Meira High: Who am I? | The Elven War NANDITO pa rin ako, kung saan ako iniwan ni reyna E’awen. Ang dami kong tanong: bakit nagsinungaling sa akin si Mama, na buhay pa ang Papa ko? Bakit? Ano kaya ang itsura niya? At sino kaya siya? Ano ang pangalan niya? Naisipan kong umalis sa hardin at maglakad lakad. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko. Dahil hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. All those years that I’m longing for a father, I was so sad. Wala akong ibang mapagsumbungan sa pagbubunganga sa akin ni Mama. Wala akong mapagsasabihan ng mga bagay na hindi ko masabi kay Mama. Wala akong Papa na nagpo-provide para sa amin. Wala akong kinalakihan na ama. DINALA ako ng mga paa ko sa gitna ng kagubatan. Lumilipad ang utak ko sa kaiisip. Sa ‘di kalayuan ay may natanaw akong puno.

