PAGMULAT ni Mari sa kanyang mga mata bumukad sa kanya ang maamong mukha ng lalaking pumukaw sa puso niya. Ang lalaking tumupad sa pangarap niya at higit sa lahat ang lalaking ng paramdaman sa kanya na deserving siya mahalin at alagaan. "Goodmorning," mahina ang boses na bati nito sa kanya. Napakurap-kurap naman siya at napatitig sa mala dagat nitong mga mata, napa bangon siya nang maalala niya ang pangyayari kagabi. "I-I need to go home," natatarandang bulalas niya at akmang aalis sa kama pero hinila ng lalaki ang kamay niya at niyakap siya mula sa likod. "I can't stay here, m-my husband Chan will—" Naputol ang sasabihin niya ng hinawakan ni Mikael ang baba niya at hinuli ang labi niya. Sa gulat ay nanigas siya sa kinakaupuan niya. "Don't worry, sweetheart, nakausap na kagabi ni Cyre

