MsCS: 2

1162 Words
Chapter Two: Happy Go Lucky BUONG araw ang iginugol ni Elena sa kanilang bahay. Hindi siya lumabas at gumala buong araw dahil mas gusto niyang gumala tuwing gabi. May nababalitaan siyang bagong club na puro pogi raw ang nagmamay-ari. Sobrang naku-curious si Elena kaya gusto niyang pumunta roon. Ngunit, dahil gabi na ay kailangan na naman niyang magiging unggoy sa gate ng kanilang likod-bahay. May malaking puno ng manga na nakadikit lang sa gate at sa labas naman ay may puno ulit. Nagtagpo ang malalaking sanga niyon kaya madali lang siyang nakakaakyat at nakakababa palabas. Hinintay niya munang makatulog ang lahat. Lalo na ang kanilang mga kasambahay na gabing-gabi ay naglilinis pa rin. Pwede naman nilang gawin iyon ng umaga. Pero mas gusto raw nila na gabi! Nang masigurong tahimik na ang lahat at nakapatay na ang lahat ng ilaw ay ini-lock niya ang pinto ng kanyang silid. Baka kasi bigla siyang i-check ng kanyang ina at mahuli pa siyang wala sa kanyang kwarto. Malaking problema iyon! Ayaw niyang maging grounded. Gusto na sanang bumukod ni Elena sa mga magulang dahil graduate na siya ng college. Gusto niyang gamitin ang kanyang kursong BS Economics ang kaso hindi siya pinapayagan. Pinapaaral pa siya kung tambay lang naman ang kanyang peg sa kanilang bahay! “Hoy Ma’am!” nagulat si Elena nang may tumawag sa kanya. Paakyat na kasi siya ng puno ng mangga! Napatigil siya at tiningnan kung sino iyon. Madilim at bulto lang ng babae ang kanyang nakikita. Ngunit nakakasiguro siyang isa ito sa kanilang kasambahay. “Saan po kayo pupunta? Bakit diyan kaya dadaan sa malaking puno ng mangga?” Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at siniguradong walang nakakarinig rito. Doon lang napagtanto ni Elena na si Flora ito. Kasing edad niya lang ang babae at nagta-trabaho din bilang kanilang kasambahay. “Ikaw bakit gising ka pa? Saan ka galing?” tanong niya rito. “Dito lang po nagpapahangin,” sagot ng babae. Hindi naniniwala si Elena lumapit siya rito at inamoy ang damit dahilan para umatras ang babae. May naaamoy siyang lalaking pabango rito kaya alam na niya kung saan ito galing at kung ano ang pinagagawa nito. “Ayon, lumalandi ka sa gabi. Lumabas ka ano?” “Hindi po Ma’am, ha.” “So kaninong pabango iyan, ha? Bakit amoy lalaki ka?” “Naku Ma’am, baka mali ang nasagap mong amoy.” “Ay sos Flora, naku, isusumbong talaga kita. Kaya tama lang na parati akong nagpapahangin sa puno ng manggang ito para mababantayan ko kayong lumalabas gabi-gabi. Sige na at matulog ka na.” “Paano po kayo?” “Dito nalang muna ako at magbabantay. Baka may iba ka pang kasama na lumabas.” At hindi nga nagkakamali si Elena. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may biglang kumalabog sa kanilang harapan  ni Flora. Nagulat si Elena kaya napaatras siya. “Aray ko po!” namimiliti sa sakit si Yaya Agnes. Nahulog ito mula sa itaas ng puno. “Sinasabi ko na nga ba, e. Naku, kapag nalaman to nila Mama ay siguradong mawawalan kayo ng trabaho. Bumalik na kayo sainyong mga kwarto para hindi ko kayo masumbong. Kayo talaga.” Nagmamadaling tinulungan ni Flora si Agnes na tumayo. Kahit masakit ang balakang ng babae ay pinili pa rin nitong lumakad. Naghintay ng ilang sandali si Elena bago paman umakyat sa puno ng mangga. Ayaw niyang makita ng mga kasambahay na lalabas din siya upang gumala. Malas lang ng mga ito at siya ang nakahuli. Mabuti na lamang at gabing-gabi na niyang naisipang lumabas. Kung nagkataong mas maaga pa siya kina Flora at Agnes ay siguradong siya ang mahuhuli ng mga ito. Dahan-daha ang kanyang pag-akyat at paglambitin sa mga sanga para hindi siya mahulog. Isang maling hakbang at hawak niya ay paniguradong kapahamahakan ang aabutin niya sa ginagawa niyang ito. Mabuti na lamang at sanay siyang umakyat sa puno ng mangga dahil palagi naman niya itong ginagawa noon pa. Sa tuwing namumunga kasi ang puno ay nangunguha ang mga kasamahan nila sa bahay kaya napapasali na rin siya. Minsan pinapagalitan pa nga siya noon. Ngunit ngayong malaki na siya. Siya na ang parating inis at galit sa mga ito. Nakatawid si Elena sa kabilang sanga. Diri-diretso na ang kanyang galaw hanggang sa nasa kabilang puno na siya pababa. Ligtas siyang nakababa at nakalabas sa gate. Inayos niya ang kanyang sarili at inilabas ang pabango. Sinadya niya talagang hindi gumamit ng pabango sa loob ng bahay kanina para walang makaalam na umalis siya. Nagmamadali siyang umikot ng lakad sa kanilang bahay dahil damuhan ang likod niyon. Nang nasa harap na siya at lakad-takbo siyang umalis. Sa hindi kalayuan sa kanila ay may taxi na dumaan kaya iyon ang kanyang pinara at sumakay roon. “Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng taxi drayber sa kanya. “Sa bagong club kuya. Sa Men’s Club ba ‘yon?” hindi siya sigurado dahil chika lang naman iyon sa kanya ng mga kasamabahay. “Sige po Ma’am,” ani nito. Hindi na alintana ni Elena ang taxi drayber at ang pagpapatakbo nito. Inayos niya ang kanyang sarili at kinuha isa-isa ang mga dumikit na dumi sa kanyang damit na nagmula pa sa pag-akyat niya kanina sa malaking puno. “May dahon po sainyong buhok, Ma’am.” Napangiti ang drayber nang tingnan siya nito sa salamin. “Naku Kuya, alam ko iyang iniisip mo. Hindi ako tumakas. Sadyang maraming halaman sa aming bahay kaya may dahon sa buhok ko.” “Hindi niyo naman po kailangan magpaliwanag Ma’am at alam ko na po ang gawain ninyong mga dalawa na anak ng mga mayayaman. Tumatakas kayo gabi-gabi para makipagsaya sa mga club at bar.” “Hindi lang po ako ang na-encounter ninyo na ganito?” curious niyang tanong. Pangalawang beses na itong ginawa ni Elena ngunit hindi ang taxi na ito ang kanyang sinakyan. Iba iyon at walang dahong sumama sa kanya. “Marami po kayo actually pero mag-iingat nalang po kayo sa susunod Ma’am baka iba ang makakita sainyo at malagay pa kayo sa alanganin. Ibang panganib ang dala ng gabi para sainyong mga babae. Kaya kung ako sainyo ay mas agahan niyo nalang ang pag-alis huwag itong magmamadaling araw na.” “Ganitong oras po ba kayo namamasada?” curious niyang tanong. “24 oras po ako. Minsan sa taxi na ako natutulog.” “Kung ganoon ay bigyan niyo po ako ng numbero ninyo kapag tumakas ako sa amin ay kayo ang aking iku-contact para ihatid ako kung saan ko gusto. Sainyo na rin ako sasakay pauwi,” aniya. “Wala po iyang problema, Ma’am. Mamaya po ay ibibigay ko sainyo. Nagmamaneho pa kasi ako, e.” Hindi na muna kinausap ni Elena ang drayber at hinayaan niya lang itong magmaneho. Itinuon niya na lamang ang sarili sa kanilang mga nadadaanan. Gabing-gabi na ngunit sobrang dami paring sasakyan. Siguro kagaya niya ay gumala ang mga tao ngayon. Masarap din naman kasing mag-hang-out sa gabi kaysa sa umaga.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD