"AS you already know, this is Mr. Robert de Antonio, he's currently the Governor in Sta. Monica. Pagmamay-ari ng pamilya nila ang ilang legal and illegal casino na located sa Sta. Monica pati na rin sa iba pang kalapit bayan nito na pinapatakbo niya at ng anak niya. And speaking of his only son, Mikhail de Antonio, currently the Mayor of their town. Engaged na ito sa long-time girlfriend na si Trixie Lim."
Nabi sipped a wine from her glass. Mataman siyang nakakikinig kay Bryan, personal private investigator ito ni Bullet at matalik na kaibigan ng lalaki. He's also a good friend of hers. Isa-isa nitong ipinapaliwanag sa kaniya ang mga impormasyon na kakailanganin niya sa muli niyang pagbabalik sa Sta. Monica.
"How about the Governor's wife?" tanong ni Nabi sa lalaki.
"She's same as before, a social butterfly. Loving her fancy clothes, bag and shoes. Mahilig pa rin makipag sosyalan sa mga katulad niyang nasa alta-sosyaledad." ipinagpatuloy ni Bryan ang mga paglalahad ng ilang backgrounds tungkol sa mga de Antonio na idinagdag nito sa mga naunang ibinigay na info sa kanya.
"Are you sure that you can take care of them, Nabi? We can easily kill them with a single snap of my fingers if you want. May mga kilala ako na magagaling na hitman." ani Bryan sa kanya.
She smirked to the man infront of her.
"You know me. Ayoko naman na mamatay sila ng ganoon kadali, I want to see them suffer. Nag-promise rin ako kay Bullet na I won't kill anyone." nginitian niya si Bullet na nakaupo sa tabi niya.
And seeing the de Antonio's die easily? That's so boring. Hindi rin siya katulad ng pamilya na iyon na mamamatay-tao. At isa pa, unfair naman sa parte niya kung madali lang ang mga taong iyon na mamamatay. She wanted to see them wreck and suffering.
"If that's what you want, Natalia." nakangising saad ni Bryan sa kanya. Napailing na lang si Nabi.
"How many times do I have to tell you that don't call me that name anymore?" half-meant na biro niya sa lalaki. Matagal ng patay ang katauhan niya na iyon simula nang sirain ng mga de Antonio ang buhay niya.
Natalia Beatrice Isagun. She's just a simple girl ten years ago. Nerd, panget, boring at mataba siya sabi nga ng iba kaya siya hindi pansinin. She's an introvert and wallflower. Wala rin siyang kaibigan. Bahay-school lang ang buhay niya. Mas gugustuhin pa niya tumambay sa library kaysa mag-party.
But despite of that, she had a loving parents. Her mother was a doctor while her father was a businessman. Her parents were both philanthropist, mahilig tumulong sa mga mahihirap at nangangailangan. And Nabi was so lucky to have a parents like them. Mahal na mahal siya ng mga magulang at mahal na mahal din niya ang mga ito.
Hanggang sa isang araw, hindi siya makapaniwalang pinansin siya ni Mikhail de Antonio na itinuturing na campus crush sa school nila. Ipinagtanggol siya ng lalaki sa mga nangbu-bully sa kanya. She can't believe that he recognizes her hanggang sa umamin ito na may 'gusto' raw ito sa kanya at willing itong ligawan siya.
At first she was hesitant. She tried to avoid Mikhail but he's so persistent. Nabulag siya ng ipinakita nitong kabaitan sa kanya.
Dahil uto-uto at tanga pa siya ng mga panahong iyon, sinagot niya ang lalaki. But it turns out na palabas lang pala ang lahat ng ipinakita nito. It's all about a bet. Ipinahiya siya ng totoong girlfriend nito na si Trixie sa buong school nila.
Hindi pa doon natapos ang kalbaryo niya maging ang ginawa ng mga magulang ni Mikhail sa pamilya niya.
Kulang pa ang buhay ng mga ito sa pagsira sa kaniya. Gusto niyang pahirapan ang mga ito sa sarili niyang mga kamay. She wants to see them suffering because of her.
Wala na ang dating Natalia. She's dead. Kasama na rin siyang pinatay ng mga de Antonio kasama ng mga namayapa niyang mga magulang. She's now Nabi Roman.
"I'm just kidding, Nabi. But if you want some back-up, always remember that I'm one call away."
"f**k-off dude. Ako na ang bahala kay Nabi." iritableng saad ni Bullet. Nabi giggled because of scowl in Bullet's face. Magkasalubong ang kilay nito, halatang naiinis kay Bryan. Itinaas naman ng huli ang dalawang kamay na tila tanda ng pagsuko.
"Damn, that's the power of green monster." nakangising saad ni Bryan kay Bullet habang may nang-aasar na ngisi na naglalaro sa mga labi nito.
"'Tangina mo. Ipadala mo na lang yung ibang documents na kailangan ni Nabi. Let's go, baby." kinuha ni Bullet ang mga hard copy ng mga information na galing kay Bryan saka nito hinawakan ang kamay niya palabas ng opisina ng lalaki. Lumingon naman siya kay Bryan na nakangisi pa rin habang nakasunod ng tingin sa kanila. Nakangiting kumaway siya sa binata bilang paalam. Nakangiting kinawayan din siya nito.
Tahimik lang siyang nakasunod sa bawat hakbang ni Bullet hanggang sa makarating sila ng binata sa kotse nito. "Kailan mo balak pumunta sa Sta. Monica?" basag ni Bullet sa katahimikan na namayani sa kanila nang makapasok sila sa sasakyan.
"I'm planning to go there next week." sagot niya habang nakatanaw sa labas ng bintana.
"It's all settled then, Naayos ko na ang bahay na ipinabili mo. I even hired some gurads and maids to assist you."
She stared to Bullet, especially his chocolates brown eyes. Gustong-gusto niyang tinitignan ang mga mapupungay na mata nito. He's so handsome, napakalakas pa ng dating nito. She knows that kahit napaka playboy ng lalaki, he has a good heart. Kaya nga she's always telling to herself that she's so lucky to have him.
"Hi..."
Mula sa pagkakatanaw sa malayo sa labas ng bintana, tinapunan ng tingin ni Na ang lalaking nakatayo malapit sa paanan ng kama kung saan siya nakaupo.
"W-who are you?" tanong niya sa lalaki.
"I'm Bullet. Bullet Roman. Ako ang nagdala sa'yo dito sa shelter matapos kitang makita na walang malay malapit sa bangin sa Sta. Monica."
Sukat sa narinig, unti-unting namasa ang mga mata ni Na. She remember again what happen to her and to her family. Matapos mamatay ang mga magulang niya sa sunog, siniraan pa ng asawa ni Mayor Robert de Antonio na si Leonora de Antonio ang ama niya sa mga tao sa Sta. Monica.
The first lady said that her father was a r apist. Pinagtangkaan daw ng ama niya ang ginang na gahasain. Nagbayad pa ang babae ng mga tao para maging witness sa ginawa raw kuno ng ama niya. But it was all lie. Natalia knows her father so much. She saw how he love her mother so much. Kahit kailan, hindi tumingin sa iba ang ama niya. May mga naniwala, pero alam niyang may ilang tao rin na hindi naniwala sa paratang ng babae. Kabilang na doon ang mga tauhan na ilang taon na nanilbihan sa pamilya nila.
At hindi na siya magtataka kung ang mga de Antonio's din ang nagpasunog at pumatay sa mga magulang niya. Wala siyang ebidensya pero sigurado siya dahil ang mga ito lang naman ang motive para ipapatay ang mga magulang niya.
Natalia's father was planning to run as a governor of Sta. Monica that time, at dahil malakas ang hatak nito sa masa bilang pilantropo, malamang ipinatumba na rin ng mga de Antonio's ang mga magulang niya, especially her father.
Pero sagad talaga sa buto ang kasamaan ng mga de Antonio. That night, matapos mailibing ang mga labi ng magulang ni Nabi, pinasok ang bahay na isa sa pagmamay-ari ng pamilya niya kung saan na sila nakatira ng mga armadong lalaki. At sa lahat ng nangyayari sa pamilya niya, alam niyang may kinalaman doon ang mga de Antonio.
"S-sige na hija, tumakas ka na!"
Umiiyak na umiling si Natalia kay Manang Julie, "H-hindi manang. Hindi kita iiwan dito, let's go, come with me—"
"Huwag na matigas ang ulo, Natalia. Ako na ang bahalang magligaw sa mga lalaking iyon, sige na. Umalis ka na. Iligtas mo ang sarili mo!" hindi na napigilan ni Natalia ang matanda nang tumakbo ito palayo sa kanya. Nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril, umiiyak na tumakbo na rin paalis sa lugar na iyon si Natalia. She keep running, and running. Hanggang sa mawalan na siya ng malay.
At nagising na nga lang siya na nasa lugar na iyon. When she regain her consciousness matapos ang ilang buwan na pagiging tulala, nalaman nga siya na nasa isang shelter siya sa Maynila na tumutulong sa mga biktima ng abuse na katulad niya.
"I'm here to help you, Natalia," saad ni Bullet na pumutol sa pagbabalik-tanaw sa lahat ng nangyari sa kanya, "If you want, tutulungan kitang makapagsimula ulit, tutulungan kitang—"
"Gusto kong gumanti sa mga taong sumira sa buhay ko," naluluha niyang sinalubong ng tingin ang lalaki, "Matutulungan mo ba ako?"
Hindi agad nakasagot si Bullet. Ilang minuto siya nitong tinitigan bago ito tumango, "Of course, Natalia. I'm willing to help you..."
"Bullet..." Nabi mumbled. Malalim siyang napabuntong-hininga kasabay ng pagkaputol ng mga daloy ng nakaraan sa isipan niyam Sandali namang lumingon ang binata sa kanya bago muling itinuon ang tingin sa daan.
"Hmm?" he said. She sighed.
"Why are you still helping me? alam mo naman na pwede ka ring mapahamak sa mga gagawin ko diba?"
The de Antonio's, hindi birong kalaban ang mga ito pero handa na si Nabi. Ang ayaw lang niya ay mapahamak si Bullet sa mga gagawin niya. He tried to stop her, pero nang makita ng binata na hindi talaga siya nito mapipigilan sa mga plano niya, he had no choice but to support her.
Inihinto ni Bullet ang kotse sa gilid ng daan. Kinuha nito ang kamay niya at ipinagsalikop sa kamay nito, he look into her eyes, "Ilang beses ko nang nasabi sa'yo diba? I'm seeing myself to you years ago, noong walang awa rin na pinatay ng mga kalaban sa negosyo ang mga magulang ko. I know what it feels like, the hunger for justice for your beloved ones. Kaya kahit tutol ako sa mga plano mo, I'm still helping you kasi ayaw kitang mapahamak. I want you to know that I'm here, beside you sa lahat ng bawat hakbang na gagawin mo."
Hindi na napigilan ni Nabi ang sarili, niyakap niya si Bullet, niyakap din siya pabalik ng binata, "Thank you so much," she muttered, "What am I going to do without you?"
She's really thankful to have a person like Bullet on her side.