The forgotten city of Alloira MAAGA akong nagising. Inaantok pa ako. Pero pinilit kong tumayo, para makapagkape sa ibaba. Nakasabay ko sa pagbaba, ‘yong isa pang kasama namin dito sa unit… si Amber. "Hello, I'm Amber." Pakilala niya sa akin. Ang ganda niya, red ang buhok niya at kulay blue ang mata niya. Hmmmm... Paano ko ba maid-describe ang pagka-blue ng mata niya? Papunta na sa green… teal blue eyes. Tama! "I'm Anya." "Hello Anya, see you around." Umalis na agad siya. Nagkape na lang ako. May nakita akong loaf bread at sandwich spread. Kaya ayon na lang ang kinain kong breakfast. Pagkatapos no'n, umalis na ako. Tulog pa siguro ‘yong dalawa, kaya hindi ko nakikita. Papunta na ako sa hunting class namin. Wait! Saan ba 'to? Tiningnan ko ‘yong schedule ko… Sa Alloira South gate pala ‘y

