CHAPTER FORTY-SIX “GAB! Pinapatawag ka sa nursing station. May bisita ka yatang naghihintay sa waiting area,’’ sulpot ni Cherry na pumasok sa kwarto ng kanyang pasyente. “Hi po Doc!” Anang bata kay Cherry na kanyang inaasikaso. “Hello, Pauline! Kumusta ang pakiramdam mo? Asikasong-asikaso sa’yo si Nurse Gab ah.” Lumapit si Cherry sa kanyang likod kung saan kaharap niya ang pasyenteng bata. “Okay lang po. Medyo kinakabahan po ako sa operation ko. But thanks to Nurse Gab. Pinapalakas niya po ang loob ko,” sambit nito na lumingon pa sa kanya at matamis na ngumiti. “Huwag kang sumuko, okay? Para hindi sad ang parents mo. Di’ba ayaw mo ‘yon?” hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos, “Kaya lakasan mo lang ang loob mo. Magpray ka lang kay God na maging successful ang operation mo. Para

