Meira High: History of Sheeva | Family KINAKABAHAN ako sa katahimikan ni Papa. Kitang-kita ko ang pagkabalisa sa mukha niya. Umihip ang malakas na hangin sa buong paligid. Rinig na rinig ko ang tunog ng mga kulisap, dahil sa katahimikan naming dalawa. Nakakailang buntong-hininga na siya. Mukhang marami siyang iniisip sa ngayon. Mali bang nagtanong ako? "Papa?" Pag-aalalang tanong ko sa kanya. Kanina niya pa kasi ako hindi tinitingnan. Baka ayaw niyang sagutin ang tanong ko. At hindi pa siyang handing ikuwento sa akin ang lahat ng gusto kong malaman. "Annica, ang ipinangalan ng Mama mo sa 'yo. Pinaghalo na ang pangalan namin dito at sa kabilang mundo. Ewan ko ba? ‘Yon ang lumabas." Pagkatapos ay ngumiti siya. Naaalala siguro niya ang masasayang alaala na mayroon sila ni Mama.

