TWF16

1164 Words
Althea POV Maaga kami nakarating sa place ni Kiel sa Batangas. Eto pala ang pinagmamalaki nilang lugar. Napakaganda. Pagka baba ko sa Van na sinakyan namin. Kaagad akong sinalubong ni Yex at Vienna. " Baby! " bati ko sa anak ko. " I miss you Mom. Miss ko kayo ni baby." bulong saken ng anak ko ng yakapin niya ako ng mahigpit. " Miss ka din namin ate. " sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa mukha niya na napaka saya. Hinalkan ko siya ng hinalikan sa mukha hanggang sa may dumating na naka agaw ng atensyon ng mga kasama ko. " Daddy Vince " sigaw ng anak ko at tumakbo siya papunta kay Vince. Medyo malayo sila kaya hindi ko masyadong madinig ang pinag uusapan nila. " Lets go." aya saken ni Wilfred. Busy kasi ngayon si Lucas. Si Kuya naman ay busy din sa kanyang mag ina. Kaya si Wilfred lang ang pwedeng sumama saken. Tinawag ko si Vienna pero hindi siya sumama saken. Nakaramdam ako ng kirot dahil hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Vince. Pag pasok ko sa loob ng room namin ni Vienna binagsak ko un katawan ko saka nagtakip ng unan sa mukha. Binuhos ko un sakit. Matagal din bago ko hinayaang lumuha ang aking mga mata. Ng maiayos ko ang sarili ko. Pinuntahan ko si Wilfred sa room niya para ayain kumain. Sinamahan niya naman ako pero nakita ko na kumakain din pala ang mag Daddy huli na para umiwas dahil nakita na ako ng anak namin. " Mom. Tito Wilfred." pag agaw ng atensyon ng anak ko samen. " Hey baby. Kanina pa kita hinahanap para sabay tayo kumain. Nauna na pala kayo ng Daddy mo" wika ko ng makalapit ako sa kanila. Ganun pa rin si Vince hindi siya tumitingin samen. Mas inuna pa nga niyang sagutin ang tawag ng secretary niya ng inaya ako ng anak namin na dun na din kumain sa table nila. Naging awkward kami. Tanging boses lang ni Vienna ang masaya. Andun ung napipilitan kaming tumawa pag kinelangan para lang hindi mapansin ng anak ko un samen ng Daddy niya. Parang kahapon lang ang sweet niya saken, tapos ngayon eto na naman kami. Namimiss ko na siya. Gusto kong maamoy siya ng malapitan. Naging busy na ang lahat matapos ng aming pahinga ng araw na yun. Naging masaya naman ang kasal ni Gab at Tasha. Andun ung naging bitter na naman ako. Habang nag celebrate kami nung gabi ng kasal nila. " Maghihiwalay din kayo kaya wag niyo ng patagalin" kaya lahat ay napasimangot saken. " Alam mo ikaw Thea, merong naghihiwalay na nagkakabalikan, at meron din nagiging sawi pero nagiging masaya naman sa iba kaya wag kang bitter okay." Medyo tipsy ng sabi ni Tasha saken. Inirapan ko lang sila habang tinatawanan nila ako. Naiinis ako habang si Vince ay seryoso sa pag cecelphone niya. Ilang beses na din etong tumayo para lang makausap niya sa malayo un katext niya. Nakaramdam ako ng pananakit ng puson kaya napahawak ako kay Wilfred. Nakita din naman yun ni Yex at Dey. Kaya sinenyasan ni Dey si Yex na asikasuhin muna ako. Wala din kasi silang tiwala kay Wilfred dahil ngayon lang nila eto nakita. " Lets go Thea. Late na din kelangan mo ng magpahinga." binuhat ako ni YEX ng pa bridal at nakita ko na nakatingin samen si Vince. Sumunod na din si Dey samen. Inayos nila un higaan ko. Masarap sa pakiramdam un ganito, kahit makulit ako at matigas ang ulo hindi nila ako sinusukuan. Nag simula na naman akong maging emosyonal. " sssshhh. wag kang umiyak makakasama yan sa inyo ni baby." pag punas ng luha ni Yex saken " Wag kayo mapapagod saken ha." tinawanan lang ako ng dalwa kong kaibigan. Niyakap nila ako ng mahigpit. Hinalikan ako ni Yex sa noo bago umalis. at ganun din si Dey. " Matulog ka na maaga pa tayo bukas para sa pag aayos ng kasal ng dalawa ni Kiel at Yana. " tumango lang ako sa kanila at binigyan ng isang ngiti bago pumikit. Kinabukasan wala akong ginawa kundi dumuwal ng dumuwal. Wala pa naman akong kasama dahil nag kaemergency si Wilfred. Si Vienna naman ay nasa Yaya ng anak ni Yex. " Baby, nagtatampo ka ba kaya pinahihirapan mo ang mommy. Hinahanap mo ba un amoy ni Daddy. Im sorry anak ha. Hayaan mo gagawa ng paraan si Mommy pero ngayon behave muna tayo." pagkausap ko sa baby sa aking sinapupunan. Nang medyo okay na ako. Nagpasya na ako sumunod sa venue. Busy ang lahat. Tinulungan ko din sila pero dahil walang nakakaalam sa kanila ng sitwasyon ko. Nagpanggap ako ayos lang ang pakiramdam. Napuno ng kasiyahan un pag aayos namin ng pag gaganapan ng kasal nung dalwa. Dahil di ko maabot un taas nagpasya akong gumamit ng hagdan pero pag tingin ko sa baba. Nawalan ako ng balanse. Andun ung nadinig ko ang pag sigaw nila at hinanda ko un sarili ko sa pagbagsak pero may nakasalo saken. Mabilis na dumilim ang paligid ko at wala na akong namalayan kundi pag tawag sa pangalan ko pero ayaw mag mulat ng aking mga mata. Vince POV Mabilis ang pangyayari. Kitang kita ko ang pagkahulog ni Thea. Mabilis akong tumakbo pero mas mabilis si Yex saken. Hanggang dito ba naman. Siya pa rin. "Baby come on. Hey wake up Althea! Hon pakitawag mo un Doctor niya. parefer ka ng Doctor na malapit dito kelangan niya macheck up." mabilis ang naging kilos nila. Naiwan akong tulala. Naguguluhan. " Baby?? " Ano ba talagang meron sila Thea at Yex. Bakit ganun siya mag alala kahapon binuhat niya din si Thea na para bang mag asawa sila. Habang si Dey ay taga sunod lang nilang dalwa samantalang dapat nga siyang mainis dahil na kay Thea ang atensyon ng asawa niya. Napabaling ang tingin ko sa mga gamit na nanlaglag kanina sa bag ni Thea. Nakita ko un PT at un thermal ng ultrasound. Anung ibig sabihin nito. Bumalik saken un eksena na naabutan ko ng binisita siya ng pinsan niya at manliligaw niya. Alam kong nagpapanggap lang si Thea dahil dinig na dinig ko un sinabi niya sa lalaking yun. " Ako naman ang kikilanin Daddy ng mga magiging anak mo ah, so okay na ako ang maging kamukha. Ayaw mo ba mag karoon ng magagandang lahi." Sabi ng mayabang na si Wilfred " No I dont like you. Isa lang ang magiging ama ng mga anak ko kung sakali. " Sagot naman ni Thea sa lalaking yun . Isa lang ang magiging ama ibig bang sabihin si Yex. Kaya ba ganun. Kaya nilang maging martir sa ganung tao. Nasasaktan ako at nakaramdam ng galit. Anung karapatan ni Yex na sirain na naman si Thea. Ganun ba kadali sa kanila ang mag kamali. Sumunod ako sa kanila para kumprontahin si Yex at Dey hindi na ako papayag. Kung ayaw siyang panagutan ako na lang ang tatanggap sa mag iina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD