"Malapit na ako." Pagkatapos itipa ni Freya ang mensahe na iyon sa kanyang cellphone ay agad niyang ipinadala iyon kay Ylac. Nagtext na naman kasi ito sa kanya, tinatanong kung nasaan na siya. Si Ylac ang nagtext sa kanya kanina. Pinapapunta siya nito sa opisina nito. Tinanong niya ito kung bakit, pero ang tanging sagot ni Ylac sa kanya ay pumunta na lang siya at huwag siyang magtanong ng magtanong. At dahil gusto naman niyang makita si Ylac sa sandaling iyon ay hindi na siya nagtanong pa. Sinabi na lang niyang pupunta siya. At dahil malapit na ring magtanghali ng magtext si Ylac sa kanya ay napagdesisyon niyang ipagluto ito ng lunch at dalhin iyon sa opisina nito. Huminga ng malalim si Freya ng nasa tapat na siya ng YB Jewelry. Tiningnan din niya ang hawak na paper bag bago siya pumaso

