UNANG YUGTO :: PART 12

1191 Words
Malalaki ang mga hakbang na pumasok si Jennie sa restaurant kung saan nabangga niya noon si Jordan. Ito ang place na nakasulat sa note na nakadikit sa bulaklak kahapon na ibinigay ng binata. Nakasaad doon na kung puwede ay magkita sila ngayon. Ewan niya kung bakit, pero malamang para makipagkaibigan at sa huli manliligaw. Kabisado na niya ang kilaw ng mga bituka ng mga lalaki. At isang desisyon ang kanyang napagpasyahan. Ayaw niyang paasahin ang binata. Hindi porke't tutulungan nito ang kanyang Daddy ay puwede na itong manligaw sa kanya o makipagkaibigan man lang. No way! Dahil ayaw niya ng kaibigan na mayabang. Saka 'di niya talaga ito type na maging kaibigan. Agad niyang nakita si Jordan doon, nasa pinakasulok nakaupo. Saglit siyang natitig dito habang hindi pa siya napapansin nito. Nagtataka kasi siya, eh. Sa guwapo nito ay bakit sa kanya pa ito nagka-intiresado? May pabigay-bigay pa ng bulaklak. Tss. Well, tinatanong pa ba 'yon? Maganda siya syempre. Nag-wave siya ng buhok. At nang madako na ang tingin ni Jordan sa gawi niya ay pamarcha na siyang pumasok. Tumayo naman agad ang binata. "Hi!" ngiting bati nito sa kanya nang makalapit siya ng husto rito. Pero tinaasan niya agad ito ng isang kilay. "Bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" tanong niya saka pumanaywang. "Why's it bad?" takang tanong din ng binata. "Oo! Dahil wrong timing ka!" Jordan fierce eyes narrowed on her. "Liliwanagin ko sa'yo, ha? Puwede tayong maging magkaibigan tulad ng mga Daddy natin pero never mo akong puwedeng ligawan! Kaya 'wag mo na akong bibigyan ng mga kung anu-ano!" "Wait, did I tell you that I will court you?" Napahiya siya konti pero paninindigan na niya ang katarantadahan niya. "Suss! Kunwari ka pa! Pero ito sinasabi ko sa'yo wala kang pag-asa sa'kin dahil may mahal na akong iba!" "Really?" Jordan simply murmured as he shoved his hands in his pockets. Mukhang hindi naniniwala ang loko. "Oo! At bahala ka kung ayaw mong maniwala!" "Okay. So, who's the lucky guy then?" Napatingin siya sa mata ni Jordan. Ano naman ngayon kung aaminin niya rito kung sino ang mahal niya? Okay nga 'yon para una palang ay malaman na nitong wala na itong pag-asa sa kanya. She crossed her arms and eyed him for a moment. "I'll tell you, but don't say to him and to anyone!" Jordan nodded with a bit pout. "Si Paul!" alinlangan man ay taas-noo na niyang pag-amin. Bahala na. Hindi naman nakaimik si Jordan. Lumaki lang konti ang mga mata nito at umawang ang labi unti-unti. ••• Tinutuktok ni Jennie ang kanyang ballpen sa kanyang desk habang nasa pintuan ang kanyang tingin. Hindi siya mapakali. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanilang klase pero wala pa rin si Paul. Nakagat niya ang dulo ng kanyang ballpen nang makita na niya ang kanilang prof. Magsisimula na ang kanilang klase pero wala pa rin ang binata. Absent ba siya? Bakit? Baka may sakit? O baka naman tama ang sinabi ni Rose na imposibleng hindi mabanggit ni Jordan kay Paul iyong inamin niya? Aisstt! Sabi na nga ba niya at 'di mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon! Kainis! Napukpok niya ang ulo. "Ang tanga-tanga mo kasi!" At sisi niya sa sarili. Syempre magpinsan ang dalawa, syempre masasabi talaga ni Jordan kay Paul ang inamin niya. Naku naman! Bakit ba hindi siya nag-isip kasi?! Gustong niyang mag-iiyak. For sure lalong iiwasan na siya ni Paul nito. Kikibot-kibot ang mga labi na nilingon niya sa kanyang likod si Rose. Naghahanap siya ng kakampi. "Wala siya," aniya na maiiyak. "So?" kunot-noo si Rose, wala itong pake. Dahil kagabi pa lang ay gusto na siyang batukan nito dahil sa inamin din niya na gusto na niya si Paul. Oo, gusto na niya si Paul. At wala rin siya pake sa sasabihin ng mga tao. Eh, sa gusto na niya 'yung tao, eh. Ang tinibok ng puso niya ay si Paul kaya may magagawa ba siya? "Wala ka bang number sa kanya?" "Lakas ng tama mo! Syempre wala, noh! Jennie, umayos ka nga! Ano bang nakita mo ro'n?!" iritang wika ni Rose sa kanya. Tumalikod na lang siya na mahaba ang nguso. Ayaw niyang makipagtalo na naman kay Rose, paulit-ulit na lang sila, eh. Pagdating kay Paul ay hindi niya talaga maasahan ang dalawang kaibigan. Palibhasa ay si Jordan ang gusto nila para sa kanya. Kagabi nga ay muntik pa siyang sakalin ng dalawa nang sinabi niyang binasted na niya si Jordan. Kulang na lang ay mag-rally na sila sa labas ng boarding nila. Mga anti-Paul ang mga gaga! Pero wala siyang pakialam. Ano'ng magagawa niya kung kay Paul tumibok ang kanyang puso? Kasalanan ba niya kung na-develop siya sa isang baduy? At na-inlove siya na lang basta sa lalaking galing yata sa lumang panahon? Hindi naman, 'di ba? Konting make-over lang naman kay Paul, eh, for sure guwapo rin naman ito. Hindi lang magaling pomorma kasi. Kaya handa siyang turuan ito. Handa siyang ipaglaban ito. Nakalahati na sila sa klase pero wala talagang Paul na dumating. Puwede nang talian ang nguso niya sa pagkakasimangot......... Mayamaya ay may narinig silang kaguluhan sa hallway ng kanilang school. Napalingon siya sa labas ng kanilang classroom, pati na ang kanyang mga kaklase. "Ano 'yon?" kalabit ni Joyjoy sa balikat niya. Kibit-balikat siya. Malay niya. "May artista ba?" nagkanda- haba-habang leeg ni Rose na tanong. Napaismid siya. Siya talaga ang tinatanong? Mga gaga talaga! "I don't care kung sinong artista pa ang dumating! Gusto ko si Paul ang dumating!" pagtataray niya. Bahagyang tulak si Rose sa ulo niya. "Tse! Kadiri ka!" Inirapan niya ang kaibigan. Pagkuwa'y inabala na lang niya ang sarili sa pagsusulat sa desk ng kanyang upuan. Nag-vandalism na siya. Wala siyang pakialam. Natapos na ang kanilang pangalawang subject ay wala pa rin si Paul. Lilipat na sila sa ibang classroom para sa susunod nilang subject nang may i-announce ang kanilang guro. Lahat daw ng estudyante ay kailangang pumunta sa gym ng kanilang school dahil may bisita raw sila. Si Mayor Fernandez! Magdo-donate raw ng isang calssroom ang Mayor sa kanilang school! Tinungo nila ang gym na tatlo. Super excited ang lahat maliban sa kanya. Pero nagulat siya nang mahagilap sa mga mata niya ang kanyang Daddy, kausap ito ni Jordan! Agad na nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Napatingin ang Daddy niya sa kanya. Naramdaman na siguro nito ang prisensiya niya. Ngumiti ito sa kanya at senenyasang siyang lumapit siya rito. Patakbong nilapitan nga niya ang ama at niyakap niya ng mahigpit. "Dad, nakalaya ka na pala?" Masaya namang nagkakasikuan sina Joyjoy at Rose nang makita nila ang eksena ng mag-ama, hinayaan muna nila ang kaibigan. "Oo anak, kahapon lang. Hindi ko masabi sa'yo kasi hindi ko alam kung paano kita kukuntakin at hindi ko naman alam kung saan ka na ngayon nakatira," paliwanag ng kanyang Daddy. "Masayang-masaya ako, Dad!" Yakap ulit siya sa ama. "Pinuntahan mo na ba sina Mommy at Lola?" tanong niya nang kumalawa siya sa pagkakayakap. Ngiting tumango ang kanyang Daddy. "Doon ako dineretsong dalhin ni Jordan nang makalaya ako." Napatingin siya sa binata na abala sa pakikipag-usap sa bodyguard. Napangiti siya rito nang magtama ang kanilang mga mata..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD