We are meeting the Summoner| Our Dragons SA pagdating ng dragonborn elves, mas lalong lumakas ang loob ko. Bumalik ang kumpyansa ko sa aking sarili na makakaya namin ito. Sumugod kami kasama ng mga elf. Nag-buff ako ng ilan sa mga elf at bumilis ang kanilang mga galaw. Nakalapit na kami sa battlefield. Nagulat ako na saktong pagdating namin; napatumba na nila Papa at headmistress ang malaking ahas na lalaki. Nagliwanag ito at biglang naging abo. Bumulusok sa hangin ang mga abo na naging sanhi ng pagkakaroon ng alikabok sa paligid. Napuwing ang mata ng ilan at pumikit ako para hindi mapuwing. Ang problema na lang namin ay 'yong malaking puno. Patuloy pa rin ang pag-summon nito ng malalaki at mababangis na lobo. Nakipaglaban ako sa ilang mga wolf. Nagulat ako ng may naramdaman ako sa liko

