UNANG YUGTO :: PART 14

1083 Words
Pabalibag na sinara ni Jordan ang pinto ng kanyang kotse. Nagulat pa si Wilson sa biglang pagsulpot niya. "Oh, bakit narito ka na, Sir?" takang tanong ng binatang driver sa kanya. "Ikaw ba namang bugahan ng tubig sa mukha! f**k!" he snorted. Badtrip na batrip ang kanyang mukha. Napanganga si Wilson. No'n lang nito napansing basang-basa nga pala ang mukha ng amo. "Humanda sa'kin ang babaeng 'yon! She will pay for this!" nanggagalaiting wika niya pa. Kinuha ni Wilson ang tissue at iniabot sa kanya. "Bakit anong gagawin mo, Sir?" He smirked. "From now on hinding-hindi na ako magiging si Paul!" Hindi umimik si Wilson. Nahiwagaan o naguluhan yata ito sa sinasabi niya. "In love si Jennie sa'kin, pero hindi bilang ako kundi bilang si baduy na Paul! Anong klaseng babae siya?! She's damn crazy!" Namilog ang mga mata ni Wilson. "Paano naman 'yon mai-in love sa baduy mong hitsura, Sir?" "I don't fuckin' know! Maybe she's really out of her mind! Nakakainis siya! 'Di ba dapat sa hitsura kong ito siya mai-in love?! Hindi sa hitsura kong baduy?! I really don't understand her!" "Ibang klase palang babae 'yung Jennie na 'yon, Sir!" "Sinabi mo pa! Imagine inaayawan niya ang guwapo kong mukha! Eh, pa'no na lang pala kung ibang tao 'yong Paul?! meaning karibal ko ang isang baduy na lalaki?! Hell! I can't imagine!" "Wala kang magagawa, Sir. Baka hindi panlabas na anyo ang tinitingnan ni Miss Jennie. Saka Sir, wala namang problema, kasi ikaw rin naman si Paul. Napakasimple po, sabihin mo lang sa kanya na ikaw rin si Paul. Tapos agad ang problema mo, Sir." He shook his head. "NO!" and he said in a deadly tone. "I'll punish her! From now on I will never be Paul! Sunugin mo mamaya 'yung mga gamit ko bilang si Paul! Let's see what she will do!" nagngingitngit na wika niya pa. Kibit-balikat na lang si Wilson. 'Di na ito umimik. Bahala ang amo nito kung anong gusto nitong gawin. ••• "Absent pa rin siya?" nalulungkot na usal ni Jennie nang matanaw niya mula sa pinto ng kanilang classroom ang upuang bakante ni Paul. Umasa siya kasing makikita niya na ngayon ang binata, pero wala pa pa rin pala. Mahaba ang kanyang nguso na humakbang papunta sa kanyang upuan. Nakita niyang kinayawan siya nina Joyjoy at Rose na nakikipagchismisan sa mga kaklase nila pero 'di niya ito mga pinansin. Wala siyang ganang umupo sa kanyang upuan at tahimik lang doon. Napapabuntong-hiningang napapatingin na lang sa katabi niyang upuan. Tatlong araw nang absent si Paul. Nasa'n na kaya lalaking iyon? Papasok pa kaya? "Ang lungkot mo," bulong ni Rose sa kanya na nasa likuran na niya. Tapos nang makipag-chismisan. "Huwag mo na lang ako pansinin," matamlay niyang sagot. "Don't worry, Sis, papasok din siya. Gano'n talaga ang mayaman. Papasok kung kailan nila gusto," pampalubag-loob ni Rose sa kanya. Mula naman sa harap niya ay nilingon siya ni Joyjoy at hinawakan nito ang kamay niya na nakangiti. Pinilit niya itong nginitian. But deep inside gusto niya itong mga sabunutan. Ngayong wala na si Paul saka ito mga naging pro-Paul. Mga balimbing! Kung sana noon pa siya sinuportahan ng mga ito, eh 'di sana mas masaya. Pero na-touch din siya kahit paano kasi gano'n pa man ay inuunawa siya ng dalawang kaibigan niya sa kabila ng pagiging praning niya. Nag-umpisa na ang kanilang subject nang pumasok bigla ang kanilang Dean. Napatayo silang lahat bilang paggalang pero sumenyas ito na umupo ulit sila. "Good morning class! I'm here to announce that from now on Mr. Jordan Fernandez will be your classmates. He is the son of our beloved Mayor Fernandez," at masiglang balita nito. Shookt na nagpalakpakan ang mga studyante, ang iba kinilig, ang iba nagbulungan. Siya lang ang walang reaksyon. Deadma. Paano naman siya magiging masaya kung araw-araw na niyang makikita ang mayabang na Jordan na iyon? Mayamaya pa'y nakita na nga nilang pumasok sa kanilang classroom ang guwapong binata. Tilian na talaga ang mga kaklase niya. Akala mo'y may dumating na K-pop. Tss. Siya ay napayuko naman ng ulo. "Bakit dito pa siya mag aaral?! Kainis!" Pasimple niyang kinuha ang notebook at itinakip sa mukha. Hindi na niya nakita ang makahulugang sulyap sa kanya ni Jordan. Tikas na tikas na nakatayo ang binata sa harapan ng klase. Ngumisi ito nang makita ang pilit na pagtatago ng dalaga. Kagat-kagat naman ni Jennie ang kanyang pang-ibabang labi habang kunwari ay nagbabasa siya. "Ghad, sana hindi siya dito sa tabi ko uupo. Madami namang bakanteng upuan." Wala siyang kamalay-malay na kinikilig ang buong klase sa kanila ni Jordan. Palipat-lipat ang mga tingin nila sa kanila dahil batid naman ang lahat ang panliligaw ni Jordan sa kanya dahil sa bulaklak noon sa canteen. Tapos ay nakakakilig kasi ang tingin ni Jordan sa kanya na hindi niya alam kahit na tinatago niya ang mukha sa notebook. Parang excited ang lahat kung anong susunod na kabata sa kanilang dalawa pagkatapos niyang bastiden ang guwapong si Jordan. "Akala mo matataguan mo ako!" sa isip-isip naman ni Jordan. Tumikhim ito sa Dean na katabi at may ibunulong ito. "Ma'am, I think may dinaramdam po 'yong isang magiging kaklase ko. The girl that covers a notebook on her face." Tumango ang Dean na napatingin kay Jennie. "Uhmm.. Miss na naka-red. Is there a problem?" Biglang tingin si Jennie sa damit niya. Siya ba 'yung tinatawag ng kanilang prinsipal? Napangiwi siya. Hindi naman siguro. Madami namang naka-red shirt yata kanina na classmate niya. "Bakit ka nagtatakip ng notebook sa mukha?" Ang kanilang Dean ulit. Namilog na ang mga mata niya. Baba na siya agad sa notebook. Siya nga ang kinakausap ng Dean. Shete! "You okay?" tanong pa ng Dean sa kanya "Ye--yes, Ma'am," nahihiya niyang tugon sabay tayo. Makikita sa mukha ni Jordan ang pigil na tawa nito. "You sure, iha?" paniniguro pa ng principal sa kanya. "Uhmm... yes po, Ma'am," kiming sagot pa rin niya kahit na hindi na siya okay. Hindi na siya okay dahil nag-iinit ang ulo niya sa pagmumukha ni Jordan. Mamaya lang ito sa kanya! Gigilitan niya ito ng leeg! "Eh, bakit nagtatago ka sa notebook mo? Are you sick?" "Ma'am, baka nahihiya kay Jordan kasi binasted niya kasi dahil kay Paul! Siguro na-realize niya na ang guwapo pala ng binasted niyang lalaki!" singit na malakas na sabi ng isang kaklase nila na sinundan ng tawa. She almost swooned. 'Yung hitsura kasi ng Dean ay 'di makapaniwala at palipat-lipat na ang tingin sa kanila ni Jordan. That was just so embarrassing!.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD