Meira High: Trackers Grabe nakakatakot naman ang mga lalaki na 'yon akala mo kung sino. Mukhang bully pa sila. Hay nako! Nagkamalay na si Aiden pero ang kapatid niya hindi pa, medyo mataas kasi ang binagsakan niya at nayugyog daw 'yong utak niya nang sinalo siya ng dragon niya kaya baka bukas pa raw siya magising. Nakita ko sa mga mata ni Aiden ang pag-aalala sa kapatid niya... "Kaya mong tumayo?" tanong ni Riku sa kanya. "Oo, okay na ako." "Anya... ano pala... Sor―" May pumutol sa sasabihin sana ni Aiden dahil may tumawag sa pangalan niya. "Aiden!" Napatingin nanaman kami sa may pinto at si Amber pala 'yon. Mabilis siyang pumunta sa gawi namin at nasagi pa nga niya ako at sabay na niyakap si Aiden. Umiwa

