.
Gusto niya itong lapitan at tanungin kung bakit gising pa ito. Pero habang tinitingnan niya ang pangangatawan ng binata ay bigla na lamang siyang napapaatras.
Dinig na dinig ang ingay ng kanyang paghakbang. Bakit ba kasi parang kahoy ang tsinelas na ibinigay sa kanya? Babalik na sana siya nang bigla itong nagsalita. “Bakit ka ganyan? Hindi mo pinapanindigan iyong mga galaw mo?”
Napahinto siya nang marinig ang sinabi ni Ralph at napalunok siya nang marinig ang boses nito. Parati na lang siyang kinakabahan sa tuwing magsasalita si Ralph. Lumingon ulit siya rito na tila ba inosente. “Huh?”
Sumimsim muli ito ng alak habang nakatikim ito sa kanya. Gosh, his deep-set eyes—the way he look at her, make her wonder kung para saan at kung ano ang ibig sabihin ng tingin na iyon.
“Look at you. Innocent woman.” Napangisi ito.
Pasimple siyang umirap dito saka lumapit nang bahagya para agawin ang hawak nitong shot glass na akto sana nitong lalagukin ang laman. “Kung may galit ka sa akin, sabihin mo lang.” Inilapag niya ito sa table na malapit lang din sa binata. Naramdaman niya ang init ng katawan nito. Saka niya lang napagtanto na maliit na lang pala ang kanilang pagitan.
Lalayo na sana siya nang bigla nitong hawakan ang magkabila niyang braso. Madilim ang tingin nito sa kanya, na sa tingin niya ay galit nga ito. “Ralph . . .” aniya. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanyang labi. Bigla na lamang siyang kinabahan.
“Let me ruin that fuckin’ innocence,” anito.
Napapikit na lamang siya nang sunggaban siya ng binata. Naramdaman niya ang lasang alak nitong labi na ninanamnam ang kanya. Sinubukan niya itong pigilan sa kadahilanang hindi na siya makahinga subalit hindi ito nangyari. Habang tumatagal ay mas lalo ito nagiging mapusok. Hindi niya rin namalayang gumaganti na rin siya sa mga halik ni Ralph. Halos manayo ang kanyang balahibo nang maglakbay ang palad nito sa kanyang katawan.
Napakapit siya sa leeg ng binata nang bigla siya nitong buhatin at ipulupot ang kanyang binti sa baywang nito. Saka niya lang napagtantong wala na siyang saplot sa ibaba at natatanging panty na lamang ang kanyang suot.
Muling nagpatuloy ang kanilang mapusok na halikan habang isinusubsob ng binata ang nabubuhay nitong alaga sa kaniyang p********e na nagbibigay kiliti sa kaniyang sistema. Ni hindi man lang nila inisip na wala sila sa kwarto. And it’s really weird na dito pa sila sa tabi ng swimming pool nagnanamnaman. Wala na silang pakialam kung nasaan man sila ngayon basta’t nakatuon sila sa nagbabaga nilang pagnanasa.
Habang mapusok silang naghahalikan ay inilapag siya nito sa beach bed at doon na ito nagsimulang tanggalin ang kanyang pang-itaas. Hindi niya alam pero para bang nahipnotismo siya sa titig ng binata. Para ba siya nitong dinala sa isang lugar kung saan ay tanging sila lang ang tao. Dahan-dahan itong pumaibabaw sa kanya.
“You’re pretty fast learner, eh?” he seductively whispered at her ears while rubbing her feminine without taking her panty off. Nag-init ang kanyang pisngi. Laking gulat niya nang maramdaman ang malikot na daliri ng binata. Napaungol siya sa kakaibang sensasyon na iyon. Tila ba may kumikiliti sa kanya at may nais na sumabog sa kanyang kaloob-looban.
She bit her lower lip as Ralph started to play the crown of her left breast. “R-Ralph . . .” she moaned. Halos mawala na siya sa ulirat. Hindi tumigil ang binata, sa halip ay binaybay pa nito ang patungo sa kanyang hiyas.
Nagulantang na lamang siya sa ginawa nito. Halos mabaliw siya sa sensasyong dulot nito sa kaniya.
“Ralph!” She bit her lips. Napatingkayad siya sa ginawa nito. Her moan gave him a signal to do the work even better. He kissed Gab’s c**t while pushing and pulling his finger which made the latter to beg for more.
Nang mahimasmasan ay bahagya nang naghubad ang binata ng suot nitong jeans, sakto lang para mapakawalan nito ang alaga. Halos mapalunok siya nang makita ang kahabaan nito. Naghalo ang takot at excitement sa kanyang sistema. Pumaibabaw ang binata sa kanya. Puno ng pagnanasa ang tingin nila sa isa’t isa. Na kahit siya mismo ay ngayon lang naramdaman ang ganito. Muli ay nilunod siya nito sa halik habang kinikiskis ng binata ang kahabaan nito sa kanyang hiyas na handa nang matikman ang sandata ng isang Attorney Ralph Molina.
Ipapasok na sana nito ang kahabaan nang biglang may boses silang narinig na nanggagaling sa loob ng bahay.
“Brad . . .”