UNANG YUGTO :: PART 5

1263 Words
"Hi!" masiglang bati ni Jennie sa binatang si Paul. Sinabayan niya kasi ito ng lakad. Napatingin din naman ito sa kanya nga lang dineadma lang siya ulit nito. Inayos ang salamin sa mata at muling nagpatuloy sa paglalakad. Inhale-exhale muna siya. Relax. Pinayapa niya ang sarili. Pinaypaypaypay niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Gusto niyang mainis sa hindi pagpansin sa kanya ni lumang tao pero dahil ito ang kanyang magiging future boyfriend ay pagpapasensyahan na lang niya muna. Pinilit niyang ngumiti, 'yung hindi mahahalatang plastik saka hinabol niya ang supladong binata. Oo, nakalayo agad. Ang bilid ng lakad, eh. "Pasalamat ka at mayaman ka!" she mumured in her mind tapos pasimpleng irap din siya kay Paul nang masabayan niya ulit ito ng lakad. Pero mabilis din niyang inayos ang mukha nang bahagyang lingain siya ng binata. Isang pagkatamis-tamis na ngiti ang mabilis niyang naipalit na ekspresyon ng mukha niya. Napailing lamang naman ang binata. Marahil ay nagtataka ito sa kinikilos niya, sa pagpipilit niya na maging magkaibigan sila. Sa totoo lang nais naman niya talagang maging friend si Paul, hindi lang sa nais niya itong utakan o maging boyfriend. Kasi naaawa rin siya dahil hindi man lang ito mga pinapansin ng mga kaklase niya. Actually, inis ang lahat kay Paul. Dapat daw si Jordan ang kaklase nila hindi ito. Walang imikan na tinungo nila ang canteen ng paaralan. Napakamot-batok siya. Canteen na naman?! 'Di ba puwedeng sa library o kaya sa gymnasium na lang ang punta? Mapapagastos na naman siya nito, eh! Kainis! But no choice siya, pumasok na si Paul sa canteen, eh. Nakangiwi at kakamot-kamot na lang siya sa batok niya na sinundan niya na lang ito. Um-order si Paul, ginaya niya ito. Kung ano ang binili nito ay siya ring binili niya. Napapatingin na lang sa kanya si Paul, ngumungiti naman siya rito with matching wink-wink pa. Umupo sila sa dating puwesto nila. Tahimik na kumain ang binata na parang walang kasama. Patingin-tingin naman siya rito habang kumakain din. Minsan nahuhuli ni Paul ang pagsulyap-sulyap niya pero kunwari ibinabaling niya ang tingin sa ibang banda. Nagpapapansin lang. "Alam mo may nagka-crush sa'yo na clasmate natin," tapos ay 'di na nakatiis na basag niya sa katahimikan nila. Kailangang may mapag-usapan na sila, saying ang oras. Natigilan sa pagnguya si Paul pero saglit lang dahil pinagpatuloy ulit nito ang paglamon. Ni hindi nag-abalang tumingin. Pinandilatan niya ang binata. Sarap tusukin ng tinidor sa kasupladuhan! Buti sana kung guwapo! Panget naman! Tse! Siya rin ang sumuway sa kanyang sarili. Paano na ang plano niya kung magpapadala siya sa inis? 'Di baleng magtiis siya sa paghahabol dito at least magkakapera naman siya balang araw. Si Paul ang mag-aangat ulit ng kanyang buhay kung sakali. Kaya tiis-tiis lang! "Oo nga!" tawang sabi pa niya. Pinasaya niya ang boses. "Sinabi niya sa'kin! Guwapo ka raw kasi, pero don't worry maganda rin naman siya, kasing ganda ko! Ha-ha!" Napaangat-ulo ang kausap. "Nandito ako para mag-aral. Wala akong oras sa mga ganyang bagay," tapos anito sa kanya na napakaseryoso. Natulala siya pero hindi dahil sa napahiya siya, dahil sa wakas kinausap na siya. May pag-asa na! Yes! Gusto niyang magsasayaw sa kasiyahan! Ayos! "Ah...eh.. Okay lang 'yan crush lang naman, eh." Kindat niya rito na abo't hanggang tainga ang ngiti na niya. "Bahala ka," tipid na sambit ng binata. Tinungga nito ang tubig. Napa-Yes! ulit siya loob-loob niya. Sign na 'to na umaamo na sa kanya si Paul. Thank you, Lord! Konti na lang magiging kaibigan na niya ito. At 'pag naging kaibigan niya, mai-in love ito sa kanya, at 'pag niligawan siya sasagutin niya agad, at magiging nobyo na niya at 'pag naging nobyo na niya malaki na ang chansa na magiging mayaman na ulit siya. Puwede na niyang ipagamot ang kanyang Mommy at mailabas sa kulungan ang kanyang Daddy. Lihim siyang nagbunyi sa mga naisip. Hindi na siya makapag-antay….. *** "Jennie, papasok na raw si Joyjoy bukas," ani Rose habang nag-aantay sila sa next subject nila. Subalit parang wala siyang narinig dahil tila nasa alapaap siya na nakatitig lang kay Paul na nagbe-busy-busy-han naman sa pagbabasa ng libro. May time na kinukulit din niya si Paul. Kung anu-ano ang hinahawakan niya sa binata, 'yung buhok nito na talagang nakapatag sa noo nito, o kaya naman 'yung salamin nito sa mata. At tinatabig naman siya ng binata at tinitingnan ng masama. Ang sweet pa rin! At least pinansin siya ulit! "Naloka na!" sambit ni Rose na napapatampal na lang sa noo. Nagmukha na siyang alalay rin ni Paul. Kasi ‘pag may nahulog ito ay nakikipag-unahan siya na pulutin. ‘Pag may isusulat sila, siya na ang nagbibigay ng ballpen kay Paul. At sobrang lungkot naman niya at feeling boring kapag hindi sila magka-klase ni Paul. May ilang subject kasi na hindi sakop ng kani-kanilang kurso. Iba kasi ang kurso niya kay Paul. Kung pwede nga lang ay magpalit siya ng kurso, eh. Kaso ayaw naman niya ng kurso ni Paul. Sayang! ••• Pagod ang hitsura ni Jordan na patungo sa kanyang silid pagdating niya sa bahay nila mula sa school. "Sige, sige. Ikaw na ang bahala. Babayaran kita ng malaki 'pag naayos mo na ang pagpapalabas sa kanya sa kulungan." Boses 'yon ng kanyang Dad kaya natigil siya. Suddenly he frowned. Nagka-interes siya. Natigil ang kanyang ginagawang pagtanggal sa uniform sa narinig. At kinabahan siya, mukhang may kabaluktotan na namang ginagawa ang kanyang ama. Minsan kasi ay hindi rin maiiwasan ni Mayor Fernandez na makagawa ng hindi maganda ukol sa pagiging Mayor nito. At iyon ang paminsan-minsang sinisita niya sa kanyang ama hanggat maaari at hangga’t pinapakinggan din siya nito. Ayaw niya kasing matulad ang kanyang Dad sa ibang pulitiko na kinakain ng kapangyarihan kaya imbes na maglingkod sila sa bayan ay ginagamit pa nila ang bayan upang magpayaman. Mommy niya ang noong nakiusap sa kanya na bantayan niya ang kanyang Dad. Dahil kahit paano ay nakikinig din naman daw sa kanya ang kanyang ama. Pinasya niyang pumasok sa kuwartong kinaroroonan ng Mayor. Pagkakita sa kanya ng ama ay magiliw siya nitong nilapitan at sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo natatawa pa ito. Hindi pa kasi niya natatanggal ng as in ang disguise niya. "Iba na yata ang porma mo ngayon, Son?" at tanong nito na nagtataka sa kanya. "It's my way Dad para hindi ako itrato sa school na anak ng isang Mayor," he answered truthfully. Tumango-tango ang kanyang ama. "At baki naman?" Ngumisi siya. “Alam mo na ‘yon, Dad.” Bumuntong hininga ang Mayor. Alam na nga nito iyon dahil noon pa man ay sinabi na niya rito ang balak. Minsan ngang tumanggi ito pero wala naman itong magawa dahil iyon talaga ang nais niya. Ang makapag-aral na walang special treatment. Noon ngang buhay ang mommy niya at kahit guro ito sa isang school ay sa ibang school siya pinapasok ng ina. Kasi ayaw ng mommy niya na maging estudyante rin siya sapagkat ayaw ng mommy na magka-issue ang pagiging guro nito at estudyante niya. "Sino ang pinapalabas mo sa kulungan, Dad?" change topic niya. At kitang-kita niya na natigilan ang kanyang ama pero dikawasa'y tumawa rin ito na parang wala lang. "Pwede ko bang malaman kung sino 'yon, Dad?" sabi pa niya. Pinaseryoso niya ang kanyang mukha. Nagbabasakali siyang sasagutin siya ng ama. Tumingin muna sa kanya ito tapos ay tinapik-tapik siya sa balikat. “Don’t worry, son. Isang kaibigan lang iyon na matagal ko nang hindi nakikita, Son. Gusto ko lang tulungan nang malanman ko ang kanyang kalagayan," tapos ngiting tugon nito.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD