Meira High: Practice makes powerful "Guild war!" Tumili ng malakas si Yuuka habang 'di niya namalayan sa sobrang gigil niya sinasakal na pala niya si Rave. "Ahh... Ack―! hawak sa leeg niya at pilit na inaalis ang kamay ni Yuuka na nakasakal sa kanya. Binitiwan ni Yuuka sa pagkakasakal si Rave. Umubo-ubo si Rave dahil sa sakit ng pagkakasakal sa kanya. "Ay, sorry." Nag-peace sign sabay subo ng kimbap. "Grabe mamatay ako rito!" Sabay lipat sa kabilang upuan si Rave. "Hoy ang O.A. mo! Sabog ka ba? 'Di naman sinasadya e! At saka nag-sorry naman ako." Galit na sinabi ni Yuuka sabay sinungitan ng tingin si Rave. "Wow! Ikaw na nga nanakit, ikaw pa galit. Saya mo rin ano―!" Sambit ni Rave tapos naka-kamao pa ito sa harap ni

