Napa balik siya sa realidad ng nararamdaman niyang tumigil sila sa paglalakad. "So, ano gusto niyong una natin gagawin?" nakangiting sabi ni Lara buhat nito ang babaeng anak habang kay Maximo ang lalaki. 7 pm ng gabi pa lang 'yon pero madilim na ang paligid na lalo ng paganda sa tanawin ng Enchanted Kingdom. There's a light everywhere na nagpadagdag sa angking ganda ng lugar. Napatingla siya nang maramdaman niya ang pag hawak ni Mikael sa kanyang kamay. "Are you okay?" mahinang tanong nito. Ngumiti siya. "Oo naman, bakit?" Napatitig ito sa kanya tila ba sinusuri siya nito kung totoo ba ang sinasabi niya. "Guys, ano na? Saan tayo mauuna? Rides or games?" Napakurap siya nang marinig niya uli ang boses ni Lara. Akmang hihilahin niya ang kamay mula sa pagkahawak ni Mikael ngunit hind

