"'Asan ka ba?" Hindi maampat ang mga luha sa mga mata ni Jennie. Sisinghot-singhot niyang hinahanap ang nobyo sa paligid. Lakad-takbo siya kung saan-saan. Para na siyang baliw sa kanyang ginagawa pero wala siyang pakialam. Ang nais niya ay makita ngayon si Jordan dahil kung hindi ay mababaliw na siya nang tuluyan. Hirap na hirap na siya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang puso sa sobrang sakit. Gusto niya ngayon ay makausap ang nobyo. Ngayon na! Ngunit napagod lang siya sa ginawa. Nagmukha lang siyang baliw na kulang na lang ay katukin niya ang mga nakapradang mga kotse sa paligid. Alam niya at ramdam niya nasa malapit lang niya si Jordan. Sigurado siya! Subalit wala siyang choice kundi ang nanghihina siyang bumalik sa malaking bakal na gate ng kanilang paaralan. Ni anino ay wal