Meira High: Our real mother PAGMULAT ko ng aking mga mata, nagtaka ako na narito na ako sa kuwarto ko. Ang huling naaalala ko, pasan pasan ako ni Aiden sa likuran niya. Napabalikwas ako ng bangon. Paano ako nakarating dito sa kuwarto ko? Hindi kaya, pumasok si Aiden dito at inihiga ako sa kama ko? Napatakip ako ng bibig ko. No, no, no! Ginulo-g**o ko ang buhok ko. Panaginip lang ‘yon. Nang marinig kong sinabi niya na… “You’re welcome, my princess.” Tama! It’s just a dream. Imposibleng sabihan ako ni Aiden ng gano’n ka-sweet na salita. Ang sungit kaya niya at palagi siyang may sariling mundo. Pero hindi ko maiwasan na mapangiti, kapag naaalala ko ‘yon. Para kasing totoo ‘yong sinabi niya. Kinagat-kagat ko ang hem ng kumot ko. Mannerism ko na kasi ‘yon sa tuwing may iniisip ako.

