Meira High: Shaeres Elluna Meira High: Shaeres Elluna "HALIKA samahan mo ako." Sabi ni Paul sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa kanya. Ayaw kong sumama sa kanya, gusto ko lang naman bumalik sa Meira High. Naiiyak na talaga ako sa nangyayari. Ang g**o-g**o ng utak ko. Ako isang Sheeva? Isang kaaway? Bakit ako dinala sa Meira High instead na rito sa base nila? Sino ba talaga ako? Napansin ni Paul na ayaw kong sumama sa kanya. Kaya naman bumuntong- hininga siya. "Di siya sasama sa 'yo." Nagulat ako biglang lumitaw si Aiden kung nasaan ako ngayon. Kasama niya si Chace at si Kieran. "Hi, Elried long time no see." Sabi ni Chace habang nasa likod ito ni Paul at nakatutok ang espada nito sa kanya. Naka-aim naman ng arrow niya si Kieran sa may left niya at si Ai

