Chapter 3: Rarest Class

3709 Words
MAAGA pa at ginising na ako ni mama, medyo aligaga siya mas excited pa sa akin siya. Nang nagising ako naligo na ako at Nag-breakfast na, mabilis akong kumain kaso hindi ko kayang maging mabilis kumain dahil ang sarap ng agahan. Sinangag, tuyo at may itlog na maalat at kamatis. Pero kailangan ko mag madaling kumain dahil pinagmamadali ako ni mama. Grabe ayaw niya na ba ako makita? Nang matapos akong kumain, hinugasan ko na ang pinggan na pinagkainan ko at nang matapos, kinuha ko na ang Converse shoes ko na kulay black, sinuot ko na ito. Naka fitted white top lang ako at skinny jeans. Dala ko rin ang jacket kong brown. "Tapos ka na? Bilisan mo dali" at kinuha na ni mama 'yung shoulder bag ko na may lamang mga undies ko at favorite kong damit. Kahit naman kasi sinabi na may mga gamit na ako sa boarding school na 'yon, malay mo 'di ko magustuhan ang mga gamit na binigay nila mainam na rin na may gamit akong sarili. Nandoon na rin ang mga gadgets na galing sa school. "Kompleto na ba lahat? Wala kang nakalimutan?" Tanong ni mama habang sinusuot niya 'yung doll shoes niya. "wala na po ma, ok na lahat." Pagkatapos namin i-check lahat kung maayos na, muli kong pinagmasdan ang bahay namin. Kahit na luma na ito, marami namang mga alaala rito na masasaya kahit kaming dalawa lang ni mama. Pagtapos kong isariwa ang lahat ng alaala sa bahay namin, umalis na kami ni mama. Nasa Malabon kami, ang nakalagay sa papel sa MOA raw makikita 'yung bus papuntang Meira. So, nag Jeep kami at nag LRT pagkatapos ay bumababa kami ng Buendia at sumakay kami ng Jeep papunta sa MOA. Pag dating namin doon, may karatula sa isang bakanteng lote malapit sa tinatawag na E-COM building, nakalagay 'Meira bus stop'. May mga tao na rin na naroon at wala pa 'yung bus. Medyo napaaga kami ni mama. Mayamaya pa'y nag datingan na ang mga tao, napansin ko madami rin pala kaming nakatanggap ng email. Dumating na 'yung bus at naka awang ang bibig ko nang makita ko ang bus napakacool! Makikita mo 'yung logo ng school na dragon, sa gitna nito mayroong nakalagay na 'Meira High'. Ang lupit ng logo, parang logo ng isang online game astig! Niyakap ko ng mahigpit si mama, medyo mangiyak-ngiyak siya at hinawak-hawakan niya pa 'yung mukha ko. Ano ba 'yan mapapaiyak na rin ako, mamimiss ko kasi si mama. "Mag-iingat ka do'n ah―? Kakain ka ng maayos, mag-aral nang mabuti, at higit sa lahat mag ti-text ka, okay?" medyo maiiyak na ako sa bilin sa akin ni mama, kasi nakita ko na tumulo 'yung luha niya. Ano ba 'to! Parang ayaw kong nang umalis at iwan si mama, pero magandang oportunidad ang makapag-aral ng libre. Lalo na noong nakita ko ang facilities ng school sa may tablet. "Opo mama" sagot ko sa kanya na may malungkot na boses. "O siya, sige na! Sakay ka na" sinunod ko 'yung sinabi ni mama. Nang makasakay na ako, natanaw ko si mama naglalakad na papuntang sakayan. Naiiyak na ako. Heto na ang huling pagkikita namin ni mama. Pero kakayanin ko 'to. Huminga ako ng malalim bago umakyat sa bus at pag akyat ko, naghanap na ako ng mauupuan. May nakita akong bakanteng upuan, yung uupo na ako biglang may humarang na kamay sa uupuan ko. "This seat is for a dragon born only" sabi ng babae na may blonde and straight hair, green eyes at naka headband siya na red. Maganda siya kaso mukhang masungit. Hinayaan ko nalang ito at hindi umimik nung kaharap ko siya, kaya naglakad nalang ako at nag hanap ng ibang mauupuan. Sa sandali kong pagtalikod, mahina kong sinabi, "Ansabe niya―?" at naglakad muli ako― 'Dragon ball'? Super saiyan daw ba? Hay nako 'di ko siya maintindihan. Huminto ako sa isang bakateng upuan pero may nakaupo na sa may window side. Isang lalaki na ka-edad ko rin yata. Biglang ang sama ng tingin sa akin, at 'yung kulay ng mata niya ay gray na parang full moon tuwing winter though, nakikita ko lang 'yun sa mga movies. Medyo nakakatakot siyang tumitig kaya bahagya akong napaatras. Bago palang na bully na agad ako, wala pa nga sa school e. Lalo tuloy akong kinakabahan "Dito ka na umupo sa tabi ko." pag lingon ko, inaya na ako ng isang mukhang nerd na lalaki. Mukha naman siyang mabait kaya umupo na ako sa tabi niya. "Thank you." "Hi I'm Fabio, 'di ko totoong pangalan." What? Ang weird naman ng pakilala niya sa akin, Fabio raw siya pero 'di niya real name. So tinanong ko siya. "I'm Annica, ba't 'di mo tunay na pangalan?" "Ah? 'Di ka ba nasabihan? Sa Meira High kailangan natin ng avatar name." "Bakit?" "Nasa rule book 'yon, 'di mo ba na check?" Sa totoo lang 'di ko na nacheck natulog na kasi ako agad. Kaya binasa ko 'yung rule book, ah... for our security namin and protection of identities at dapat 'di kami magkakaparehas ng name sa school. Ano'ng dahilan? Papasok ba ako sa school na 'to para maging isang undercover or secret agent? Ang weird naman. "Oh alam mo na? Alam mo ba na ang Meira High ay isang magic school?" Huh ano nanaman 'to? Napakapit ako sa kinauupuan ko sa narinig ko kay Fabio at dahil din umandar na 'yung bus. "A... Ano? So we are like Harry Potter sa Hogwarts?" Tanong ko sa kanya. Napakunot ako ng noo nang bigla siyang tumawa nang malakas. Aba mokong na 'to lakas akong pagtripan ah―! Sarap lang basagin ng mukha e. Huminto siya sa pag tawa at naging seryoso ang mukha. "Mayroong magic na halo, pero ability na kasi natin 'yon, mag-aaral tayo roon para enhance ang mga powers natin." Sagot nang nagpakilala sa akin na Fabio. What the fudge! Ano'ng sinasabi nitong tao na 'to? Napansin ni Fabio na clueless ako sa pinagsasabi niya. "Oh no! Wala kang idea?" he grinned. Kaya, mabilis akong umiling at hinayaan ko siyang magsalita. "Oh I see, let's have a little history. Ang Meira ay may 3 races, dragonborn, half blood and Meiran. Dragonborn both parents are pure. May mga taga Meira dati na biniyayaan ng mga kapangyarihang elemental at parehas na elements ang ginagamit nila and from the word dragon sa salita ng mga taga Meira tinawag silang Junea. And there is the Half-blood Jura. Ang mga magulang ay different ang elements ang taglay. Maaring taglay nila ang elements na nakuha niya sa parents niya kaya nilang mag-bend ng dalawang elemento. And the Meiran which are the natives o tinatawag na Merillian. Wala silang mga kapangyarihan pero sanay sila sa pakikipaglaban at sila ang mga bodyguards ng mga royalties sa Meira dati. Katulad ko isa akong Junea at ang lahi namin ay mga Wizards." Teka-teka mukhang na confuse ako sa explanation ni Fabio. Ano'ng dragon-dragon pinagsasabi nito? At Wizards? Ano 'yon mala Harry Potter lang ang peg ganern? Pinag loloko talaga ako nito. Biglang sumakit 'yung brain ko roon! Ano ba 'tong napasok ko? School of Aliens, mutants' o... Ano? Mayroong camera ba sa paligid at isa itong reality show para i-good time ako? "You'll see." Isang boses sa utak ko ang biglang nagsalita. Ano 'yon? Konsensya ko ba 'yon? Ba't boses lalaki? Hala nasisiraan na yata ako ng bait! "Oh? What's with that face? Wala ka talagang idea kung bakit ka pumasok sa Meira High?" "Wala e― at 'di ko talaga alam 'yung mga pinagsasabi mo." "Ah, 'wag kang mag-alala madami ka matutotunan sa school pag dating natin doon." Ngumiti si Fabio at sabay taas ng salamin niya sa may bridge ng ilong niya. Infairness, hetong si Fabio, konting ayos lang magiging heartthrob 'to, may hitsura e. Mayamaya pa'y huminto na 'yung bus sa isang gubat at dead end na 'yung sa harapan namin. Puros puno na ang sa paligid namin. Pinababa na kami ng driver, kinuha ko na rin ang gamit ko at sumunod na ako sa mga nagbabaan. Ang weird! Iginala ko ang mata ko sa paligid. Mapuno ang paligid nito at naririnig mo ang mga huni ng ibon at kaluskos ng mga hayop sa paligid. Medyo lumamig na rin ang paligid at parang wala na kami sa Pilipinas. Buti nalang may suot akong jacket. Mayamaya pa, may biglang guwapong lalaki na sa harapan namin. Huh? Paano siya nakarating diyan? Wala siya riyan kanina ah! Brown 'yung hair niya at may silvery to gray eyes siya. Siguro mga mid 20's na siya. Nakasuot siya ng all black, 'yung butones ay gold at ang manggas ng polo niya ay mahaba, mayroon siyang scarf na navy blue at white stripes. Nakapalupot ito sa kanyang leeg. "Welcome to Meira High, I'm teacher Darcy." Pakilala niya sa aming lahat. Napansin ko attentive silang lahat, ako lang 'yung mukhang engot na madaming tanong sa isip. Nasaan ang School? Nasaan tayo? Paano napunta riyan si teacher Darcy? At madami pa. Ang g**o-g**o talaga. "Hey shut up and clear your mind!" may nagsalita nanaman kaya lumingon-lingon ako. Peste sino ba 'yon? Napansin ako ni teacher Darcy na wala ako sa aking sarili. "Are you okay, Miss?" "Ah... e... yes, Sir." Wala pa rin ekspresyon ang mukha nang siya'y nagwika. "Okay! Follow me." Gamit ang kamay- kinumpas niya ito sa hangin at nahawi niya ang mga sanga na naka-block sa amin at bigla nalang, bumuka ito at naging daanan. Manghang-mangha ako. Parang magic! 'Pag nakadaan na kami bumabalik ito sa dati, hanggang sa magsara ulit. Sa buong pag lalakad naka-awang lang ang bibig ko at halo-halong emosyon ang nararamdaman. Tuwa, kaba, pagtataka... Basta hindi ko mapaliwanag. Mga 15 minutes na paglalakad, tumambad sa amin ang isang arch parang roman arch tapos may nakalagay na 'Meira High'. Napa- awang muli ako nang makita ko ang ibabang bahagi ng arch, dahil mayroong nagliliwanag sa gitna nito. "Alright! Ito ang entrance papuntang Meira High, tatapat lang kayo sa liwanag na ito at dadalhin kayo ng portal na 'to sa school." Teacher Darcy instructed. Wow seriously? Parang portal sa online game. Astigin ang dating! Kaya naman isa-isa na kaming nagtapatan 'dun sa liwanag, tumapat na ako lumutang ang katawan ko sa ere at ang sarap sa feeling at ilang segundo lang nasa loob na ako. At- at - Holy fudge! This is a dream! Para akong nasa ibang bansa 'yung mga stractures may halong modern and victorian style para kang nasa Italy or France though, 'di pa ako nakakapunta roon napapanuod ko lang sa mga movies. Heto ang pinakita sa video at mas maganda pa ito ngayong nandirito na ko! Ang sayang nararamdaman ko ay walang kapantay. One word breathtaking. Ang daming tao, naka-school uniform sila pero iba-iba ang kulay, mayroon silang mga sandata na hawak at 'yung iba nakasakay sa mount na parang sabertooth tiger. Oh my goodness! Para akong nasa loob ng isang online game market. Nasa Pilipinas pa ba ako? Manghang-mangha ako sa lugar. Para akong isang batang paslit na nakakita ng isang malaking playground. Napangiti ako at naging lalo pang excited. "Wow ang ganda para kang nasa loob ng isang online game" Sabi ko. "Feels 'di ba?" Wika ng isang lalaki at ng rock sign pa siya sa akin. Ngumiti naman ako. "Hi I'm Louie" "Annica" I introduce myself and I ask him. "Tunay mo 'yang pangalan?" "Oo, wala pa akong maisip na avatar name." Nang matapos kaming magusap, umalis na siya kasi manghang mangha rin siya sa nakikita niya ngayon. 'Yung nagpakilala sa aking Louie mukha siyang bad boy at 'yung mga karaniwang nangugulo na pasaway sa school. Ang judgemental ko ba? Gusto ko sanang kunan ng litrato gamit ang cellphone ko. Kaso lang mahigpit na i***********l ang pagkuha ng litrato rito sa campus and this school needs to be a secret for outsiders. Nahagip kasi 'yon kanina ng mata ko at nabasa ko. Nakalagay rin doon na kung sino man ang lumabag― expulsion ang parusa. Ayaw kong mangyari sa akin 'yon kaya susunod nalang ako sa rules. Nakasunod pa rin kaming lahat kay teacher Darcy, habang ako naman lumilingon-lingon sa mga nag gagandahang nakikita ng mga mata ko. Huminto kami sa isang building na parang museum. Mayroon siyang tower-like structure sa may bubungan nito at mayroon itong tore na may malaking orasan at bell sa tuktok. Isang clock tower. "This is the Kashida building, this is the registration building where you will change your name, saang guild kayo mapupunta, and where you will register your class or job" Woah, woah! Class or job? Meaning like a swordsman? Wow I really like the sound of this. Woah! May guild din! 'Di na ako nagtanong kasi nahihiya ako kaya hinayaan ko nalang magtanong yung mga kasamahan ko. "Sir, ano po ang guild?" Girl 1 "Name 'yon ng dormitories niyo, ang houses ng Meira ay nahahati sa apat na houses o guilds. Pinangalan sila sa mga great spirit dragons at ito ang magiging bahay niyo hanggang sa maka graduate kayo. The four guilds are: Fyron, Casmoth, Raziel and Venia." Teacher Darcy recited. "Sir, ano po 'yung mga classes?" Girl 2 "Dito sa Meira mayroong 4 classes or jobs. Knight, Ranger, Rogue and Mage." As teacher Darcy answered spontaneously. Nako! Parang sa online game na nilalaro ko! naging excited ako lalo! To the highest level! "Puwede po ba kami pumili ng sarili namin Class?" Boy 1 May hawak si teacher na tablet. "Hindi dahil ang tablet na ito ang magdedetect kung saang class kayo mapupunta and ayon na rin sa mga abilities nyo." pinakita niya ang tablet na binigay sa amin ng school. Abilities? Ano 'yon? Wala naman akong kayang gawin? Kumain matulog ability ba 'yon? Hala baka wala akong makuhang class. Sabay akong nalungkot at 'yung kaninang to the highest level kong excitement parang bumaba. "Oh sige na ilagay niyo na ang kanang kamay niyo sa tablet, at hayaan niyo ito mag-scan." Sinunod namin ang sinabi ni teacher Darcy, at ayun nga ang cool ng tablet na 'to! May isa pang nangyari na napa nganga ako ng malala. May lumabas na parang I.D card doon sa nilabasan ng papel dati. Grabe astig talaga ng tablet na 'to. Lumabas 'yung student number ko TR-154743. Pinapasok na kami sa loob ng building, pagpasok ko namangha nanaman ako para itong hotel sa loob. May lobby at may mga receptionist sa gitna na parang flight stewardess ang uniform, mayroon silang logo ng school sa kaliwang side ng uniform nila. Nakatayo sila sa isang mahaba at marmol na lamesa at may computers sa harapan nila. Mga nasa 10 sila, kaya pumila na kami para i-register ang class namin at mag pa- change name na rin. Habang nasa pila iniisip ko na kung papalitan ko ang name ko. Puwede naman yata na Annica nalang gagamitin ko? At nang ako na 'yung susunod, "Hi, I.D please?" inabot ko 'yung I.D. ko sa mgandang babae. Wala pa itong picture at student number palang. Pinasok niya ito sa card reader at nagumpisa na mag-tipa sa kanyang keyboard. "Avatar name please?" Nakangiting tanong niya sa akin. Napahinto ako, wala pa akong maisip. "Ah... eh... puwede bang Annica nalang din? A-n-n-i-c-a." I spelled my name. "Nako dear, may gumagamit na ng name na 'yon, isip ka pa ng iba." Nahagip ng isip ko itong name na 'to, ginamit ko na rin kasi siya sa mga online games e. "Can you please try, Anya? A-n-y-a." Nag-type ulit siya at ayon! Pasok sa jar! My name is not Annica anymore it's now 'Anya'. Inabot na ulit niya sa akin ang I.D. mayroon na rin akong guild. Nakalagay 'Venia'. Napatalon ang puso ko sa saya dahil hindi ako others sa school na 'to. Wala man akong magic powers tulad ng sinasabi ni Fabio- okay lang makakapag-aral pa rin ako rito dahil may guild na ako. Nang matapos na ang lahat mag pa-register― Malakas na bumukas ang malaking pintuan ng Kashida building. Para bang ginamitan ng kung anong force. Nagulat kaming lahat. Mayroong tatlong taong pumasok, mukha silang mga teacher din dahil may mga scarf din silang nakapalupot sa leeg. Parang nag slowmotion pa ang paligid dahil lahat ng mga mata namin ay ang attention ay nasa kanila. Para silang mga karakter sa isang anime 'yung mga hairstyle nila. 'Yung isa kasi kulay purple ang buhok. Cosplay lang? Nagsalita ang isang babae. "Lahat ng guild Fyron pumila dito, I'm teacher Fiona." mukhang mataray si teacher Fiona at nakablack din siya kagaya ng uniform ni teacher Darcy pero naka pencil cut na palda at mayroon siyang red scarf na may gold linings. At nasa mid 20's na siguro rin siya. "Dito naman ang mga guild Casmoth, I'm teacher Pierre." mukha siyang strikto. Parehas din ng uniform ni teacher Darcy pero mayroon siyang green scarf at pale yellow na linigs. "Guild Raziel pila rito, I'm teacher Airie." Sabi niya at nag-peace sign pa siya at nilagay sa gilid ng mata niya. Mukha naman cool si teacher Airie parehas kay teacher Darcy, may scarf naman siya na gray at royal blue linenings. "Dito naman ang guild Venia. Kilala niyo na ako kanina pa." Ngumiti siya sa amin. Kaya pumunta ako sa kanya. Napunta 'yung lalaking masama ang tingin sa akin kanina, si Fabio rin pati si Louie na ngayon ay Rave na ang pangalan. Napansin ko, konti lang kami kaysa sa iba. 6 lang kami napunta sa Venia. "So, there's a few of you. That's alright, follow me― kunin na natin uniforms niyo at para mag pa-picture na kayo." "Sir, do you know the reason, kung bakit konti lang kami?" Tanong ni Fabio na sobrang curious. "Well, I don't know, this is the second time actually na konti lang kayo. During my time parang ganito rin. Pero let's not talk about the past-" Paliwanag ni teacher Darcy. Then suddenly his face darkened. "Past is past" at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ulit bumalik ang ngiti nito sa labi. I rolled my eyes skyward, bipolar lang. Ang bilis mag-shift ng reaction ang weird talaga ng mga tao rito. Naglakad na kami muli na nakasunod sa kanya. Dumaan kami sa ilang mga hallways ng kashida building, may isang malapad na daanan dito at kasing lapad ng isang street na puwede daan ng sasakyan. Huminto si teacher Darcy sa may gilid at parang may inaabangan. Ano kaya 'yon? Tinaas niya ang kamay niya at sumigaw ng― "Para!" Nabigla ako― anong para? May humintong jeep sa tapat namin. Nagulo pa ang buhok ko. "Whoa―" Sambit ko. Para itong mini golf car pero jeepney siya na puwedeng sakyan sa likuran nito. Seriously sa loob ng school my ganito? "Students, this is called 'Meira ikot'. Puwede kayo mag-abang ng ganito basta sa may naka-paskil lang na 'jeepney logo'. Okay?" Paliwanag niya sa amin. "Kumusta, Chin?" Bati ni teacher doon sa driver. Para siyang multo kasi spirit form sila. "Guys, siya si Chin sila ay isa sa mga creature rito sa Meira. Huwag kayong ma-confuse kasi hindi sila mga spirito o multo. Ganyan lang sila ang tawag sa race nila ay 'Mia'. Sila ang official drivers ng mga 'Meira ikot'." Paliwanag muli ni teacher Darcy sa amin. Sabay-sabay naming binati si Chin. Sumakay na kami sa isang mini jeepney. Nang binuhay na 'yung makina― nagulat ako at napakapit kay Fabio na katabi noong mga panahon na 'yon. Dahil tumakbo ng napakabilis 'yung jeep. Pare-parehas kaming napasigaw sa sobrang bilis. Ang lakas ng hangin halos makain ko na ang buhok ng babaeng nasa unahan ko na may brunette hair. Hindi pa ako gutom ate ayaw ko ng pancit canton! "Ahhhhhhhhhh―!" Sigaw naming lahat. Humahalakhak si teacher Darcy dahil natatawa siya sa mga reaction ng mga mukha namin. And we all heard a screech sound. Sa sobrang lakas ng preno; sabay-sabay kaming napunta sa unahang bahagi ng jeep. Nadaganan namin ang isa't isa. "Aray ko!" Reklamo ni Rave kasi nakadagan kami sa kanya. "Oh― ang sweet niyong mga bata friends agad kayo." Teacher Darcy teases us and giggles. Grabe ang sakit nakadagan sa akin yung lalaking others sa amin. Tumayo na kami at nasibaban ng jeepney and in just a nick of time nakarating kami sa isang shop. Pumasok na kami rito. Iginala ko ang mga mata ko na sobrang gulat sa mga wirdong gamit na nakita ko. Mayroong mga sandata rito para sa iba't-ibang class o job. Teka naalala ko― class? Hala! 'Di ko alam ang class ko. Nagcompare kami ng I.D. namin ni Fabio magkatabi kasi kami. Napansin ko may nakalagay sa kanya na Mage sa baba ng name niya, sa akin wala! Sabi ko na nga ba, ako 'yung others eh. Hinanap ko kung anong class ako pinaikot-ikot ko yung ID card kaso wala talaga kahit sa likurang bahagi nito. Baka nakalimutan ng nagreregister ilagay. Oh no! Others ako! Nakakalungkot naman― naging malungkot tuloy ang mukha ko at napansin iyon ni Fabio. "Tanungin mo si teacher." Bulong ni Fabio sa akin. Nang tatanungin ko naman na siya, bigla naman ito nagsalita― "Alright this is the one stop shop for guild Venia, you can buy everything here, weapons of your class, potions, magics, forging items, clothes, accessories, name it this shop, got it all for Venia peeps." Naguluhan ang utako ko lalo. 'Di ko alam kung ano pinasok ko― school ba o military training school? Makikipag gera ba kami? Ang dami ko talagang tanong. Pero 'di naman bago 'to sa akin kasi naglalaro ako nito sa online nga lang 'di lang ako makapaniwala na nangyayari ito sa totoong buhay at mayroon palang ganitong school. Bago ko pa makalimutan, nagtanong na ako tungkol sa class ko. "Sir, may mali yata sa I.D. ko, wala po kasi akong class." "Patingin?" Tiningnan ni teacher Darcy at nagtango-tango lang ito tapos tumalim ang mata niya at napahawak sa bibig niya. Hala! Ano kaya yon? Kaya kinabahan ako bigla. "You belong to the rarest class." What? Ansabe?! "Isa kang Templar Knight, bihira talaga 'to." Ano? Teka... Templar? Meaning Holy Knight? "And you are correct, Anya." Yaiks! Boses ba 'yun ni teacher Darcy na pumasok sa isip ko? Nakatulala lang akong nakatitig sa kanya dahil sa pangyayari. 'Di 'to kinaya ng katawang lupa ko! Naguguluhan talaga ako... help!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD